Chapter 15: A total stranger when he's mad

5.7K 363 27
                                    

Junfeng as Andrew

Junfeng as Andrew

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gunter's POV


Ilang araw ko ring sinuyo si Ate Pritz na pumayag para makasama ako sa rest house nila Lance sa tagaytay pero ayaw niya akong payagan. Isang beses lang nagsabi sa kaniya si Lance at kaagad itong sumang-ayon. Hindi ko alam kung bakit napakabias ni ate sa aming dalawa ni Lance, hindi ko na nga alam kung sino nga ba ang tinuturing niyang kapatid sa aming dalawa. Wala naman talaga akong balak na sumama sa rest house dahil mas gugustuhin kong magpahinga at tumambay lang sa bahay kapag sembreak. Pero itong si Lance ay sobrang mapilit kaya napapayag na lang ako sa kaniya para tigilan niya ang pangungulit sa akin.

Wala siyang tiwala sa akin. Ang akala pa niya at ay iindyanin ko siya sa araw ng alis namin kaya kagabi pa lang ay kinuha na niya ang mga gamit na dadalhin ko para sa lakad namin. Ngayon ay susunduin na lang niya ako sa bahay. Medyo maaga akong nagising dahil kahit papano ay naeexcite din akong pumunta sa lugar na hindi ko pa napupuntahan. Alas otso ang usapan namin ni Lance na pagsundo niya sa akin pero ala sais pa lang ay nakaligo na ako at nakaready nang umalis. Kaya grabe na lang ang pang-aasar sa akin ni ate pritz dahil nga mas maaga pa ako sa kaniyang nagising. Dahil masyado akong maagang nakapaghanda ay sinubukan kong maglaro ng ML para patayin ang oras at hindi mabagot. Nasa kasagsagan ako ng paglalaro nang may marinig akong pagkatok sa pinto.

"Pumasok ka na! Ngayon ka pa ba nahihiyang pumasok?" sabi ko at pinagpatuloy ang paglalaro. Alam kong si Lance ang kumakatok sa pinto at pinagtitripan na naman ako. Saglit akong tumingin sa orasan at mukhang napaaga rin ang pagdating niya. Naagaw ang atensyon ko sa paglalaro at sa kaniyang pagkatok kaya nawala ako sa focus kaya mabilis akong napatay sa clash. Padabog kong binuksan ang pinto habang nag-aantay ma respawn ang character ko.

"Kanina ko pa sinabing pumasok ka di ba! Namata-" pasigaw kong sabi pero laking gulat ko nang may yumakap sa akin.

"Namiss kita Gon!" sabi niya sabay gulo sa ulo ko. Marahan ko siyang tinulak para makita kung sino ang yumakap sa akin at saka ko lang nakilala ang taong ito. Si Andrew, ang kababata at best friend ko.

"Andrew? Teka anong ginagawa mo dito pare?" tanong ko dahil hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagdalaw sa akin.

"Bakit hindi ka masayang nandito ako?" tanong niya at ako naman ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ang laki ng pinagbago niya sa ilang buwan naming hindi pagkikita. Tila ba lumaki ang kaniyang pangangatawan.

"Mukhang lumaki ang katawan mo ngayon ahh, naggigym ka na ba o lumaki lang yang braso mo kakajakol?" pang-aasar ko sabay tawa. Bigla niya na lang akong sinakal gamit ang kaniyang braso.

"Sa tingin mo magkakaroon din ako neto sa pagjajakol lang?" tanong niya sabay kuha sa kaliwang kamay ko at pinahawak niya sa akin ang abs niya. Bilang ganti ay hinampas ko ito gamit ang palad ko kaya napaurong siya at nabitawan niya ako.

Normal na sa amin ang ganitong bagay dahil sa tagal ng pinagsamahan naming dalawa. Sabay pa nga kaming tinuli at dati ay madalas pa naming ipagkumpara ang laki ng ari ng isa't isa. Sa kanilang dalawa ni Kei ko natutunan ang magsarili. Minsan ay manonood kami ng porn sa kwarto ni kei kapag walang tao sa kanila. Kapag magsasarili kami ay may sari-sarili kaming kumot na ginagamit para takpan ang aming mga ari. Syempre nakakawalang ganang magsarili kapag nakikita mo yung mga ari ng mga kasama mo. Pero habang kami ay tumatandan ay may mga bagay na hindi na namin ginagawa at isa yun sa bagay na kinalimutan na namin at malabong maulit. Ang tanging hindi mawawala sa amin ay ang pagiging komportable namin sa isa't isa.

"Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na dadalaw ka?" tanong ko habang inaaya siyang maupo sa couch. Nilapag niya ang malaking bag pack na kaniyang dala-dala sa couch at naupo sa tabi ko.

"Eh kung sinabi ko kaagad sayo eh hindi na magiging surprise ang pagdalaw ko dito" tugon niya at napatango na lang ako. Kumuha ako ng tubig para ibigay sa kaniya dahil pansin kong kanina pasiya pinagpapawisan. Nagsalin ako ng tubig sa isang baso at kaagad niya itong ininom.

"Eh si Kei kamusta naman?" tanong ko habang siya ay umiinom.

"Pinilit kong sumama kaso hindi makasama dahil nabisto ng dalawa niyang syota na pinagsasabay niya ang mga ito" natatawang sabi ni Andrew at ako rin ay natawa kaya pala bihira ko na lang makitang magpost si Kei sa facebook yun pala ay may mga pinagtataguan.

"Bakit bihis na bihis ka ngayon, mukhang may date ka ah" sabi niya sa akin nang mapansin niya ang ayos ko.

"Ahh wala may pupuntahan lang" saka ko naalala ang lakad namin ni Lance. Patay, papano na yan? Nangako pa man din ako kay Lance na sasamahan ko siya sa rest house nila ngayon at kaming dalawa lang ang magkasama.

"Sige, ayos lang antayin na lang kita dito pagbalik mo para hindi ko kaya maisturbo" pang-aasar niya at ako nama'y pinilit tumawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya at papano ko ipapaliwanag kay Lance na hindi siya magagalit sa akin. Alam kong magagalit talaga yun si Lance dahil bilin niya sa akin na wag na wag magsasama ng ibang tao. Pero anong gagawin ko? Alangan namang iwanan ko si Andrew dito sa bahay kasama si ate habang ako ay limang araw na mawawala?

"Bakit kasi hindi ka nagsabi kaagad na pupunta ka?" ang muli kong sabi.

"Bakit saan kaba pupunta ngayon?" tanong niya sa akin.

"May usapan kami ng isa kong tropa na pupunta kami sa tagaytay ngayon. Nangako na ako at nakaayos na ang lahat at ngayon ang alis namin" sabi ko sa pinakamahinahong tono na kaya kong gawin. Ayoko naman kasing iparamdam na pinagtatabuyan ko siya. Alam ko pagod din siya mula sa byahe niya dahil galing pa siyang Caloocan.

"Eh di pakiusapan mo ang tropa mo na isabit ako sa lakad niyo, promise behave lang ako" sabi niya habang nakataas pa ang kanang kamay para mangako. Hindi ko magawang banggitin sa kaniya ang bilin ni Lance na huwag magsama ng ibang tao. Ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba. Mukhang nararamdaman ko nang hindi magiging masaya ang byahe namin.

Nang lumabas si Ate Pritz sa kaniyang kwarto matapos maglinis ay saka niya lang napansin ang pagdating ni Andrew. Niyakap niya kagaad ito nang makita niya. Para narin kasing kapatid ang turing ni Ate Pritz kay Andrew. Malaking tulong din kasi ang nagawa ng pamilya nila sa amin ni ate sa tuwing nagigipit kami. Sobrang bait ng magulang nila sa amin lalong lalo na ang mama niya na si mama minda. Mama ang tawag namin sa kaniya dahil yun ang gusto niyang itawag namin sa kaniya. Maging si Kei ay mama ang tawag kay mama minda. Madalas kaming dumideretso sa bahay nila Andrew para kumain ng merienda na hinahanda sa amin ni mama minda kapag galing sa school o kaya kapag natapos naming maglaro ng basketball. Pang larong kalye lang ang galing ko sa pagbabasketball kaya hindi ako sumasali sa try outs sa school. Si Kei at Andrew ang magaling diyan pero malakas ang loob kong kalabanin silang dalawa sa basketball dahil kahit anong pangangantyaw nila sa laro ko ay hindi ako naiinis.

Nagluto ng almusal para sa amin si Ate Priz dahil hindi pa rin pala nakakakain si Andrew ng almusal dahil maaga siyang umalis para lang maiwasan ang traffic. Tanging tinapay at kape lang ang kinain ko kanina dahil ayokong kumain ng marami dahil baka saan ako abutin ng aking tiyan. Mahirap makahanap ng maayos na palikuran lalo na kapag nasa byahe ka. Habang nag-aantay kami ng niluluto ni Ate Pritz ay nagawa pa naming maglaro ng rank game sa ML. Magaling sa maraming bagay si Andrew. Pagdating sa online games, mobile games at maging sa basketball ay hanga ako sa kaniyang paglalaro. Sa kaniya ako natuto ng mga techniques na nagagamit ko sa paglalaro. Maging sa panliligaw ay siya rin ang nagturo sa akin. Sa aming tatlo ay siya ang pinakagwapo at pinagkakaguluhan ng mga babae sa aming school. Pwera biro ako ang sumunod at pangatlo lang si Kei. Pero sa aming tatlo si Kei ang pinakababaero dahil para sa kaniya ay mas pogi ka kapag mas marami kang babae.

Saktong natapos namin ang laro at nagawa pa naming manalo sa aming kalaban kahit na AFK ang isa sa amin. Naging tagilid ang laban pero nagawa naming makuha ang epic comeback dahil sa husay ni Andrew sa paggamit kay Gusion. Kaagad kaming kumain habang patuloy na nakikipagkwentuhan si Ate kay Andrew. Hindi lang ako ang nakapansin ng biglang paglaki ng pangangatawan ni Andrew dahil si Ate Pritz ay yun rin ang napansin. Habang sila ay nagkakatuwaang kumain ay ako naman ay mabilis na tinapos ang kinakain dahil bigla kong naramdaman na kailangan ko nang magbawas. Napabilis ang pagbabawas ko dahil pagkatok ni Andrew sa banyo dahil kinakailangan na rin niyang gumamit nito. Nang matapos ako ay kaagad naman siyang pumasok sa banyo. Nagreklamo pa siya sa naiwang amoy na ikinatawa ko. Masyado kasi siyang atat pumasok kaya hayan may sumalubong na amoy sa kaniya.

Habang nasa loob ng banyo si Andrew ay tumulong ako sa pagligpit ng pinagkainan namin. Nagsipilyo kaagad ako nang mailagay ko lahat ng pinagkainan sa lababo. Huhugasan ko sana kaso nagpumilit si Ate Pritz na huwan na dahil kailangan niya daw i-sterilize ang mga kutsara at baso dahil dito na kumakain si Lance. Baka daw kasi magkasakit kapag sabon sabon lang ang ginawa niya. Buti pa si Lance naaalala niya pero yung sarili niyang kapatid ay hinahayaan lang niya. Napailing na lang ako habang nagsisipilyo. Bigla ako nakarinig ng tatlong busina ng kotse at ayun na nga ang naging hudyat na nasa tapat na ng bahay si Lance. Nanakbo ako patungo sa banyo para kumatok kay Andrew at sabihing aalis na kami. Sinabihan niya akong mauna na dahil patapos na rin siya at yun na nga ang ginawa ko. Bago ako lumabas ng pinto ay sinuot ko ang bag ni Andrew sa aking likuran para lumabas na sa akin ito at hindi kaagad maghinala si Lance. Wala naman na siguro siyang magagwa kapag nasa loob na si Andrew at ang bag niya.

At ganun na nga ang nangyari. Kahit masama ang tingin sa akin ni Lance nang malaman niyang may sinama pa akong iba sa aming lakad ay nagawa niya pa ring patakbuhin ang sasakyan. Hindi ko magawang makatyempo para magpaliwanag sa kaniya dahil nasa tabi ko si Andrew at panay ang kwento sa akin. Naiintindihan ko naman kung bakit halos hindi maunbusan ng kwento si Andrew dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita pero ang kinababahala ko ay mukhang lalong naiinis si Lance sa pagiging madaldal ni Andrew. Nagulat na lang ako ng biglang magpatugtog nang malakas si Lance.

"Uy pare nakikinig ka rin pala sa Ghost" sabi ni Andrew nang marinig niyang tumugtog ang kanta. Tumango lang si Lance bilang sagot at hindi man lang kami nililingon. Hindi ko nga alam kung kanta pa bang maituturing ang pinapatugtog ni Lance dahil mas marami ang sigawan kaysa pagkanta.

"Alam mo bang paborito ko sa kanta nila yung version nila ng Crucified, napakaangas nun!" dugtong pa ni Andrew at hindi man lang sumagot si Lance. Ito namang si Andrew ay sumasabay pa sa kanta at halatang kabisado niya ang mga tugtugin ng banda na to. Sa tinagal tagal naming magkasama ni Andrew ay ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siyang makinig sa ganitong kanta. Madalas kasi niyang pinapatugtog ay mga JRock at ang nakakatawa pa ay isa siyang fan boy. Sobrang fan siya ng girl group na Twice. Pinag-iipunan niya pa ang mga merchandise at albums nila. Kaya madalas siyang inaasar na bakla ni Kei kasi kahit steps ay alam niya. Grabe daw kasi ang paghanga niya sa isang miyembro nito na si Tzuyu. Kahit ako ay nagagandahan sa babaeng yun pero kahit na gaano siya kaganda ay hindi niya ako mapapasayaw sa mga kanta nila.

Sa tinagal ng pagbabyahe namin ay napatunayan ko na parehas ang gusto ni Lance at Andrew pagdating sa music. Maliban na lang siguro sa pakikinig ni Andrew sa JRock at sa pagpafan boy niya sa Twice. Halos lahat kasi ng pinatugtog ni Lance ay alam niya ang lyrics o kaya familiar siya sa kanta. Medyo matraffic ang naging byahe namin kaya inabot kami ng halos isa't kalahating oras bago makarating sa rest house nila Lance. Medyo naantala din kasi ang byahe namin kanina nang may kausapin si Lance sa cellphone niya at kinailangan niya pang bumaba ng saksakyan para magkarinigan sila ng husto ng kaniyang kausap. Ang ganda ng rest house nila dito at napakaaliwalas ng paligid dahil sa mga nakapalibot na puno. Ayun kay Lance ay kasalukuyang naka day-off ang care taker ng rest house kaya naman kaming tatlo lang ang magiging tao sa malaking bahay na to.

Dala-dala ang mga gamit ay pumasok kami sa loob ng rest house at isa-isang nilapag ang mga gamit sa lapag ng sala. Kahit hindi ako ang nagmaneho ay ramdam ko pa rin ang pagod dahil sa init at traffic na dinaanan namin makapunta lang dito. Kahit di nagsasabi si Lance ay alam kong napagod din siya at nang makapagpahinga kami ay nagprisinta naman ako na magbitbit ng mga gamit sa aming kwarto. Si Andrew naman ang nag-ayos ng mga pagkain at sangkap na dapat ilagay sa ref na aming magagamit sa pagluto.

"Yung mga gamit natin ay dalhin mo sa master bed room at yung gamit ni Andrew ay dalhin mo sa kwarto ng care taker" gamit ang kaniyang daliri ay pinagtuturo niya lang ang mga kwartong ito para maging gabay ko.

"Teka andaming kwarto dito sa rest house niyo tapos magtatabi lang kayo ni Gunter sa iisang kwarto?" angal ni Andrew habang hawak-hawak pa ang isang kilo ng manok na nakabalot sa plastic. Tiningnan ko nang masama si Andrew dahil sa inasal niya. Kami na nga lang itong makikituloy tapos aangal pa siya. Pero sa isip-isip ko ay may punto si Andrew dahil kung hindi ako nagkakamali ay nasa pitong kwarto kasama ang kwarto ng care taker ang meron ang rest house na to. Siguro naman may iba pang guess room na pwedeng tulugan si Andrew.

"Dahil matagal na kaming natutulog nang magkatabi" hindi ko inaasahang sasabihin yun ni Lance. Sasagot sana ako para magpaliwanag pero muling nagsalita si Lance.

"84 years na ang tanda ng rest house na to. May mga antique na kagamitan sa bawat kwarto. Dalawang tao lang ang inaasahan ni manong jun na darating ngayon kaya pinalipat ko sa kaniya ang mga antique sa ibang kwarto at ipinasara ang mga ito para masigurong hindi ito magagalaw. Nakalock ang lahat ng kwarto at nasa kaniya ang susi. Iniwan niya lang na nakabukas ang kwarto niya at ang master bedroom" dugtong niya at kaagad siyang naglakad patungo sa master bedroom.

Bago ako sumunod kay Lance sa master bedroom ay lumingon muna ako kay Andrew na patuloy pa ring naglilipat ng mga sangkap sa loob ng ref. Nag-okay sign siya sa akin at ngumiti bilang tanda na wala siyang pagtutol sa mga nangyayari. Muli kong nilapag ang mga gamit namin ni Lance sa sahig at inunang dalhin ang bagpack ni Andrew sa magiging kwarto niya. Mas malapit kasi ito at hindi na ako magpapabalik-balik. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay kaagad kong nilagay ang bag pack ni Andrew sa ibabaw ng kama. Wala naman masyadong kakaiba sa kwarto niya at mukhang nagsisilbing tulugan lamang ito para sa care taker ng bahay dahil wala gaanong gamit sa loob at kahit mga palamuti ay wala kang makikita.

Sinunod ko namang dalhin ang mga mabibigat naming bag ni Lance patungo sa master bedroom kung saan kami matutulog. Hindi ko alam kung kailangan ba talaga ni Lance ang lahat ng mga gamit na dala niya. Hindi naman ako makapagreklamo na hindi man lang siya tumulong sa pagbubuhat dahil alam kong napagod din siya sa pagmamaneho. Pagkarating ko sa harap ng pinto ng master bedroom ay binuksan ko ang pinto ng kwarto gamit ang aking paa. Marahan lang ang pagkakasipa ko para mabuksan ito dahil hindi ko magawang hawakan ang door knob sa dami ng bitbit ko. Pagpasok ko sa loob ay naabutan kong nagpupunas ng pawis sa kaniyang katawan si Lance. Tumingin siya sa akin ng isang beses bago siya nagsuot ng kaniyang tshirt. Nilapag ko naman sa sahig ang aming mga gamit.

Hindi ko napigilan ang aking sariling mapamangha sa loob ng kwarto. Ang ganda ng pagkakadesign ng kwarto, para kang nakatira sa sinaunang panahon na may twist ng modern design. Ang mga kurtinang ginamit ay tila kasing tagal na ng bahay na to. Nasasabi ko yun dahil sa desenyo nito at hindi sa kulay dahil ang mga tela ay tila hindi man lang nabahiran ng dumi o mantsa sa sobrang puti. May iilang larawan na nakasabit sa dingding na masasabi kong totoong taong nanirahan sa bahay na to. Sabi ni Lance kanina ay lahat ng mga antigong kagamitan ay nasa ibang kwarto na pero may iilan paring naiwan sa kwartong to. Bumalik ang tingin ko kay Lance nang mahiga siya sa ibabaw ng kama.

"Lance tungkol pala Andrew, gusto ko sanang.." hihingi sana ako ng tawad pero bigla na lang niya akong pinutol.

"Pagkatapos mo dyan pwede ka nang lumabas. Gisingin nyo na lang ako kapag nakahanda na ang lunch" sabi niya sabay suot ng headset at lagay ng bindfold. Mukhang ayaw talaga niya akong makausap kaya naman lumabas ako para tulungan si Andrew.

Tinulungan ko si Andrew na maghanda ng aming lunch. Marami kaming napag-usapan tungkol sa mga nakaraang buwan. Pinagmamayabang pa niya sa akin na ilang buwan na daw siyang single. Syempre, bilang matalik na kaibigan niya ay hindi ako naniniwala dahil sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya ay malamang may kasunod na kaagad ang ex niya. Isa pa sa kinaiinggitan kong talento ni Andrew ay ang galing niya sa pagluluto. Namana niya ang husay ni Mama Minda sa pagluluto. Buti na lang at nandito siya dahil baka puro prito at noodles ang kakainin namin ni Lance. Sa tagal naming magkasama ni Lance ay wala siyang nabanggit tungkol sa pagluluto kaya ang pagkakaalam ko ay kagaya ko lang din siya na magaling lang sa pagkain.

Ang daming kalokohan na ginawa nilang dalawa nang malipat ako sa Laguna. Bigla ko tuloy namiss yung samahan naming tatlo habang patuloy sa pagkukwento si Andrew. Pero mas maraming nakwentong kalokohan si Andrew tungkol kay Kei kasi sa aming tatlo ay siya ang pinakamaloko. Panay ang tawanan naming dalawa habang nagkukwento siya sa mga kagaguhan na pinaggagawa ni Kei. Habang kami ay naghahanda ng pagkain ay panay pa rin ang tawanan naming dalawa na para bang mga batang walang kinatanda dahil sa mga simpleng kwentuhan ay grabe ang nagagawa naming pagtawa. Nagulat na lang ako nang biglang naupo si Lance sa mesa kung saan mga plato at kanin pa lang ang nakahain.

"Andyan ka na pala, gigisingin na sana kita para kumain eh" sabi ko sabay lapag ng adobong manok na nakalagay sa malaking bowl sa ibabaw ng mesa.

"Hindi na kailangan, sa ingay nyo pa lang nagising na ako kaagad" reklamo niya at mukhang hindi nagustuhan ni Andrew ang tono ng pananalita ni Lance. Madalas talagang maangas at mayabang ang pananalita ni Lance kaya kung hindi mo siya kilala ay maiinis ka talaga. Naiintindihan ko ang naging reaksyon ni Andrew pero mabuti nagawa ko siyang pigilang magsalita dahil baka lalong lumala ang galit ni Lance.

"Alam mo ba pre, itong si Lance ang MVP ng school namin. Mukhang magkakasundo kayo sa basketball" sabi ko habang nakaakbay kay Andrew at marahang tinatapik ang kaniyang balikat para magbigay ng mensahe na maghinay hinay sa kaniyang sasabihin.

"Talaga ba? Mukha ngang magkakasundo kami" sagot ni Andrew habang nakangiti. Alam ko namang pinipilit niya lang ngumiti. At ito namang si Lance ay parang gusto akong patayin sa sama ng tingin niya sa akin.

"Oh siya tara na't kumain" pag-iba ko sa topic. Gusto ko na lang matapos kumain para makaiwas sa kung ano mang alitan meron sila.

Habang kami ay kumakain ay bigla na lang ako nawalan ng gana sa pagkain dahil para silang bata na nag-aagawan sa parte ng manok. Nagtatalo pa sila kung sino baa ng nararapat sa parte na yun. Kahit wala akong gana kumain ay nagmadali akong kumain para lang makaalis sa mesa dahil naiinis na ako sa kanilang dalawa. Nang matapos akong kumain ay nagtungo ako sa labas ng bahay para magpahangin. Sakto na mayroong duyan sa bakuran ng rest house. Nakatali ang duyan sa pagitan ng dalawang puno at ang maganda pa ay natatakpan ng mga puno ang sinag ng araw kaya hindi ako masyadong naiinitan at nasisilawan. Nagpasiya akong umidlip saglit dahil bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag wala ka masyadong naririnig na ingay ng mga sasakyan. Tapos sobrang gaan sa pakiramdam ng nilalanghap mong hangin.


Nagising ako nang maramdaman ko ang panlalagkit ng aking katawan. Pawis na pawis na pala ako at wala na masyadong hangin sa sandaling ito. Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras at nakita kong alas kwatro na at hindi man lang ako nagising ng mga siraulong yun. Kaagad akong pumasok sa loob ng bahay at inakalang nakatulog din ang dalawa kaya hindi nila ako nagising. At nang ako'y makarating sa sala ay naabutan ko silang naglalaro ng Tekken 7. Napakawalanghiya hindi man lang nila ako nagawang gisingin para ayaing maglaro.

"Wow, so kayo lang ang maglalaro at hindi nyo man lang ako ginising?" reklamo ko at naupo sa couch.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon