small caps intended!
habang dinadama ko ang malakas na buhos ng ulan, kasabay ng pagdapo nito sa aking balat ang pagbalik ng mga alaalang hanggang ngayon pilit kong kinakalimutan.
eglaf cabins, ang lugar na pinagsimulan ng lahat,lugar na minsan nang naging tahanan sa akin, tahanan ng masasaya at masasakit na alaala. mula sa malamig nitong simoy ng hangin at sa mga tao nitong may matatamis na ngiti sa labi, masasabi kong wala pa ring nagbago rito.
walang pinagbago, nandito pa rin ang mga masasayang alaala, mga alaalang kaya kong balikan ngunit hindi ko na muling mararanasan, mga alaala na habang tumatagal pumapait, at mga alaalang gustong magtanong na "ano ba ang nangyari sa atin?".
YOU ARE READING
Pajama Nights
Teen Fictionthey laughed at the stars and shared everything, too young to notice that life can do terrible things.