Pula

168 6 0
                                    

Ilang araw nang napapansin ni Rhian ang pagkabalisa ni Franco. Mas mainit ang ulo nito kumpara sa normal na nakasanayan na nya.

Nakakunot ang noo, aburido ang muka at pagalit lagi ang pagnanaalita, pailalim din ang tingin sa lahat ng bagay kahit sa kanya.

Ganyan na si Franco ngayon.

Hindi manhid si Rhian at alam nya ang puno't dulo nito. Si Ethan, at ang pagsanib nito sa grupo nila para mapabagsak si Tiago.

Hay... huminga nalang ng malalim si Rhian habang inaayos ang dress na suot nya.

Kasalukuyan silang nag aayos para pumuslit sa political rally/charity event ni Tiago. Formal ang gabi, at di mapigilan ni Rhian ang ngiti nang makita ang ayos ni Franco.

"Gwapo naten ah." Masaya nyang pagbati.

Pero tinignan lang sya nito mula ulo hanggang paa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero tinignan lang sya nito mula ulo hanggang paa. At supladong inalok ang kanyang braso para kanyang hawakan habang sinusubukan nyang magbalanse sa mataas nyang takong.

"Salamat." Nasambit nya habang namumula ang pisngi sa kung anumang dahilan at bumyahe na.

"Tandaan nyo, nasa pulang case ang hinahanap natin. Pag nakita nyo, kunin nyo na agad at umalis na kayo. Naririnig ko rin lahat ng kilos nyo, kaya magsabi lang kayo kung may mangyari na hindi maganda, nandito lang kami sa kotse." Paalala ng papa nya habang si Ivan ay tahimik lang na inabot sakanila ang mga maskara.

"Hindi nila kayo mamumukaan pero malamang sinadya nila to para pumunta talaga kayo." Dagdag nitong babala habang sinusuot nila ni Franco ang mga maskara.

Agad namang nagbilin si Franco sa kinakapatid nito at nandoon parin ang sungit sa mga boses nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad namang nagbilin si Franco sa kinakapatid nito at nandoon parin ang sungit sa mga boses nya. "Ihanda mo lang ang sasakyan, hindi ka pwedeng bumaba dahil ikaw ang magdadrive."

Ngiting ngiti parin si Ivan. "Goodluck tol, at ate Rhian? Ang ganda mo lalo!" Panunukso pa ng binata. Tumango lang si Rhian at si Franco naman ay walang reaksyon. Bumaba na sila ng sasakyan at pumasok sa building.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trust FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon