HALOs MALUKOT ko na ang papel sa sobrang panginginig.
Sino ba kasi ang lalaking 'yon?
Bigla na lang sumusulpot at kung ano ano ang ibinibigay. Ngayon naman kung ano ano ang mga pinagsasabi.
Papatay para mabuhay?
What is he? Some sort of a psycho?
Mas lalo akong kinilabutan sa naisip. Umihip pa ang malamig na simoy ng pangmadaling-araw na hangin kaya mas lalong nanindig ang mga balahibo ko sa batok.
Ikaw kasi Elaina! Masyadong malawak 'yang imahinasyon mo kaya ikaw na lang rin ang nananakot sa sarili mo!
Dali-dali akong pumasok at isinara ng maayos ang sliding door.
Tinupi ko ang papel at inilagay sa pinakahuling drawer ng shoe box storage. Pati ang pink long stem crystal rose kasama ang tag na ibinalik ko sa rectangular box ay inilagay ko rin doon. Para in case na magkandaleche-leche ay may maipapakita ako. Isa pa naman siyang weirdo. Sumusulpot na lang bigla.
Saka ko na lang siya iintindihin. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makikita ko na si Aki sa sabado.
"HOY GIRL! Bigla ka na lang nagmamadaling tumakbo paalis kahapon at hindi mo pinansin ang pagtawag ko sa'yo. Tapos magtetext ka na hindi ka sisipot sa movie marathon? Ano ba kasing ginawa mong babae ka?" Salubong agad ni Theia na kasama na si Xy sa pagpasok ko pa lang ng classroom.
Medyo marami na rin ang mga naririto. I am a bit late than my usual arrival.
Hindi ko lang siya pinansin at tumuloy lang sa sariling upuan saka kinuha ang tumbler sa bag at uminom ng tubig. Ang sakit talaga ng ulo ko. Dahil siguro alas quatro na ako nakatulog tapos 7:15 ang first class namin kaya nagising ako ng 5:30 para maghanda.
Hindi ako agad nakatulog sa kakaisip sa lalaking 'yon. Kahit anong pag-iisip ko, wala akong maalala na nagawan ko ng masama para maging dahilan na takutin at guluhin ako ng ganito.
Sino ba kasi siya?
Wala naman akong kilalang may initial na Z.V. Buti sana kung S.L. dahil alam ko na agad na si Steph-----
Hindi ko na naituloy pa ang iniisip nang bigla ring magsalita si Xy na tahimik ko namang ipinagpasalamat.
Ayaw ko nang magbalik tanaw.
Masyado lang talagang malikot ang utak ko at tinatahak ang ala-alang dapat ko nang ibinabaon sa limot. Minsan, hindi lahat ng masasayang simula ay magtatapos ng happy ever after. Kaya hindi lahat ng masasayang ala-ala ay binabalikan. Yung iba, kailangan na lang kalimutan.
"Yeah. Hindi mo nga man lang ako hinintay na makabalik. Aminin mo nga, may itinatago ka ba sa'min?" Naibuga ko ang tubig na nasa bibig.
May pumasok pa sa ilong ko kaya ang sakit, lalo na sa dibdib.
What the- I didn't expect it!
Well, kailan ka ba naging handa Elaina? Napabuntong hininga na lang ako sa naisip.
"What the heck!?" Gulat na saad ni Blase at hindi makapaniwalang napatingin sa suot niyang P.E. uniform na basang basa na.
Sakto kasing padaan siya nang naibuga ko ang tubig.
Patay. Double kill.
"Alam kong babagsak na ako sa Physics kaya masakit yun sa side ko bilang nangangarap mag-engineer! Pero sana wag mo naman isabotahe ang P.E. ko kasi 'yon na lang ang pag-asa kong hilahin ang grades ko at makagraduate! Jusmiyo!" Litanya nito at padabog na umalis.
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomanceBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...