Ikaw ang Mundo
Sa dinami-daming tao sa mundo ikaw ang bumihag ng puso ko.Ikaw ang kaisa isang tao na kayang punan ang lahat ng aking pagkukulang.Unti unti mong binuo ang wasak kong mundo.Ikaw ang tagasalo anumang ibato ng mundo.Ang aking mga pag-alala, iyong napapakalma.Ang isa'y dalawa, tayong dalwa'y iisa.Saan man ako magpunta, alam kong di ako mag iisa.Sa iyong mga patawa, ay hindi ka pumapalya.Ikaw ang tanging bangka, kapag bumaha na ang aking mga luha.At kapag naliligaw na, kamay mo ang aking mapa.Ikaw ang antipara, pag malabo na ang aking mga mata.
Apat na taon na tayo ngayon Nenew ko.Maraming Salamat sa isang napakagandang pag ibig.Mahal na mahal din kita.