Justine's POV:
sarangeul haetta uriga manna...jiuji mothal chueogi dwaetda........bolmanhan mellodeurama.. gwaenchaneun gyeolmal.....geugeomyeon dwaetda
neol saranghaetta...🎶Kinapakapa ko cellphone ko habang nakapikit,para patayin ang alarm ko.Nakapikit pako ng bumabangon.Buti nalang medyo nawala pinoproblema ko,dahil sa alarm ko,pinapaganda talaga ng iKon mood ko.
Lumabas ako para maligo.Pagpunta ko sa kusina,nandoon si mama nagluluto ng pagkain ko,naupo muna ako sa hapagkainan habang inaantay matapos ang niluluto niyang almusal ko.
"Bat tulala ka?Nagpuyat ka nanaman siguro." Wika ni mama ng nilapag niya ang ulam at sinangag na kanin sa harap ko.
"Ang aga ko kaya natulog."ani ko
Tamad kong nginuya ang pagkain,at nagmamadaling pumasok sa school.
"x squared plus 2x plus 2x squared" pagsasalita ng teacher namin na nakaharap lang sa board.Ewan ko ba dito yung blackboard ata tinuturuan niya,lagi niya kaming tinatalikuran.
Lagi siyang humuhugot tungkol sa 'x' palibhasa sawi sa pag-ibig,pagkatapos siyang iwan ng ex niya e hindi na siya nagkajowa at asawa.Matanda na teacher namin sa Pre-Calculus.Wala siyang asawa.
"So dapat ang 'x' ,pag untugin niyo,kasi mga aninimal sila." Ani niya,kaya naman naghiyawan ang mga kaklase ko,Ganyan ang mga gusto nila.
Andaming alam ni sir,hugot ng hugot,porke sawi sa pag-ibig.
Nang sumapit ang 11:45 am,ay kinakabahan nako at tingin ng tingin sa labas ng room.Dahil marami ng Grade 12 students ang nagsisidatingan.Jusko po sana naman malate si Jess sana tsaka na siya pumasok,kapag nakalabas nako ng campus.Wala akong mukhang maihaharap pag nakasalubong ko siya.
"Okay class,dismiss.Let's continue our lesson tomorrow." Ani ng teacher namin sa Reading amd Writing.Kinuha ko naman agad ang bag ko at dali daling lumabas sa room,pinuntahan ko sa kabilang building yung tatlo.
Nang nakalabas na sila,inaya ko na agad sila na umuwi.Himala daw at ang agaw namin umuwi.
Nandito ako sa sala,at nakataas ang dalawang paa habang nagcecellphone,habang nakasindi ang TV at halatang di naman ako nanonood.
12:05 pm pa lamang.
Ng nagbukas akong messenger ay pangalawa sa chat list ko si Jess,at Online siya!!!Wala pa siguro ang teacher nila.Medyo maaga pa naman.
Inistalk ko siya at tingnan kung may bago ba siyang post.At ng nakita ko ang shared post niya na 6 hours ago na.Nireact ko naman,wala akong pinapalampas na post niya.Lahat may react ako,walang mintis hahahahaha.
Nagpasya akong matulog muna,dah inaantok ako kakacellphone.Nagising ako ng mga bandang 5:30 ng hapon.
Buong hapon ay gumawa ako ng mga assignment at reaction paper sa isang sub namin.
---
Kinabukasan.
"Oy bili tayo." ani ko sa katabi ko.
Tumayo naman sila at pumunta kaming canteen.
Sa labas kami ng room kumain,dahil maingay sa loob ng room,wala kasi ang teacher namin sa isang subject.
Mga isang oras kaming nakatambay sa labas,at ubos narin ang binili naming pagkain.
Pinagmamasdan namin ang mga dumadaan.Nanlaki naman ang mata ko sa nakita kong naglalakad papasok.
'BAT ANDITO NA SIYA?! ANG AGA PA!' ani ko sa sarili ko.Kinabahan naman ako,baka makita niya ako,kami lang namang tatlo ang nasa labas ng room,at tiyak na mapapansin niya kami.
Yumuko ako,dahil papunta siya sa gawi namin.Siguro mag c-cr siya.dito kasi sa building namin ang cr.Nagulat ako ng nakayuko ako ay,may paa sa harapan ko.Tangina! Sapatos palang kilala ko na! Lord,bakit pooo?.Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa nasa harap ko.
Nakatingin siya sakin ng walang ekpresyon na makikita sa mukha niya.
Napansin kung wala yung dalawa kung kasama,at ng lingunin ko sa gilid ko,naglalakad silang dalawa.patungo sa may CR.
"Hey." Ani ng nasa harap ko.Nag-alinlangan pa ako ng nilingon ko siya.
"Hey, i'm talking to you,Justine." Nanlaki ang.mata kong nilingon siya.Putangina! Bat kilala niya ako.
"B-bakit?...p-poo?" Nagaalinlangang ani ko.Natawa siya ng bahagya.
"Can u join me at canteen?Di pa kasi ako kumakain." Malumanay na ani niya.
"A-ahh e-eh" naghahagilap ako ng masasabi ko,Damn! Bakit??? Bat niya ako niyayaya.Di naman kami close ah.Sa pag kakaalala ko,nadumbo ko pang siya kahapon!
"Come on." Ani niya
"I'll treat you." Ani niya ulit ng di ako nakakapagsalita.
"H-ha?" Nauutal na ani ko.Diko siya maintindihan,Baka nagkakamali lang to.Nagshashabu ata tong crush ko.
Natawa siya ng bahagya sa reaksyon ko.Damn! Those smiles!
"Di kita sasaktan o kung ano man yang iniisip mo" natatawag ani niya at hinila ako ng bahagya.
"Tara." Aniya habang hinihila ako papuntang canteen.
JUSKO NAMAN,PAKIGISING AKO.TOTOO BA'TO? HINAHAWAKAN AKO NI JESS VARGAS,AT TALAGANG NIYAYA AKO SA CANTEEN?
#pafallsikruxx
#AbanganAngSusunodNaKabanataMagcomment po kayo para alam ko po kung icocontinue ko pa po ang story :) thanks
Nest update will be tomorrow.
Thank you
YOU ARE READING
The time I said you're mine
RandomWhen you get tired of liking someone,will you stop?