31 - Moving forward

339 13 0
                                    

"Kasalukuyan pang hinahanap ng mga imbestigador ko si debey. Kasi kong hindi dahil sa kanya hindi mawawala si Havin." Wikang puno ng galit ni Terrence. "Wala tayong mapapala dyan Kuya. Maibabalik niya ba ng buhay si havin ha! Di ba hindi na! Mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. Wala tayong mapapala dyan so tama na Kuya. Pwede ba!!"

"May mapapala tayo ace!" Bulyaw ni Terrence. "So ano ha!'' Galit na siya. " Hustisya ace! Hustisya... Yon na lang ang magagawa natin para kay Havin. Ang bigyang Hustisya ang nangyari sa kanya!"

"Alam mo bang pinahihirapan mo lang ako lalo sa ginagawa mo Kuya. Pinipilit ko siyang kalimutan na...." Iyak nito. "Pero hirap ka parin hindi ba! Kasi hanggang ngayon hindi mo parin natatanggap na wala na siya!"

"Ou na!!! Ou na....Hanggang ngayon mahal ko parin siya! Mahal na mahal...." Hagolhol nito. "Kinakailangan mong mag move on ace... Mas kailangan mo yan keysa sa Hustisya. Hayaan mong gawin ko ang bagay na iyon ako ang hahanap ng sagot sa lahat. Ill go the bottom of this. For now... You have to give attention to yourself. Ang mag move on ang dapat mong gawin... Hayaan mong buksan ang puso mo dyan sa lalaking nanliligaw saiyo ngayon." Umiling iling lang si Aries. "Hindi pa ako handa Kuya...."

"Kailan ka pa magiging handa. Pag pumuti na ang uwak. Mahirap yon. Kasi impossible!" Birong wika ni Terrence. "Loko ka talaga..." Napangiti na rin si ace sa Banat ng kapatid.

"Ibig ko lang maintindihan mo... Eh wag munang pahirapan ang sarili mo naikulong ang buhay mo sa nakaraan kasi hindi na babalik si havin. Bahagi na lamang siya ng iyong nakaraan dahil wala na siya sa kasalukuyan. Dapat mong gawin ay mabuhay nang wala siya. Your still alive! you have a lot of things you can do to yourself. Move on Aries.... Move on!" Wika ng kapatid habang yakap siya nito na umiiyak dahil sa katotohanan na sinabi ng kuya niya.

"Here flowers for you..." Wika ni kenzo. Ang masugid na manliligaw ni ace. "Salamat. You remind me of someone". Parati kasi siyang binibigyan ni havin ng bulaklak dati. "Siya na naman ba. Alam ko di ba..." Napangiti na lamang si kenzo. "I'm sorry kenzo... Ayaw kong saktan ka. Pero alam mo naman siguro na hindi pa ako handa!"

"Ace hanggang kailan? Limang taon nang wala yong taong minahal mo! Ako? Andito ako sa harapan mo naghihintay para sayo buhay na buhay handang mahalin ka!"

"I'm sorry. Hindi ko pa kaya!" Naiyak na si ace. "Hindi mo kaya kasi hindi mo sinusubukan nalimutin siya. Kinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan mo na hindi na babalik pa kahit kailan! Ace naman... Hindi mo ako makikita kong sarado ang mga Mata mo para sa iba. Hayaan mo naman akong makapasok dyan sa puso mo! Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na mahalin mo. Kahit kaunting pagmamahal... Kahit kaunti lang pagtatiyagaan ko at pagtatarbahuan ko yan!"

"Hindi ko alam kong paano sisimulan ang buhay ko. Kasi parang pati puso ko dinala na rin ni havin sa hukay. Maharip din sa akin to. You cannot blame me because his the first man I love the most. Its hard to forget someone who gave you so much to remember. Its hard!"

"Kaya mo namang gumawa ng panibagong alaala pero yon kong handa kana bang gawin iyon na kasama ako. Dalawang taon na ace na sumubok ako na makapasok dyan sa puso mo pero hindi ako susuko". Katulad ka rin niya na hindi madaling sumuko. Paano ko siya malilimutan kung lahat ng gagawin mo nagpapaalala sa akin tungkol sa kanya.

"Ibigay mo nalang ang atensyun mo sa iba. Yong kayang suklian ang pagmamahal mo na hindi ko kayang ibigay saiyo." Wika ni ace. "Maghihintay parin ako. Kahit ano pa yang sabihin mong pangtataboy sa akin."

-----------------------------------------------------------

"Wala ka parin bang naaalala Cavin?? Kahit kaunti." Wika ng doctor kay Cavin. "Still the same wala parin ho akong maalala. Gagastos lang kami ng malaki sa gamot ko wala parin hong progress. I'll decide to stop this medication and forget everything what is in my past."

"Cavin, hindi mo kailangan na e hinto ang gamutan mo. Because its not just a medicine for your brain progress but also a continues medication for your head injury. So, kailangan mo parin yong inumin. To ease some uneasy pain in your head cause by the accident. You still have to take those meds Mr. Cavin." Nagtinginan ang doctor at si Alice.

"See love. I told you. You need to continue those medicine. Sana wag muna e insist ang paghinto mong uminom ng gamot. Because its for your own good sake! Ayaw Kong may mangyari sayo , ayaw Kong mawala ka sa akin. Pera lang ang mauubos mahahanapan lang yan ng solusyon pero ang buhay Hindi na..." Parang naiiyak si Alice.

"Sorry love. Hindi kita iiwanan wag kanang mag alala. Kung yan ang ikakabubuti ko. Sige iinumin ko parin love. Pasensya na kasi matigas ang ulo ko." Niyakap niya si Alice.

"Naintindihan ko. Pero ang iniisip ko lang ay kapakanan mo. Gusto ko paring maalala mo ang nakaraan mo love. Gusto ko rin malaman ang buhay mo dati. Kung sino ka ba talaga at anong tunay mong pangalan yong mga ganon ba. Mga simple tanong para sa simpleng sagot. Sana maintindihan mo na ang lahat ng pag pupursige ko na makaalala ka ay para sayo iyon."

"Dyan talaga ako na Hooked sa kabaitan mo Alice" ngumiti na lamang ito Kay Cavin. "Maraming salamat talaga sa lahat ng ginawa mo love.... Isa kang hulog ng langit sa akin!" Napangiti nalang si Alice.

A/N: talaga ba hulog ng langit?? Oh baka naman sadyang hinulog dahil sa sama ng budhi. Kabaitan kamo o' kademonyuhan! 😠😠😠

Ay galit.... grabee siya! Na carried away lang. He-he

Please be patient po mga kaibigan.
Please follow my account for new updates.
Please recommend po.
Please vote.
Leave me some positive comments. 😇😇😇

Enjoy reading 😊

HOOKED ON YOU - BOOK II People change. But memories dont.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon