"Rise and shine, love" nagising ako sa mula sa mga labing dumadampi sa aking mukha. Pupungay-pungay na bumangon ako at nag-inat. Napalingon ako sa kanya at nakita kong malawak na nakangiti ito.
"Anong oras na?" Tanong ko
"Oras na para mahalin ka" pagbibiro nito na ikinamula naman ng pisngi ko.
"Tigilan mo nga ako sa mga biro mong iyan, Lawrence. Ang aga-aga eh" inis kong sabi. Halos isang buwan narin magmula nang makalabas ako sa ospital. Isang buwan na rin kaming magkasama ni Lawrence sa iisang bubong.
Sa loob ng isang buwan ay unti-unti kong nakikilala ang pag-uugali nito. Mahilig itong magbiro kahit sa mga maliliit na bagay kahit minsan ang corny na nito.
"Love, may ikukwento ako sayo"
"Ano yon?"
"Alam mo ba ang tungkol sa alamat ng saging?" Nakangising tanong nito
"Ano na namang kabastusan yan Lawrence? Tigilan mo nga ako" alam ko kung saan ang patutunguhan ng kwentong ito ni Lawrence.
"Just answer me"
"Hindi ko alam, at wala akong balak alamin!"
"Ngayon malalaman mo na. Noong unang panahon..."
"Tama na nga Lawrence, ang bastos mo talaga!"
"What?! Di ko pa nga nakukwento" pagmamaktol nito.
"Ewan ko sayo!" Tinalikuran ko na siya at umakyat sa kwarto.
Napapangiti na lang ako tuwing naalala ko ang mga kalokohan niya. Kahit sa mga ganoong paraan ay napapasaya niya ako. Hindi na ako makapaghintay na maibalik ang aking alaala. Ganoon kaya kami bago ako maaksidente?
"Penny for your thoughts?" Basag nito sa katahimikan
"Iniisip ko lang kung anong klaseng relasyon ang meron tayo noong nakakaalala pa ako. Kung saan tayo nagkakilala, ilang taon na ba tayong magkarelasyon? Hindi ko pa kasi natatanong ang mga bagay na iyan" malungkot kong saad.
Totoo naman kasi, nalulungkot ako dahil wala talaga akong maalala. Kahit man lang sa panaginip ay wala akong mahanap na sa sagot na maaaring konektado sa aking alaala.
"Don't stress yourself, love. Sooner or later magbabalik din ang alaala mo" Lumapit ito sakin at hinaplos ang aking mukha.
"What's important is masaya tayo. Kung hindi man bumalik ang iyong alaala, don't worry. Gagawa ulit tayo ng mga masayang alaala."
"Thank you, Lawrence dahil hindi mo ako pinabayaan. Ni hindi mo ako iniwan sa mga panahong hindi ko kilala ang mundo. Hindi ko alam kung pano kita mapapasalamatan" mataman ko siyang tinitigan at kitang kita ko ang saya sa mukha at mga mata niya.
"No, love. I should be the one to thank you. Thank you for being a fighter. You fought so hard to live, and you also saved me from death."
"Anong ibig mong sabihin?" Taka akong nagtanong sa kanya.
"Kapag nawala ka, magpapakamatay ako. Gusto kong magkasama tayo hanggang sa kabilang buhay. Not even death can make us part" Seryoso itong nakatitig sakin. Tila nakaramdam naman ako ng kilabot. Isang kakaibang kilabot.
"Hindi mo alam kung pano mo ako mapapasalamatan, hindi ba?" Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya. Bigla namang sumilay ang nakakalokong ngiti mula sa kanyang labi. Alam ko ang nasa isipan ng pilyong lalaking ito.
"Make love to me" at hindi nga ako nagkamali.
---
AUTHOR'S NOTE
Grabe hindi ko namalayan na halos isang taon na pala akong hindi nakakapag ud dahil sobrang busy ko. Ang hirap mahing buhay ofw. Namimiss ko na ang pilipinas haha. Susubukan ko talagang mag-update kapag nakaluwag luwag sa sched ko. Maraming salamat sa lahat ng mga naghihintay pa den sa ud ko. Salamat sa suporta. Babawi ako next time. Thank you 😍
BINABASA MO ANG
Escaping Madness (ON HOLD)
Misterio / SuspensoShe was 15 when i first met her. Her eyes captivated me, those dark brown eyes staring into the depth of my soul, those tempting lips and her cute button nose. Kuya, meet my best friend Angel! My sister's voice pulled me out of my reverie. Her name...