Guy #1 (The Guy at The Jeep)

17 3 0
                                    

Vee's P.O.V

"Haaayyyy" eksaherado kong pagbuntung-hininga dahil halos isang oras na ako ritong naghihintay ng jeep sa gilid ng kalsada.

"Patience is Virtue" yan na lang palaging sinasabi ko sa sarili ko araw-araw dahil sa paghihintay ng jeep sa tuwing pauwi na ako ng bahay.

Napagplanuhan ko na sanang lumakad na lang ng biglang may naaaninag akong jeep na papadaan. I sighed in relief, salamat naman nakaheels pa naman ako.

Hindi pa naman masyadong puno yung jeep nung paakyat na ako kaya dun na ako pumwesto sa likod mismo ng mamang driver.

Nakapagbayad na ako ng biglang tumigil nanaman ulit ang jeep at may bagong pasaherong pasakay, nung nakaakyat na si kuya dun ko lang na realize na ang gwapo pala niya at ang bango din, napatingin ako sa oitfit niya, in fairness marunong din siyang manamit.

Para siyang artista, kaya naman kung makapag react tong babae sa harapan ko parang batang hindi pinagalitan kahit malaki and kanyang kasalanan, and for your information naka spaghetti strap si ate, nagtitipid siguro sila, kinulang ba naman ng tela yung damit niya, ang kapal din ng lipstick, ewan ko parang namamaga ata bibig niya.

Nasobrahan ata ako ng titig sa bruhang nasa harapan ko at hindi ko napansin na si kuyang kakasakay lang na umupo sa tabi ko.

Tiningnan ko ang iba pang upuan sa jeep, eh ang lawak pa naman eh.

Napansin ni ate gurl yung ginawa siguro ni kuya kaya ayun parang may laser yung mata niya sa kakatitig sa akin, irerecommend ko siguro siya sa pinsan kong nagtatrabaho sa bago niyang sinulat na teleserye para hindi na nilang kailangang mag-edit ng effects

I rolled my eyes mentally, ano ba naman yan ang sikip, grabe si pogi ang daming pwedeng maupuan, dito pa talaga, baka pati pawis ko masinghot na niya, bakante pa naman yung nasa gilid niya, nasobrahan naman siya sa pagiging considerate, may nakalaan ng upuan para sa susunod na pasahero, advance mag-isip.

"Kuya, pwede bang usog ka ng konti? Malawak-lawak pa naman eh."

Tiningnan nya lang ako, pero sa saglit niyang pagtingin, nagkafilter ata yung paningin ko, ba't ganun?

"Bakit ka kasi dito umupo?" Tanong ko sakanya, mataray na kung mataray.

"Nandito ka kasi" sagot niya.

Teka nga saglit lang, totoo ba yung narinig ko, pagod lang siguro to, oo pagod lang to, grabe nag ha-hyperventilate na ata ko. Bumabanat siya eh.

"Miss, umm pwedeng pakiabot kay kuya yung bayad ko?"

Nakakakilabot naman boses niya, speechless is me, hindi na ako nakapag-salita at inabot nalang ang barya niya kay mamang driver.

"Thanks"

"Welcome"

"Sa puso mo?" Tanong niya

Tiningnan ko siya, pambihira naman at nakangiti pa siya, jusko nakakatunaw naman yung smile niya.

"Joke lang" dagdag niya

Ginantihan ko nalang siya ng ngiti, hindi magandang biro yun, nagka high hopes na sana ako, pa-fall siya pa-fall.

Nag-vibrate bigla yung cellphone ko at titingnan ko kung sino yung nagtext sa akin.

Nahirapan pa akong kunin yung cellphone ko dahil ang sikip sikip dito sa inuupuan ko.

Nung nakuha ko na, dali dali kong binuksan para tingnan yung text

Unknown:

Enjoy free pancakes at Pancake House, exclusively with Earth Rewards!

"Bwisit, scam lang pala" mahina kong pagkakasabi. Aanhin ko ba naman ang pancakes. Natawa ata tong katabi ko sa mga pinanggagawa ko, masaya siya sobrang happy.

Makalipas ang ilang segundo ay nag vibrate na naman ang cellphone ko at naka receive nanaman ng panibagong message.

Mudra:

Nak bumili ka muna ng sabon bago umuwi ng bahay paubos na eh

Panira naman to si mama eh, kung saan may gwapo sana akong katabi.

Pababa na ako ng may biglang humawak sa kamay ko, aray, ano yun may spark, hihihi.

Nilingon ko kung sino yun at si pogi nga, nung nakatingin na ako
sa kanya bubuka sa sana yung bibig niya pero tinikom niya ulit.

Ano toh nagkakalokohan ba tayo, shemay naman oh.

"Sorry" he whispered

Imbes na bumaba ako sa mismong tapat ng bahay namin ay doon na lang ako bumaba sa harap ng mini store nina Aling Piring para bumili ng sabon.

Nanghihinayang talaga ako, binansagan ko nalang siyang The Guy at the Jeep. Don't worry hindi kita kakalimutan. *sigh*

Naglakad nalang ako pauwi, at binukasan ang pintuan ng bahay namin.

"Ma, nandito na ako!"

"Nak punta ka dito bilis may ipakikilala ako sayo"

Sino ba nanaman kasi yan. Padabog akong naglakad sa kusina.

Ahhh si Poging nasa jeep lang naman pala.

Teka ba't nadito yang lalaking yan?

"Nak, naglalaway ka na, gutom ka na ba?"

Nag smile lang sa akin si pogi, iwinagayway ko yung kamay ko sa harap ng mukha niya.

"Nakikita mo ba ako?" Tama ba yung tanong ko,

"Ano bang pinagsasabi mong bata ka, siya yung magiging bagong boarder dito sa boarding house natin"

Wait loading muna, loading ulit, sige loading nalang siguro tayo habangbuhay. Napatigil ako sa pag-iisip nang bigla siyang nagsalita.

"Hi miss, we meet again, I'm Rhys, nice to meet you" sabi niya habang naka smile. Pati pangalan gwapo, bagay sa kanya.

Maka-introduce nga ng sarili.

"I'm Veena just call me Vee" sabi ko rin at ginantihan siya ng ngiti.

G.U.Y.S (Oneshot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon