Chapter 5

784 31 0
                                    

Malungkot akong nakatingin sa taxi habang isa-isa ipinasok ni papa ang mga bagahe namin.

Si mama naman ay nagpapaalam kina Lola, ate Tata at ate Jennifer. Tulad ng ipinangako nila sa akin ay inayos nila agad ang mga dokyumento na kailangan i-proseso. Nakakuha na din ako ng passport.

Nanatili akong nakatayo't nakatikom ang aking bibig. Alam kong masyadong mabilis ang desisyon ko na umalis sa lugar na kinalakihan ko. Alam kong nagulat din sina lola at ng mga ate ko, lingid sa magkakapatid na Hochengco, lalo na kay Killian. Ilang beses ko din pinag-isipan hanggang sa desidido na ako na ipagpapatuloy ko ang buhay ko sa Amerika, kasama sina mama at papa. Sa oras na tumapak na ako doon ay pag-iisipan ko kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ko. Kung ano ang magiging gusto ko sa buhay, para na din sa future ko.

"Velyn. . ." tawag sa akin ni ate Tata mula sa aking bandang likuran.

Humarap ako sa kaniya. Natigilan ako nang bigla niya ako niyakap nang mahigpit. "Ang daya mo naman, bakit mo iiwan si ate dito?" garagal ang boses niya.

"Sorry, ate. . ." mahina kong sagot, may bahid pa rin na lungkot sa aking boses. "Ito nalang ang tanging alam ko—"

Kumalas siya ng yakap mula sa akin. "Para iwasan mo si Killian?" diretsahan niyang tanong habang nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata. "Dahil may nararamdaman ka na para sa bestfriend mo?"

"A-ate. . ." hindi ko magawang dugtungan ang sasabihin ko dahil sa gulat nang malaman niya ang sikreto ko. "P-paanong. . ."

Mapait siyang ngumiti. "Kahit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang sekreto mo, halata sa mga ikinikilos mo, bunso. Kahit ang mga kapatid ni Killian ay nahalata nila." marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Alam kong si Killian lang ang nakakapaglabas kung sino ka, pero ang akala ko, tuloy-tuloy na. Kaya nang nalaman ko na ito ang desisyon mo, bilang ate mo, susuportahan kita dahil sa tingin ko din ay ito ang paraan para mahilom ang puso mo." hinawi niya ang takas kong buhok. "Mamimiss kita. Mamimiss ko ang kakulitan mo. . . Mag-iingat ka doon. Makikinig ka kina mama at papa, ha?"

Mapait akong ngumiti at tumango na tila naitindihan ko ang ibig niyang sabihin.

"You're a promising student, Velyn. I know you can do it." at muli niya akong niyakap, nang mas mahigpit pa. Para bang ayaw niya akong pakawalan sa puntong ito.

Napukaw lang ang atensyon namin sa bandang taxi nang tawagin na kami ni papa dahil aalis na. Muli ako nagpaalam sa mga ate ko. Nilapitan ko din si Lola para magpaalam. Hinalikan ko siya sa noo. Tinalikuran ko na sila't dinaluhan ko na ang taxi. Pero bago man ako sumakay ay bumaling ako sa bahay ng magkakapatid na Hochengco. Buhat nang insidente na 'yon ay mas lalo na kaming hindi nagkita ni Killian. Dahil siguro ay pinuputol na niya ang pagkakaibigan namin.

Simula nang inamin ko sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko, nagpasya na siyang itigil na niya ang pagkikita sa akin o kaya kausapin ako. Mas lalo lumala 'yon habang hinihintay ko ang pagsara ng klase. Hindi na din ako umattend ng praktis para sa graduation dahil nasabi ko na din sa mga guro ang mangyayari. Naisuko ko na din sa organizers ang korona at titulo ko dahil hindi ko na magagampanan pa ang mga trabaho ko.

Mabigat man sa loob ko ay kailangan kong gawin ito. Duwag man sa tingin ng iba, ito lang ang tanging naisip ko para makalimot.

Binawi ko ang aking tingin mula sa malaking bahay at pumasok na ako sa loob ng taxi. Ako na din ang nagsara ng pinto hanggang sa unti-unti na kaming nakausad. Tumingin ako sa likod, pinagmamasdan ko na nakatayo pa ang mga tao na maiiwan ko dito. Gusto ko man umiyak ay pinipigilan ko 'yon. Hindi naman ibig sabihin na umalis ako ay kakalimutan ko sila.

I just need some time to heal myself. Gusto ko lang malaman sa sarili ko na kaya ko. At saka, gagawa pa rin ako ng paraan para makapagcommute ako sa kanila.

A Wave Of Nostalgia | On Going | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon