Simula

17 0 0
                                    

"May nalaman ako tungkol sayo", usisa ni Leina.

Nilingon ko sya ng may pagtataka.

"Ano ba pinagsasasabi mo?" kunot-noong tanong ko sa kanya

"Di mo sinasabi sakin na may boyfriend ka na pala ha, yieeeh!" pang aasar nya sakin

"Wala akong boyfriend Leina" sagot ko

"E sino yung lalaki na palaging pumupunta dito aber?"

"Customer natin yun, umayos ka nga" pinandilitan ko sya.

"Asus! Kunwari ka pa e, alam mo sa panahon ngayon wag ka ng choosy, ikaw na nga tong hinahanapan ng fore-!"

"Ayoko nga sabi" pigil ko sa mga sasabihin nya

Alam ko kasi na pagkatapos nito, hindi nya ako titigilan. Ilang beses nya na rin akong binugaw, kung hindi sa customer namin pati na rin sa mga kakilala niya. Hindi ko alam kung masyado ba siyang concern sakin para problemahin niya pati ang lovelife ko.

"Hays, arte mo" madrama niyang sabi at umalis na sa harap ko

Tinignan ko siya hanggang sa makalabas ng pinto.

Napabuntong-hininga ako. Parehas kami ng pasok ngayon kaya kakausapin ko na lang siya pagkauwi namin sa bahay.

Patapos na ako sa shift ko ng biglang pumasok sa loob yung manager namin.

"Buti n-na l-lang naabutan kita" hingal niyang sabi

"Bakit po Miss Ann?" pagtataka ko sa sinabi nya

"May guest tayo ngayon, importanteng tao" deklara niya "Shane and Rhian! Prepare the table! Goerge, pakilinis ng sahig!" sabi nya sa kasama ko.

"Yes maam!" Nagmamadali namang lumabas ang mga kasama ko.

"Where's Leina?" Tanong niya habang kumukuha ng tubig at uminom.

"Kakaalis lang maam, umuwi na po ata" napatingin siya sa orasan tapos sa akin. Her eyes are shining.

"Thalia pwede bang ikaw muna mag asikaso sa kanila? May kakausapin muna ako sa office" pagmamakaawa niya

"Sino po ba ang importanteng guest ngayon Ma'am?" Nagtataka ako sa kinikilos ng manager namin

"From GEM Company, it's Mr. Garcia with his sons and the other gentleman. This is the first time na dito kakain ang Chairman kaya malaking shot to para sa restaurant" masaya niyang sabi na hindi ko maintindihan

Siguro ganun nga kaimportante ang mga mayayamang tao na to kaya ganito sya makareact.

"Okay po Maam, ako na po ang bahala"

Mabilis ang kilos namin. Ang sabi 7pm sila darating, 5pm pa lang pinaghandaan na namin ang lahat para masigurong maayos ang pagsiserve mamaya.

Kung nakauwi ako ng maaga, nakahilata na siguro ako sa duyan at nagrerelax. Wala akong day-off nitong buwan dahil naging busy ang schedule namin, sumasakit na yung likod ko at naisip ko na ang magbabad sa dagat ang makakapatanggal nito.

Wala pang alas siyete ay dumating na ang mga bisita namin. Sinalubong at binati sila ng mga kasamahan ko. Nasa counter lang ako at tinitingnan silang isa-isang pumapasok.

"Nandito na pala sila" nagulat ako ng nagsalita si Miss Ann, hindi ko alam na nandiyan na pala siya sa likod ko.

"Sorry nagulat ata kita" natatawa niyang sabi

Pinuntahan niya ang mga bisita namin at binati isa-isa.

"Ang gwapo nya talaga, hindi man lang ako makatingin sa kanya" nahihiyang sabi ni Shane na kararating lang galing dun sa pinto. Kasama nya si Rhian na may hawak-hawak ng Menu Order.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NathaliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon