Sa Tamang Panahon <3

829 14 3
                                    

(A/N: Wow! It's been 3 years and a few months since I wrote this. Thank you for reading this one guys. I didn't even notice that some are still reading this, but I want to thank you anyway. That's an achievement. Pasensya na masyadong pambata 'to. But I'm hoping to be a good writer though, I'm turning 18! I'll make better works, hehe. Lovelots!)

9 taon ang nakaraan....

          "Hoy bata !"  sigaw ng isang batang lalaki na malaki ang katawan at may dalawa pang batang lalaking kasama. Sa sobrang gulat ay gustong maiyak ni Marie,  gusto niyang tumakbo sa takot pero nakapalibot ang mga ito sa kanya. "Ano ba ang kailangan nyo ?" sabat ni Marie na tuluyan nangang naiyak, "Halikan mo nga ako!" utos ng batang nasa harap niya, tinuturo turo pa nito ang pisngi habang nakatingin sa kanya.  Ang dalawang kasama naman nito ay nagkakantyawan habang pinagmamasdan ang mukha niya. Hinay-hinay siyang umatras nang may naramdaman siyang humahawak sa kanya, napatingin siya dito at nakita ang isa pang bata, " Ano ba ang problema niyo? " anito at halatang matapang, kitang kita sa mata nito na kayang kaya niya ang tatlong bata. Nagulat ang tatlong bata at sabay sabay na nagtakbuhan, tumawa ang batang lalaki at ngayon ay nasa harap na siya nito, "anong pangalan mo? Wag ka nang umiyak. Ligtas ka na. Ako nga pala si Rance, ikaw? "  anito , nakangiti ito, pero ayaw niyang tumigil sa pag-iyak. "Goodboy naman ako eh, wag ka nang umiyak.. uy... " anito sa kanya, tiningnan niya ito at halatang nagsasabi ng totoo, "Ako si Marie," aniya, tumahan na siya sa pag-iyak at kinuwento na niya ditto ang buong pangyayari at pagkatapos nun ay inihatid na siya nito sa bahay nila.......

                "Hanggang ngayon di ka parin nagsawang ikuwento sa'kin ang pangayayaring yan nung mga bata tayo.." natatawang sabi ni Rance.  " Syempre naman, kung 'di dahil sayo , ewan ko lang , atsaka kung hindi nangyari yun ay 'di kita makikilala no." sagot niya sa kaibigan.  Ilang beses na nya itong ikinuwento kay Rance pero hanggang ngayong malalaki na sila ay di parin ito nagsawang ulit ulitin ang pangyayaring iyon. At masaya si Marie na nangyari yun dahil kung nagkataon ay hindi niya makikilala si Rance. "Hello beautiful people of the Philippines !" sigaw ni Louise, ang maingay nilang bestfriend, mabait ang bestfriend niyang ito, at pag may problema o sikreto, 'di pwedeng 'di niya malaman. Kaya naman si Louise lang ang nakakaalam na simula pagkabata ay si Rance na ang tinitibok ng puso niya. "Ingay ! " natatawang sabi ni Rance kay Louise, at ngumiti lang si Marie  sa kaibigan, "Sige, praktis muna kami ng basketball." sabi ni Rance sa mga kaibigan, tumango lang si Marie , akmang magsasalita na sana si Louise , pero nakaalis na si Rance. Sandaling namagitan ang katahimikan sa magkakaibigang sina Louise at Marie, nagbabasa ng libro si Marie samantalang si Louise naman ay nakatingin lang sa kanya. "Oy !" basag ni Louise sa katahimikan,  " ano ?" sagot niya sa kaibigan, " hmm. Hindi pa ba umaamin ? " anito sa kanya habang nakangiti. "Ano ba'ng dapat niyang aminin ?" aniya na nagpapatay malisya. "Hmp! Ewan ko sayo.. nakakainis ka !" sabi ng kaibigan niya. Kahit kailan talaga 'di niya kayang pagtakpan ang nararamdaman sa kaibigan.

       "Ah !!!" gulat na napataas ng tingin ang magkaibigan, si Nikki pala, ang pakitang-tao na Brat ng San Mateo Academy. Ito pa ang galit na ito na nga ang nakabangga kay Marie. Sa sobrang inis ni Louise ay napatayo ito at sumabat kay Nikki  "Ha? Ikaw na nga ang nakabangga ikaw pa ang may ganang magalit ? nakakahiya naman sayo !!" sigaw ng kaibigan dito. Napatayo si Marie at pinigilan ang kaibigan " Louise tama na, Nikki sorry." aniya. Pero ayaw papigil ng kaibigan, " ha? Ba't ka magsosorry? Kasalanan mo ba? Hoy Nikki ! akala mo naman kung sino ka? Kasalanan mo yan ! magdusa ka. " anito sa maldita. Tinaasan lang nito ng kilay si Louise "Duh !" anito at umalis.

     Nag-uusap sina Marie at Louise, araw ng huwebes, ng dumating si Rance. "oy, may sasabihin ako sa inyo ! " anito sa mga kaibigan, tiningnan lang ito ni Marie, " oh ? ano yun?" ani Louise dito. "aah, kami na ni Nikki ! ngayon ko lang nasabi sa inyo para sorpresa !" anitong nakangiti. "HA ?! bakit siya?" gulat na gulat na sigaw ni Louise, si Marie naman ay parang lantang gulay na napag-iwanan. "ha?" tanging sagot ni Rance, nalilito ito. "ah, ang ibig kong sabihin, bakit ngayon mo lang sinabi," anito. "teka lang may nakalimutan pala akong kunin sa library." ani Marie sa mga ito.

Sa Tamang Panahon &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon