Chapter 9: The Forgotten Memories

214 9 0
                                    

Luke's POV

"Thank you so paghatid, Luke. Ingat ka sa paguwi" sabi ni Cindy bago siya bumaba ng kotse

Nanghihinayang parin ako, talaga bang sadyang hindi ako pinansin ni Steffanie kanina?

"You're welcome. Sige una na ako"

Hindi parin maalis sa isip ko si Steffanie. Ang cute niya pero ang suplada. Kailan kaya kami makakapagusap nang maayos? Yung walang halong pagsusungit. Parang kami ni Cindy, ang gaan sa pakiramdam pag kasama at kausap ko siya. Kung sana ganun din kami ni Steffanie.

Hays, naalala ko nanaman yung first day of school. Hindi ko alam pero nung nagkabunggo kami at nakita ko ang mukha niya, para akong na-starstruck o kaya na-love at first sight? Ewan. Ang bilis kasi bigla ng heart beat ko non. Nung nagkatagpo ang mga mata namin, parang ang sarap sa feeling. Parang hindi awkward, yung parang noon ko pa natititigan yung mga matang yon.

Sayang lang ang suplada niya haha

"Ah..." nagmamaneho ako at biglang sumakit ang ulo ko kaya iginilid ko muna ang sasakyan. Kakaisip ko to kay Steffanie. Ay ano ba yan, ang haba ng Steffanie, pwede namang Steff nalang ganon. Tutal familiar naman sakin ang Steff na name di ko lang talaga alam saan exactly ko yun narinig noon pa.

"Hey Luke, u at home na?" message ni Cindy. Ang thoughtful naman pala. Tama nga siguro siya, girlfriend material, sweet. Pero andito parin ako sa kalsada nakadukdok, pinapakalma ko muna pakiramdam ko bago magdrive ulit

"Hindi pa pero malapit na :)" I replied

I like the feeling na parang may inuupdate ka, or may nagaalala or nangangamusta sayo kung okay ka or asan ka

I like the feeling of it — pero hindi ko pa naman yun nararanasa kaya paano ko nasasabi ang mga to?

Sometimes, I just really feel weird

"You shouldn't use your phone while driving, I can wait for your reply naman e. Drive safely. Beep me up if youre home na so that I know 🤗" ang thoughtful nga naman talaga ni Cindy, sobrang naaappreciate ko

Steff's POV

Gabi gabi ka nalang umiiyak, Steff? Damn it

Binabalikan ko mga pictures namin ni Luke, ngayon ko lang nanaman ulit to ginawa. Akala ng mga kaibigan ko, dinelete ko na mga pictures namin sa album ko sa fb but nah, I just changed the privacy to '0nly me'. Hindi ko kayang burahin nalang ang mga to, kasi hirap ng hindi ko kayang burahin ang mga alaala ko sakanya — even my feelings for him, di ko parin makalimutan — kahit ilang beses ko ng inuulit ulit sa sarili ko na tama na, move on na, forget that damn feelings, all the shit and lies.

Pero talaga ba, Steff? Okay ka na ba?

Patuloy lang ako sa pag scroll ng mga picture namin and wow, this photo, eto yung first anniversary namin. Tandang tanda ko parin kung paano niya ginawang special ang araw na yon for the both of us

flashback —

6pm na pero wala paring ganap, maliban sa binati ako ni Luke kanina, wala na. It's our first anniversary today! Pero I guess there's nothing special naman ngayon. Just a mere text message from him kanina, a typical greeting.

"Mukhang may hinihintay ka, miss beautiful. Ako ba?"

Omg!

Luke's here! *__*

Andito ako sa sala namin, nakaupo at nakatingin sa kawalan nang bigla nalang akong ginulat nito

I hugged him! Agad agad!

Unforgotten FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon