Rian's POV
"Bessy. Sabado na naman bukaaaas!"
"Oh ano ngayon?" Anong meron bukas?
"Wala lang. Sige bessy uwi nako. Nandito na si boyfie. Mwa. Ikaw Jessa? Di ka sasabay?"
”Sasabay ako. Hindi daw ako masusundo ng boyfriend ko.” Himala at di sya masusundo? Haha.
"Asige. Tara na. Bes uwi na kami. Mag ingat ka dyan."
"Sige." Then beso beso with my two bestfriend.
At umalis na sila. Ako nga pala si Rian Kylie O. Evidente, anak ng isang businessman na si Niño Evidente at maybahay na si Elcid Evidente. Ayaw kasi ni daddy na magtrabaho si Mommy. Sya daw ang magtatrabaho para samin. Matalino ako, oo. Maganda pero hindi ako mayabang katulad ng iba. GC ako pero hindi ako nerd. A normal one. Mayaman kami pero hindi ganun kayaman. Di ko madefine kasi di nga ako mayaman. Matangkad din ako at maputi. Boyfriend? Wala sa utak ko yun. Gusto ko kasi muna makapagtapos.
Bestfriend? Meron. 2 pa nga eh. Si Jessa May Sy, tahimik, shy type yang babaeng yan. Di ko nga alam at bat nagkaboyfriend yan. Mailap kasi yan sa mga taong di nya kilala. Si Anne Janine Miranda naman, sobrang ingay, makulit, sya ang pinaka sa grupo. Haha. Ako? Ako yung nasa gitna ng dalawa.
Nakakatuyo ng utak yung quiz namin sa math kanina. Makapagpahinga nga muna tutal tahimik naman dito sa field dahil marami ng umuwi. Hindi naman siguro nakakahiyang matulog dito sa bench. Ayoko pa kasing umuwi sa bahay. *hikaaaaab*
Kris’ POV
"Tol. Tara sm muna tayo. Maraming chicks doon. Tsaka wala naman tayong training diba?"
"Ayoko pare. Sa field nalang muna ko. Magrereview pa ko para sa quiz sa math sa Lunes. Oo di muna ko nagpatawag ng training dahil dito."
"Bahala ka tol. See you sa training. Kelan ba ulit?"
"Sa Lunes after class."
"Sige tol. Una na ko."
Gago talaga yun bestfriend kong yun. Puro chicks lang laman ng utak. Buti nalang ako kahit papano masipag mag aral. Kahit kami may ari ng school na 'to, nag aaral pa rin ako ng mabuti para di naman nakakahiya. Ako nga pala si Kris Lanz C. Montemayor, maputi, mayaman, at matangkad. Hindi ako katulad ng kaibigan kong easy go lucky sa buhay. May pangarap din ako. anak ni LanzMontemayor at Krissy Montemayor. Kami ang may ari ng school na 'to at kilala ang aming pamilya sa Business Industry. Captain ball din ako ng Basketball Team ng school na to kaya daming chicks nagkakandarapa sakin. Girlfriend? Marami ako nyan. Djks. Ang babae sakin di nagtatagal. Mabilis kasi ako magsawa at di ko sila sineseryoso. Haha.
At yung bestfriend ko? Sya si Red Devilla, co-captain ng basketball team at kilala din ang pamilya sa business industry.
Nandito ako ngayon sa field para mag aral. Bigla akong napalingon doon sa babaeng natutulog katabi ng bench na inuupuan ko. Haha. Nananaginip ata to. Pero, maganda sya ah. Hmm.
--
BINABASA MO ANG
Love that started with a Kiss
Novela JuvenilThere is a girl named Rian Kylie Evidente who really hates a man named Kris Lanz Montemayor. Nagsimula yun nung nagkabanggaan sila. Everything has change when Kris accidentaly kissed Rian. Let's find out their story.