Chapter 1

8 0 0
                                    

Rian's POV

"Bes bes. Gising naaaaaa!" Ano ba 'tong mabait kong besfriend. Ang aga aga pa eh. Inaantok pa ko.

"HOY RIAN KYLIE O. EVIDENTEEEE! GISING NA SABEEEEE. May pupuntahan tayo daliiiii!" Grabe naman mang alog 'to. Ang lakas. Ugh

"Ayoko. Bahala ka mag-isa mo Anne. Inaantok pa ko. Tignan mo ang aga aga pa. 9am pa lang oh."

"Anong maaga? Tanghali naaaaa! Bilis tayo na dyan bessy." Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Parang di babae mang alog eh.

"Ayoko. Ang brutal mo sakin eh."

"Hindi na. Sorry na. Please bessy please? Samahan mo na kooo. *puppy eyes*" Buti naman at bumitaw 'to. Ito din yung ayoko eh. Yung magpapacute sya. Di ko kasi matitiis pag ganun.

"Ugh. Fine!" While raising my both hands.

"San ba kasi tayo pupunta? Alam mo namang makatuyot utak yung quiz kahapon sa math?" Dagdag ko pa. Tinatamad kasi ako umalis eh.

"Anong nakakatuyot utak? Eh ang tali-talino mo."

"Eh di ako nakapagreview para sa kahapon." Di naman kasi talaga eh.

"Hay nako. Ayan lagi mong sinasabi pero ikaw pa rin naman ang highest nyan malamang sa alamang."

"Whatevs. Teka, san ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Mall bes. Bibili ako ng regalo para kay boyfiee. Malapit na kasi birthday nya."

"Kiss mo nalang yun. Masaya na yun." Totoo naman kasi.

"Syempre kasama na yun. Pero dapat may gift din akong material. Palibhasa kasi wala kang boyfriend. Kelan mo ba balak ientertain yang mga nanliligaw sayo? Baka mabulok na yang mga yan."

"Wala kong balak. Bahala sila mabulok. Sila lang naman 'tong makulit. Wait, paalam lang ako kay mommy na aalis tayo."

"Pinaalam na kita. Bilis maligo ka na."

Pumasok na kong cr at naligo na dahil baka ano na naman itanong nito. Bat kasai ako pa ang naisip nitong isama eh. Bat di nalang si Jessa. Haay.

"Bes ambagal ano ba yaaaan. Naiinip na ko." Ayan na naman sya. -.-

"Oo eto na tapos na palabas na."

"Buti naman at lumabas ka na. Akala ko nilamon ka na ng inidoro. Anw, ayan na yung damit mo. Ako na naghanda. Isuot mo na."

"Fine." Ano pa nga ba? Nagbihis na ko, suklay, baby powder, at lip balm. Hindi kasi ako mahilig mag make up. Pagkatapos ay bumaba na kami at nakita si Mommy sa garden, dinidiligan yung mga mahal nyang halaman.

"Mommy alis na po kami. Babalik nalang po ako on or before 8pm. *kiss*"

"Sige anak. Ingat kayo ah. Wag nang magpagabi ng sobra." Sigaw ni Mommy ng makasakay na kami ni Anne sa kotse nya.

MALL

"Damit nalang kaya iregalo ko bes?" Turo nya dun sa may nakita nyang damit habang naglalakad kami.

"Ang cheap naman bes." HAHA. Well ayoko lang ng damit yung ireregalo. Yaman yaman kaya nya tapos damit lang? Haha.

"Wow ha. Ewan ko sayo!" Sabay irap nya sakin. Haha.

"Dun tayo sa G-shock bes. Relo iregalo mo." Sabay hatak ko sakanya papasok ng botique.

"Bakit relo?" Bakit nga ba?

"Para maalala ka nya oras oras." What?! Rian is that you? Eww.

"Sabagay bes. Ay kuya, bilin ko na po 'to." Sabay turo dun sa napili nyang watch ng black.

"Ay bes. Wait lang. Cr lang ako. Naiihi na ko eh. Kita nalang tayong McDo. Nagugutom na rin kasi ako." Sabi ko sakanya.

"Sige bes. My treat. Tutal ako naman yung nagpasama."

"Sige cr lang ako. Naiihi na talaga ko." At tumakbo na ko papuntang cr.

*Ssshxz* Ihi ko yun. Haha. Success! Makalabas na nga. Nagugutom na ko.

*When we turn off the lights..."

"Hala asan na ba yung phone ko?" Sabi ko habang hinahanap sa loob ng bag ko.

*The two of us alone together..."

Ayun nakita ko na. "Hello bes? Papunt-- Aray namaaaan!" Ansakit ng pwet ko. Hindi naman siguro masama 'tong pagkabagsak ko.

"Di kasi tumitingin sa dinaraanan eh." Wtf. Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?

"Aba aba. Ang kapa--" Ang gwapo nya. Wait, erase erase. Pangit ng ugali nya. "... kapal mo din noh?" Hinayupak na 'to. Grr.

"Tumingin ka kasi sa daan paminsan-minsan."

"Ikaw naman pala 'tong nakakakita eh bakit hindi ikaw yung umiwas? Ha?!"

"Sino ka para utusan ako?" Ugh. Kainis sya. >.<

"Hello bes? Okay ka lang?" Na-loud speaker ko pala phone ko.

"Hindi bes. May demonyo dito. Hintayin mo ko dyan. Papunta na ko." Nilakasan ko talaga para marinig nung gunggong na yun. Makaalis na nga, nakakabwisit dito.

"Hoy miss! Wait. Ano pangalan mo?"

"Wala kang pake."

"Hi miss wala kang pake. Hahahaha!" Tangina nya. Naglakad na ko papaalis. Hindi pa ako nakakalayo...

"See you! Magkikita pa tayo Miss! *smirk*"

"Wag ka ng umasa." Inirapan ko sya at tuluyan na kong umalis.

--

Love that started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon