List Of My Regrets (Short Story)

131 5 2
                                    

Elmer's Shot

Nandito ako ngayon sa kwarto naming mag-asawa. 2 araw na mula ng sinugod si Bea sa ospital.  Sabi ng doctor 'kritikal' ngayon ang lagay nya. Kinuha ko ang picture frame namin noong araw na kinasal kami at kinausap ang larawan nya.

"Diba hindi mo ako iiwan? Nangako ka saken kaya dapat tuparin mo yun"-ako

Aksidente kong nabitawan ang picture frame at nagkalat ang bawat piraso ng mga bubog nito sa sahig. Bumaba ako sa kama at lumuhod para pulutin ang mga ito. Pero may isang notebook sa ilalim ng kama ang nakaagaw ng atensyon ko.

Kinuha ko ito at tinignan. Hindi ito basta notebook lang, isa tong journal na pag-aari ng asawa ko. Siguro naman may karapatan akong basahin ito dahil asawa ko sya, tama?.

(Mitchie:POV po ni Bea ang gagamitin ko sa bawat Pages. Dapat madami ito, pero mas maganda siguro kung paiikliin nalang natin...)

Page 1

Highschool palang ako crush ko na si Elmer. Sino ba namang hindi?, gwapo matalino at sikat sa buong varsity. Halos lahat mahal sya, syempre kabilang na ako dun hahaha..Sana alam nya ang nararamdaman ko para sa kanya...

*****

Gusto kong matawa habang binabasa ito, pero mas nangingibabaw ang tuwa sa puso ko. Grabe ang gwapo ko talaga...

Page 2

Yes! nakilala din ako ni Elmer, kaya lang sa nakakahiyang paraan. Paano ba naman! pinagkalat kasi ng makulit kong bestfriend sa buong campus na crush ko si Elmer. Grabe nakakahiya, sana wag nyang isiping malandi ako. Crush lang naman eh, HANGA!

*****

Actually no, hehe, that's senario is epic.. Very EPIC FAILED hahaha..

Page 3

Hulaan mo kung sino ang date ko sa prom? Maniniwala ka ba pag sinabi kong niyaya ako ni 'Elmer' para maging date nya. Haha siguro yung darating na prom ang pinaka masayang gabi na darating sa buhay ko. Excited na ako. Ano kayang gown ang maganda? red, pink or purple?. Tsk hirap mamili.

*****

Medyo nakonsensya ako habang binabasa ito. Ang totoo kaya ko lang sya inalok sa prom ay para pagselosin ang girlfriend ko noon. Mahal ko si Marge at hindi ko sya kayang mawala sa akin.

Page 4

Sorry ngayon lang ako nakapag sulat dito sa Journal. Busy kasi ako sa school at bukod dun wala ako sa mood magshare. Kasi naman malungkot ang mahal ko. Kaya naman ginagawa ko ang lahat mapangiti lang sya. Gusto ko bumalik yung dati nyang sigla. Kasi kahit grades nya napapabayaan nya na. Oo na mahal ko na si Elmer :)

*****

Yun ang araw ng official break-up namin ni Marge. na-depress ako at nawalan ng gana. Pero kahit ganon nanatili parin si Bea sa tabi ko. Hindi nya ako iniwan. Kahit na sobrang pagod na sya at alam nyang walang syang mapapala sa akin, dahil hanggang 'friend'  lang ang tingin ko sa kanya.

Page 5

 Pinapunta ako ni Elmer sa Condo nya, dahil kelangan daw nya ng kasama. Nakakatakot ang boses nya pero kahit ganon pumunta parin ako. Kasi ayokong isipin nyang kahit ako iniwan sya. Pero sana hindi na lang pala ako pumunta. Dahil ginahasa nya ako, gusto kong magalit! gusto kong magwala. Pero para saan pa?, wala na akong magagawa pa.

*****

Tumutulo na ang luha ko habang binabasa ito, parang ayoko ng ituloy. Dahil ang bawat nilalaman nito ay totoo. Pangako Bea sa oras na gumaling ka babawi ako sayo. Magiging mabuti na akong asawa at hinding hindi na ulit kita iiwan.

List Of My RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon