Si Eric Santos sa MCDO

30 2 0
                                    

 Nag-iisa at hindi mapakali

Ibang-iba pala pag wala ka sa aking tabi
Pinipilit kong limutin ka
Ngunit di magawa
Sa bawat kong galaw
Ay laging hanap ka

Nag-iisa ang isang kagaya mo 
Na nagmahal at nagtiyaga
Sa isang katulad ko
Bakit nga ba di ko man lang nabigyan ng halaga
Nagsisisi ngayong wala ka na


Kulang ako kung wala ka
Di ako mabubuo kung di kita kasama
Nasanay na ako na lagi kang nariyan
Di ko kayang mag-isa
Puso ay pagbigyan
Kulang ako, kulang ako kung wala ka

Nag-iisa sa bawat sandali
At tila ba biglang nahati ang aking daigdig
Umaasa na sana'y maging tayong dalawa muli
Sa puso ko'y wala kang kapalit

Paulit ulit lang na tugtog ang aking pinakikingggan mula sa aking cellphone. Ewan ko ba, para kasing patama talaga sakin ang kanta na yan. Pag napapakinggan ko kasi kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko, reminiscing ba?

Bumangon na ako sa kama ko pag kapakinig ko sa kanta. Maghahanda na naman ako para pumasok. Oo nga pala, ako si Patrick. 17 years old. College sa isang unibersidad dito sa Batangas. May mga nacucutan pero pag tumitingin naman ako sa salamin parang wala namang dating.

Naghahanda na uli ako sa pag pasok ko at nung namimili na ako ng susuotin ko e may nakakuha kaagad ng aking pansin. Ang "T-SHIRT" na mahalaga sa akin. Yun na lang ang sinuot ko, tapos pumunta na ako sa school. Natapos ang araw ko sa school at nag uwian na. Diretso sa bahay, Higa hawak ang cellphone at check lang ng check habang nag sosountrip. Ayan na naman si Erick Santos. 

Kulang ako.. Kulang ako...

"Hay" Napabuntong hininga na lang ako at nag isip na naman ng mga bagay bagay

******Flashback

Kakagaling ko lang sa isang relasyon na wala pang isang buwan, pero minahal ko naman ang taong yun. Dahil nga kakabreak lang namin lagi ko syang iniistalk sa profile nya sa Facebook. Silip-silip sa mga post nya, sa mga nalilike. May napansin akong comment na ng comment sa mga post nya. Mukhang close nga talaga sila ng Ex ko.  Apollo ang pangalan nya, dahil sa nacurious ako sa taong yun iniaad ko sya. Maya maya lang iniaaccept din nya ako. Biglang tumunog ang chat box ko, Tiningnan ko kung sino at lumabas ang pangalan ni Apollo.

"Hi" Sabi nya

"Hello" Sagot ko naman sa chat nya

"Taga saan ka po?"  Tanong nya

"Batangas po" maikling sabi ko

"Ahh ok"  Sagot nya

"Kilala mo si Jayson?" Tinanong ko kung kilala nya yung Ex ko. Kahit obvious naman na kilala nya ay tinanong ko na rin.

"Oo, kaibigan ko sya" 

"Ah ok po" Yun na lang ang nasabi ko

"Text mo ko. 092045....." Aba at number kaagad ang ibinigay, kaibigan pala ni Jayson, Sige kakaibiganin ko rin. 

Nag kausap nga kami ng madalas sa Text, Chat, Call, Chat, Call, Text. Ayun ang routine ng mga araw namin. Minsan na pag usapan naming mag meet para naman maging mag kaibigan din kami sa personal.

Nag pag usapan namin na sa simbahan na lang kami mag kita dahil sisimba rin naman ako sa araw na yun.

"Dito pa ako sa loob, tatapusin ko lang tong misa" Text ko lang sa kanya at pumasok na ako sa loob para maka attend ng mass.

"Nasa labas na po ako medyo masakit ang ulo ko" Reply nya sa text ko kanina. Lumabas na ako para hanapin sya.

" O cge, lalabas na ako at baka kung mapaano ka pa dyan tyong ( tawag ko sa kanya)" Sagot ko lang sa text nya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Eric Santos sa MCDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon