Chapter 1(1/2): Meeting of Friends
++ Melody's POV ++
*PANT!*
*PANT!*
*PANT!*
"Hooo! Mabuti naman at tinigilan na nila tayo!" Sabi ni Lammie habang hinihingal. Bestfriend ko nga pala.
"Eh, ikaw lang naman talaga ang pakay nila eh! Nadamay pa 'ko! Tsk!" Reklamo ko sa kanya.
"Hoy, wag kang ganyan. May narinig kaya akong sigaw ng sigaw ng "Melody!" dun sa loob." Pangangatwiran nya naman.
"Heh! Halos mga fans mo nga yung nasa loob eh. Uulitin ko. Na-da-may-lang-a-ko-period!"
Nandidito kami ngayon sa school ground. Nanggaling kami sa cafeteria kung saan dinumog kami ng mga fans ni Lammie. 'Di ko na nga matandaan kung anong nangyari dun. Basta ako, pinagtutulakan ko nalang sila para makaraan kami ni Lammie palabas. 'Eto namang BFF ko, parang tangang ngiti ng ngiti sa mga fans nya at may pakaway-kaway effect pa. Buti't nakapagpigil pa talaga ako kanina. Dahil kung hindi, baka nasapak ko na sya ng 1000x, to infinity and beyond! Kainis lang!
Kung nagtataka kayo kung bakit may fans ang BFF ko, ayy! Aba ewan ko rin! 'Di ko rin alam. Baka napulot nya lang yan sa mga contest na sinasalihan nya. Oo, mahilig syang sumali ng mga contests. Singing, dancing, acting, modeling, at kung ano pang mga -ing jan. Bukod sa talents nya, may taglay din syang alindog na nakapagpapahumaling sa mga kalalakihan jan sa tabi-tabi.
Syempre, 'di rin maiiwasang magkaroon ng haters ang mga sikat. Minsan na rin syang nabully at tinawag na "Pambansang Higad" sa school nya dati nang dahil sa pagiging friendly nya. Nakakaawa nga sya eh. Mabuti nalang talaga at mas dumami yung mga fans nya kesa sa mga antis nya. Kaya ayun, nawala din yung mga pambubully sa kanya. Parang sa movies lang ano?
"Maupo na nga tayo, nang makakain na. Kanina pa 'ko ginugutom eh!"
"Mabuti pa nga."
Magsisimula na sana akong kumain ng may mapansin akong kakaiba. "Teka! Nasaan na si Matt?"
"Naiwan dun sa loob *Munch, munch, munch!* Hmm! Charap!" Sagot nya habang ninanamnam ang pagkain nya.
"HA?!! BA'T 'DI MO SINABI?!!"
"Eh 'di ka naman nagtanong kanina eh. Ngayon lang. *Nom, nom, nom!* Hmm, ang charap talaga!"
"Nakuha mo pa talagang kumain jan ah! Itigil mo yan!" Hinablot ko mula sa kanyang kamay ang pagkain nya. Maluha-luha naman sya ng maistorbo ko sya sa pagkain nya ng burger. "Wag mo 'kong pakitaan ng ganyang mukha kundi sasapakin kita!" Brutal na kung brutal. Kainis kasi eh! Tsk! Para talaga syang baliw. Minsan, okay naman sya. Nakakausap ko sya ng matino. Pero madalas syang may topak. 'Di ko nga alam kung ganyan na ba talaga sya since birth o sinasadya nya talagang magtopak-topakan.
Hinila ko ang kanang kamay nya. "Tara, hahanapin muna natin si Matt bago tayo kumain. Baka kung anong isipin nun."
"AYOKO!!! AKIN NA MUNA YANG BURGER KO!!!" Sigaw nya sa 'kin. At talagang sa mismong tenga ko pa talaga sya sumigaw! Anak ng palaka! Akala ko lalabas na yung eardrums ko at tatakbo palayo sa lakas ng boses nya.
"BAKIT MO 'KO SINISIGAWAN?!! HA?!!" Syempre, 'di rin ako papatalo. Inaano ko ba sya? Ayun, pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito.
"Ha? Bakit nga ba ako sumisigaw?" Inosenteng pagkakasabi nya. "PAMPRACTICE RIN 'TO PARA SA SINGING CONTEST NA SASALIHAN KO." Aba! Akala ko titigil na sya. Talagang nakangiti pa sya ah. Nakalimutan nya 'atang nagtatalo kami kani-kanina lang. Tinopak na naman ang BFF ko. Nakakaiyak! 'Di ko na alam ang gagawin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
When You're In Love
Teen FictionPaano kung isang araw, may makilala kang isang anghel? Este, isang lalakeng ubod ng gwapo. Tas malalaman mong mas matanda pala sya sa 'yo ng 9 na taon. Sayang diba? PAANO? >v< Ayun! 'Di naglaon, naging magkaibigan kayo. Yung as in SUPER CLOSE (capsl...