Vira's POV
"Ano ba yan Vira!!Yung panty mo nangingitim!!Mahihirapan na naman akong maglaba.Hindi mo inaalagaan sarili mo."
Paninimula ni inay.Umagang umaga ang ingay ingay ni inay!!Nakakasayang ng beauty.Bumaba na ako at kumain ng almusal.Wow!!Sarap!!Lasagna ang almusal namin.Joke,tuyo lang.Pagkatapos nun,nagpalit na ako ng damit at pumasok na.Hindi naman talaga ako naliligo,eh.Naglakad na ako papuntang school dahil baka malate ako.Hindi nako nagcommute dahil sayang lang ang pera.10 pesos lang naman ang laman ng wallet ko kaya sayang lang at mahal pa.Pagdating ko sa Light Of World University,nakatitig sa akin lahat.Nakaka-attract talaga ang beauty ko!!Naglakad pa ako ng tsunami walk.May narinig pa nga akong nagbubulungan,eh.
"Mukhang horse naman ito!!Ang pangit kasi."
"Kung makalakad naman pang Ms. Universe pero ang pangit naman."
Akala mo naman ang gaganda nila.Nagring na ang bell at saka pumasok na ako sa classroom.Sakto,wala pa ang prof namin.Makikitsismis muna ako.
"Alam mo te,mag-aaral daw dito ang anak ng may-ari ng school at kasection pa natin!!"
What!Sana maging magkaibigan kami.Dumating na ang anak ng may-ari ng school.Ang bakanteng upuan nalang ay sa tabi ko.Tapos,pumunta siya sa upuan na yun at umupo.Habang wala pa ang prof namin, nagre-touch siya ng make-up.Ang ganda niya.Sana kasing-ganda ko siya.Pero panget ako alam ko yun.Dumating na ang prof namin at nagsimulang magturo.Pagkatapos nun,nagring na ang bell na ang meaning ay lunch break na.Papunta ako ng cafeteria nun pero nakabangga ako.Ang bobo mo kasi,Vira.Pero ang guwapo ng lalaki at mukhang mabait.
"Sorry,miss."
"Hindi.Ako dapat ang magsorry sayo.Sorry,ah."
"Ok lang yun.Tara,libre na kita."
"Salamat."
Pagpunta naming canteen,nilibre niya ako ng pork bola bola at water.
"Ako nga pala si Angelo.Elo na lang."
"Ako naman si Vira Villanueva.Vira na lang."
Tapos,kumain na kami.Hinatid na din ako ni Elo sa classroom namin at nagbabye na siya.Tapos,umupo na ako sa upuan ko.Ang guwapo guwapo talaga niya.
"Nakikipaglandian naman 'to.Akala mo naman ang pretty."
Sabi ni Patricia na ang anak ng may ari ng school.Akala ko naman mabait siya.Napabuntong hininga nalang ako.Nagsimula ulit ang classes ko.Boring naman.Pagkatapos ng classes ko,hinatid ako ni Elo sa bahay namin.Hindi lang guwapo,mabait at gentleman pa.Pumasok na ako at tinanong ako ni inay.
"Sino yun,anak?"
"Elo daw po,eh."
Tapos,dinedma niya lang ako.Nagpalit na ako at kumain ng hapunan.Umakyat na ako sa kuwarto ko at di ko mapigilang hindi maisip si Elo.Tulugan na!!Sinubukan kong ipikit ang mata ko pero shet,di ako makatulog.Antok,dalawin mo na ako.Bumaba muna ako at pumunta sa kusina para uminom.Pumunta nadin ako sa sala para makanuod ng TV.Yun lang naman kasi makakapagpatulog sa akin,eh.Nung naantok nako,pinilit kong imulat ang mata ko pero naoverdose ako ng antok.Shit,di ako makakita ng malinaw.Paakyat na ako pero naknock out na ako ng antok.Ang galing galing mo talaga,antok.Idol kita.Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakahalandusay sa hagdan.Tumulo pa ang laway ko.Tinignan ko ang oras at 5:00 palang.Nagalmusal na ako ng toyo.Nagpalit na din ako ng damit at dumiretso sa sala para manuod ng Dora.Favorite ko kaya 'to.Nung bandang 6:30 na,nagulat si inay na ang aga ko daw.Sabi ko naman ay para hindi ako malate.Tapos,dinedma niya lang ako.Hobby ba ni inay mangdedma?Papasok na ako pero naalala ko na binigyan pala ako ni inay ng pera.Nag commute na ako dahil mahirap maglakad.Pero mahal pala.Naubos na tuloy ang pera ko.Di ko namalayan na andito na pala ko sa LOW University.Wala pang students kaya naghintay muna ako sa labas.Nung limang students na,pumasok nadin ako pero natapilok ako.Ginawa ko nalang ang technique para hindi mapahiya na turo sa akin ng pinsan kong si Ivan.Ang talino niya,nuh?May narinig pa akong nagbulungan.
"Alam mo friend,kahit pangit pala 'to matalino din!!"
"Oo nga friend.Sino kaya nagturo sa kanya ng ganung style?"Haha.Mainggit kayo.Nung marami-rami na,nakita kong si Elo papasok ng gate habang nakangiti.Ang guwapo guwapo talaga niya!!Nung nagring na ang bell,ganun pa din ang nangyari katulad ng kahapon pero hindi ko na nabamgga si Elo at di niya na din ako nilibre.Lunch ngayon kaya bibili ako ng mura.
"Magkano nilaga?"
"P20 pesos."
"Eh yung sabaw?"
"Libre."
"Yung kanin?"
"P10 pesos."
"Eh yung tutong?"
"Libre"
"Sige.Isang sabaw at tutong."Pagkatapos kung kumain,ganum din ang nangyari.Pero,hindi ako hinatid ni Elo.Bakit kaya hindi nagpakita yung lalaking yun?Hayysstt...Yaan ko nalang siya.