Ang daming taong umiiyak dahil sa LOVE.
Pero di ba simple lang naman yan,
"Kung nasasaktan ka na, iwan mo na"
"Kung niloloko ka, ibreak na"
"Kung nagkakasakitan na kayo pareho, bitawan nyo na yung isat isa"
"Kung di ka na masaya, iwan mo na"
PERO HINDI GANUN KASIMPLE..
Kasi sa bawat magkasintahan na nagmamahal, ang pinakamasakit na sailta ay yung iwan na yung taong mahal nila..
Kaya nga ang daming nagiging TANGA, dahil lang nagmamahal sila.
andyan pa yung pinakasikat na salita na "OK LANG KAHIT NA MASAKTAN AKO, MAHAL KO KASI EH"
Siguro sa mga taong nagmamahal talaga kaya natin gawin lahat para sa taong mahal natin..
kahit na maging tanga tayo, kahit na wala ng matirang pagmamahal sa mga sarili natin.
Pero huwag di natin kalimutan na:
Masayang magmahal.
lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo,
kaya lang, kadalasan nagiging masakit ang magmahal.
KAYA AKO NATUTO NA AKO!
Minsan na rin akong nagmahal ng sobra sobra, naging tanga, umasa, naloko.
at ang pinaka ayaw ko na nangyari sa akin
NASIRA YUNG TIWALA KO.
Nahihirapan na akong magtiwala ulit at hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ulit.
Yung pagmamahal, hindi ko na nakikitang masaya. Dahil sa mga nangyari sa akin. HINDI KO ALAM KUNG KAYA KO PANG MAGMAHAL ULIT.
------------------------