Hala ! Sino ?

1.5K 19 8
                                    

Ang mga magaganda at pogi daw bobo sa spelling at grammar. It iz real ? Iz it real ? Nespruta !

That's why I'm dedication dis story to my slow friend end her-nakakaasar-end-so-disgasting-laugh ! My Goodnest ! She he so Horriball ! XD

- - - - - - - - - - - - -

" ANO BA ! Magpatulog ka naman ! Maaga pa pasok bukas . "

Di ko sya pinansin at nagpatuloy ako sa ginagawa ko . As if naman na pakikinggan ko sya ?

"ANAK NG ! Di mo ba ititigil yang ginagawa mong hayop ka ? Di ako makatulog sayo ! "

Kunyare wala pa din akong naririnig . Tumingin lang ako sa wall clock na nababalutan ng ginto.

Gintong palara ng sigarilyo -____-

Kaya pala nagwawala na yung so-maarteng-kutis-Amerikana-pero-kilikiling-pang-Africa na karoom mate ko sa magandang apartment na to. Dahil alas dos na ng madaling araw.

"Hoy ! Umayos ka ah! Ampanget mo na nga, nagpapapangit ka pa ng mood ! Bilisan mo nga sa ginagawa mo kundi ingungudngod kita sa sahig . "

Excuse me!

Me ? Panget ? no no no !

Baka sarili nya yung kausap nya. Maputi lang sya. Sunog naman yung kilikili.

Ako'y isang Dyosa sa kagandahan *kumulog bigla* Peste ka ah ! Umayos ka kung ayaw mong ipahimod ko sayo yung kilikili nitong babaeng sumobra sa kaartehan.

Buti naman at tumigil na sa pagkulog, natakot ata sa kilikili nung kadiring babaeng yun .

"Isa pa. Ihahambalos kita sa pader ! "

Di ko sya pinansin. Duh~ ! Sa ganda kong to ? Wag nya kong mautus utusan .

Pinagpatuloy ko pa din yung ginagawa ko hanggang sa ..

zzzzzzZZZZZZZZZ

- - - - - - - - - - - - -

*My life (my life)

would suck (would suck)

without y------*

Inoff ko na yung phone ko. Pinang alarm ko kaya no need to use alarm clock. Baka maibato ko lang sa babaeng gatas na choco na to.

Bumangon na ko sa aking munting kama at ginawa na ang dapat na gawin.

Gising na pala ang babaeng to.

"hoy babaeng palaka ! Linisin mo tong natapon kong milo."- utos nya sakin

"Reyna ka ? Makapag utos wagas ? Sabagay, Reyna ka naman talaga. Reyna ng mga engkanto. " - sagot ko sabay layas sa harap nya.

Sanay na ko jan. Sauce ! Sa dalawang taon ba naman na magkasama kami sa iisang apartment di pa ko masanay di ba ?

Nag aantay pa ko ng jeep. Mga 30 mins pa naman ang byahe. Buti na lang at maaga pa . 7:30 pa lang at 9:00 pa yung klase ko.

Mejo puyat pa din ako. May insomnia kasi ako. Nahihirapan ako makatulog ng maaga. At mejo makakalimutin din ako.

Sa kabutihang palad maayos ang pagbilang ko kagabi. Di tulad nung mga nakaraang araw, umuulit ako dahil nalilimutan ko kung ilan ng tupa ang nabibilang ko.

Nakakaasar nga eh . Pag sumasabat talaga yung babaeng yun nalilimutan ko kung nasan na ko at no choice back to zero ang drama ko. Kaya di ako makatulog

Nakasakay na ko ng jeep. At nagtataka ako bakit sila nakatingin sakin ?_____?

Sabagay, bat nga naman di ako tititigan. Sa ganda ko ba naman na to ? Isang Belle Munte na sagad sa kagandahan ? Sexy. Matalino. Hot. Nag uumapaw ang sex appeal. Mabait. Maputi .. ang ngipin. Ma-----------

Napkin Lang Pala Katapat Mo Eh !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon