A/N: Hey, everyone. Sorry for the wait, again, it's just, I'm busy working. Tapos pasukan nanaman samin next week. I already wrote this a very long time ago, pero di ko lang natapos at eto, tapos na ngayon. Hope you guys like it.
- pool, dead
Taeyeon's POV
Bakit ba may buhangin sa mata ko?! Kainis! Naiiyak tuloy ako. Oy wag kayong ano ah, hindi 'to dahil sa dragong yun. May buhangin lang talaga. Tsaka bakit ko sya iiyakan?!
Antagal naman kase ni Siwon oppa eh! Nagmumukha tuloy akong tanga dito. Forever alone na ata peg ko ngayon.
"K-Kim T-Taeyeon." Hingal na hingal na sabi ng lalaking nasa likod ko.
"Siwon oppa?!" Napalingon ako agad. Si Siwon oppa nga! Hingal na hingal sya, tsaka pawis na pawis, naka- white polo pa naman sya ngayon. Bumabakat yung abs yum yum lol.
"H-hi," Pagod na pagod na sabi nya at umupo sa tabi ko.
"Siwon oppa, anong nangyari? Bat ganyan itsura mo?" Tanong ko habang inaabot ko yung tubig ko.
Nilaklak muna niya yung tubig bago sya magsalita.
"Tumakbo kase ako from that highway hanggang dito." Sabi nya sabay turo sa highway na tinakbo nya. Malayo layo rin yun ah.
"Eh bakit mo ba naman kase tinakbo mula dun hanggang dito?" Tanong ko habang inaabot ko sa kanya ang face towel ko.
"Traffic. Late na nga ako, tas magpapalate pa ako lalo. Tignan mo, umiyak ka tuloy. Akala mo siguro hindi ako sisipot no?" Pinunasan pa nya luha ko.
Actually, no, hindi ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko. Buhangin na galing sa dragong mabantot to.
"Ahaha, oo, antagal mo kaya, nagmumukhang tanga na ko dito. Pero okay lang. Ahehe." Thank you palusot dot com.
"Aish, nakalimutan ko pa yung phone ko kaya hindi ako makatawag. Halika nga dito!" Hinla niya ako papunta sa kanya at niyakap nya ako.
Uhh yung toned abs nyaaa, ramdam ko teh! Pati yung biceps! Heaven ghad! Ehem ahihihi.
Kidding aside, wala namang kaso samin 'to eh, boyfriend ko parin sya. Yayakapin ko na rin sana sya ng makita ko si dragon na nakakitingin sakin ng masama habang kasama nya ang slayer nya. (a/n: dragon and a dragon slayer ;) welcome to a fairytail fanfic guys lol ahahahaha)
Dali dali kong nilayo si Siwon oppa. "Oppa! Ambaho mo! Basang basa ka pa!" Actually, I dont care kung basa sya. Ngayon pa ko lumandi eh no?
"Oo na, di na kita yayakapin ahahahaha. Kiss nalang." At ngumuso na si loko. Pinalo ko ng mahina yung lips nya.
"Oppa naman eh." Nakatingin parin kase yung dragon na nasa restaurant na katapat namin.
"Oppa, tara alis na ta-"
"Fck Jiyong let me go!" Naudlot ang sasabihin ko nang may narinig akong sumigaw.
Si dragon at si dragon slayer.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake [G-Dragon x Taeyeon Fanfic]
Fiksi PenggemarOne mistake and everyone will judge you.