"Yes Chris. I'm on my way." sabi ko sa lalaking kausap ko sa phone.
"Ok. Just make sure you can make it here at exactly 11?" he answered.
"Copy. Bababa ko na'to
Bye"
"Ok. Bilisan mo na diyan, Marc. Bye." tipid na sagot ni Chris.
Binaba ko na yung phone at nagconcentrate sa pagd-drive ko. Ayoko naman siguro madisgrasya tong Ferrari ko. Papunta ako ngayon sa mall, inaya kasi ako ni Chris at ng girlfriend niyang si Ceska .Gagala daw kasi sila. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang sumama, pang gulo lang ako dun. Baka mapagkamalan akong driver nila pero di naman siguro. Sayang ang pagiging GWAPO ko pag ganun.
Natanaw ko na yung mall mula rito sa kinaroroonan ko. Pinaharurot ko na yung kotse ko baka kase puno na naman yung parking lot dahil weekend, di pa naman ako nakapagpareserve ng space doon. Biglaan kase to eh. Kagabi lang ako tinawagan ni Chris na sumama sa kanila. At dahil bestfriend ko ang mokong na yun pati na rin yung girlfriend niyang si Ceska, pumayag na ako. Kailangan ko rin naman sigurong irampa tong kagwapuhan ko kahit paminsan-minsan lang.
I'm already here at the mall at natatanaw ko na yung parking lot. How luck I am. Five spaces pa pala ang available.
Nagdrive na ako papunta doon nang biglang may babaeng tumawid. Napatingin dito ang babae at bumilis ang tibok ng puso ko. Ang ganda niya...
Focus ka Marc! Masasagasaan mo siya. I tried my very best to step on the brake. I hope its not too late. I heard the screech sound produced by my car. Alam kong titigil ito pero dahil sa mabilis akong magpatakbo kanina hindi ito ganun kadali.
Malapit ko na masagasaan ang babae pero huminto yung kotse ko. Muntik na talaga yun.
I went out of my car to see if she's ok. Nakita ko siyang nakapikit at parang hinihintay ang katapusan. Nilapitan ko siya.
"Miss, are you ok?" tanong ko sa kanya. Unti-unti niyang minulat ang mata niya. She's really BEAUTIFUL. Her face was very angelic.
"Nasa langit na ba ako?" tanong niya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Nginitian ko lang siya.
"Don't worry buhay ka pa."
"Ahh... Kala ko kasi anghel ka..."
Did she just call me ano angel? "Angel?"
"H-ha? Ah... D-d-di ka man lang ba magso-sorry? P-parang kanina lang muntik mo na akong masagasaan." nauutal na sabi niya.
Change topic? Nahihiya siya siguro. Pero ang ganda niya talaga kahit inis na inis yung mukha niya pano pa kaya pag nagsmile siya?
Hinawakan ko yung kamay niya. And my heart beats so fast parang ganito rin ang naramdaman ko nung una ko siyang nakita kanina.
"Look, I'm sorry. Hindi ko gusto ang nangyari kanina. Just please forgive me.Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? Baka may masakit sa'yo." sabi ko sa kanya habang tinitignan siya straight to her eyes. I hope she can see how sincere I am.
Napabuntong hininga siya bago magsalita. "Bago ako magsalita, pwede mo na bitawan ang kamay ko."
Okaaayyy...Inalis ko na yung pagkahawak ko sa kanyang kamay at nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita "So, uhm sir--"
"It's Marc"
"Ok, Marc. I'm ok. I don't need to go to the hospital. Pagbibigyan kita ngayon dahil may pupuntahan pa ako. So for now, papatawarin kita. And just a piece of advice, bagalan ng konti ang takbo ng Ferrari. I need to go. Bye." sabi nya. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa entrance ng mall.
BINABASA MO ANG
Love at First Sight
RomanceLove at first sight? Ganu ba ka totoo? naniniwala ba kayo dito?