Bitter 1.8

13 1 0
                                    

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Can you please stop laughing!" sabi ko kay Lawrence na kanina pa humahagalpak sa tawa.

Pagkatapos mapahiya I mean pahiyain ng bastos na lalaki kanina bumalik na ko sa pwesto ko na umuusok ang dalawang ilong at akala ko kakalma na ako pero di pa pala kasi saktong pag upo ko saka humagalpak sa tawa ang lalaking 'to at magpahanggang ngayon di pa rin siya tumitigil, mag kikinse minuto na di pa rin makamove on sa mga nakita at narinig niya.

"So..sorry, Ha..haha" patigil tigil na tawa niya

"Ano ba! para kang baliw diyan, your so annoying" pagmamata ko sabay tingin ng masama sa kanya

"Wooh! Sorry na nga po di ba? MS. LIBRARIAN, Hahahahahaha"

Dahil sa pagkairita ko lalo nagpaalam ako kay Ms. Magpantay at buti nga pinayagan niya ako kasi halos half hour naman na before ang Class ko.

***

Bago ako pumunta sa room kung saan ang first subject ko dumaan muna ako sa Canteen, gutom na ako mag eearly lunch na muna ako tutal quarter to 12 na naman.

Umorder ako ng favorite kong Chicken with rice at umupo sa mesang nasa may gilid ng 2nd door, dalawa kasi ang pintuan ng Canteen namin.

Habang kumakain may pumasok na isang grupong napakaiingay, ayos lang sana sakin yun kasi normal lang naman sa canteen namin yun eh, maingay asin napakaingay, may ginawang wifi zone ang loob pero di naman kumakain, may nagkwekwentuhan, chismisan na animo'y tambayan ang canteen sa sobrang tagal nila magstay sa loob kahit ubos na mga kinakain nila at habang pinagmamasdan ang mga nangyayari sa paligid ko (pampalipas oras) muntikan na akong mabilaukan sa nakita ko.

Si Cyd a.k.a Mr. Yabang at ang mga mukhang unggoy na tropa niya, nagbabatuhan sila nang napkin sa mesang nasa kaliwa ko, bat di ko sila nakita pagpasok ko? Arghhh.

"Bwisit!" nasabi ko na lamang sa sarili ko.

Tumingin ulit ako sa table nila at nung eksaktong pagtingin ko nagtama ang mga mata namin ni Mr. Yabang na nakaangat ang isang gilid ng labi, walanjo!  'Ngingiti ngiti kapa dyan'  umiwas na lang ako nang tingin at baka lalong uminit ang ulo ko sa pagmumukha nya.

Dali dali kong tinapos ang kinakain ko at tumayo na para itapon ang mga tira sa kinain ko , diniretso ko na ring nilagay ang mga utensils na ginamit ko sa lalagyan nito napatingin ako sa plakang nakadikit sa taas ng lalagyan 'Self service' hmm siguro kung ang paghuhugas ng mga to kami ring eatudyante ang gagawa magrarally talaga ako kahit mag isa!

Pagkatapos magmuni muni napagdesisyunan ko nang lumabas pero bago pa man mahawakan ang pintuan bigla na lamang may sumigaw.

"BYE MS. LIBRARIAN!" 

Ms. BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon