My Dream Partner

58 6 0
                                    

 Madalas ko syang nakikitang dumaraan sa library. Maganda ang kanyang mga mata, matangkad, palangiti at mukhang mabait.

Maraming nagkakagusto sa kanya, dahil bukod sa gwapo sya, hindi pa sya suplado at marunong makisama sa kapwa, palaging nakangiti.

Ako.. Kailan nya kaya ako mangingitian?

Minsan, gusto ko syang lapitan para kausapin. Kaso, nauunahan na agad ako ng hiya.

"Charry, nakausap ko sya kanina, hindi naman pala sya ganoon kasuplado." sambit ng kaibigan kong si Bernadette.

"Ah. Mabuti naman." umiwas ako ng tingin sa kanya, alam kong aasarin na naman nya ako.

"Yie. Charry! Kausapin mo na kasi si pogi! Nang makaramdam ka naman dyan ng konting kilig. Hihi." basta sa kakulitan, nangunguna talaga itong si Berna.

"A-ayoko no. Wala naman akong sasabihin sa kanya, at isa pa.."

"Hindi nya ako mapapansin." ginaya nya ang tono ng boses ko, haay. "Ano ka ba Charry, makikipag-usap ka lang naman di ba? Anu namang masama dun?" dagdag nya.

"Wala naman. It's just that.. I don't have anything to say."

"Umiral na naman yang pagkamahiyain mo. Nako. Bahala ka dyan, ikaw din.." panunukso nya.

"Hmm. Ngumiti ba sya sayo nung kinausap mo sya?" nakita ko namang kumislap ang mga mata ng kaibigan ko.

"Yiiiiie. Curious sya.. kausapin mo na kasi!"

"Paano ko naman gagawin iyon, eh hindi naman nya ako kilala?"

"Yun nga e. Edi magpakilala ka! Ganito gawin mo.." bumulong sya sa akin.

"Ha? A-ayoko nu!" sigaw ko, pero mahina pa rin.

"Charry, pag nagawa mo, ililibre kita ng paborito mong ice cream!" waaaah! Ice cream?!

"Di bale nalang.."

"Dadagdagan ko pa ng paborito mong cake!" waaaah! Cake?!

"Hmm. Deal." ngumiti ako, kahit sa loob-loob ko, nahihiya na ako kahit wala pa ako doon sa sitwasyon. Haay.

"Yes!" sigaw nya.

Ako si Charry Fernandez. Simple, tahimik, mahinhin at mahilig mag-aral. Bilang lang ang mga kaibigan ko sa school dahil hindi ako sociable. Mahiyain nga kasi ako.

First year high school palang ako noong una ko syang makita. Noon pa ma'y madalas ko na syang nakikita sa tapat ng library. Palagi kasi akong nandoon, nagbabasa ng libro. Pero ni minsa'y hindi kami nagkausap.

4th year high school na ako, nakakatawa mang isipin pero oo, tama ang hinala nyo, tatlong taon ko na syang crush. Crush pa nga ba ang tawag dito? Fine. Love. Siguro'y hanggang dito na lamang ang kaya kong gawin..

My Dream PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon