Nakatingin lang ako sa malawak na field habang hawak ang isang textbook na kakatapos ko lang sagutan. Nandito din ako dahil hinihintay ko si Cylus dahil sabay kaming papasok sa next class.
Bakit kaya ang tagal niya? Hmp! Nanlalaki nanaman siguro yun.
Ibinaling ko sa iba ang tingin ko at nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakatalikod sa'kin.
May tangkad itong hindi baba sa anim na talampakan, malapad na balikat. Perfectly build body.
"Hedron. Hedron Aguirre ang pangalan niya."
Biglang may nagsalita sa likod ko. I don't need to turn around to know who is it. It's Cylus. Yung kanina ko pa hinihintay.
Kumunot ang noo ko kahit na alam ko kung ano ang sinasabi niya. Yung lalaking tinitignan ko ang tinutukoy niya.
"Naku, Lana! Wag mo na yang pangarapin. Ang sungit kaya niyan!" bulaslas nito.
Pangarapin? Seriously? Por'ke nakatingin lang pinapangarap na agad? The heck with that!
Sa tana ng buhay ko, ako ang pinapangarap, ako ang inaabot, ako ang hinahangaan. I get EVERYTHING that I want and who I want.
"Ako ang pinapangarap." I stated.
Hindi naman na siya nagulat ng sabihin ko iyon. After all, she's my bestfriend since I was a sperm. Kaya kung may nakakakilala man sa akin ay siya iyon.
"Oo nga naman. Ikaw nga pala si Millana Carbonel. Pinapangarap. Inaabot. Pero ibahin mo siya." Saad nito sabay turo sa lalaking nakatalikod. Kay Hedron.
"Your ways won't make him stay beside you. You can't make him be with you."
Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya. No one dares to reject me. No one. I am always wanted, needed. And he won't be an exception.
"I have so many ways 'Lus. If I can't get him by hook or by crook then.."
I stopped and face her. A sly smile is forming my lips. I can sense my victory.
"We'll do it my way. My own way." sabi ko.
Kumunot naman ang noo niya sa mga pinagsasabi ko.
"Your way? What way?" Naguguluhang tanong nito.
"Millana's way." I answered simply.
BINABASA MO ANG
Millana's Way
RomanceMeet Millana. The girl who has everything. She's always wanted, needed and loved by everyone but not Hedron. She hates her, her existance. He sees her as a desperate girl, spoiled brat. And that's the thing that bothers Millana. Why can't he like he...