Chapter 6 - I'll Be There For You

137 4 0
                                    

Nalaman ni Mommy ang nangyari sa akin last night kaya she stopped me from driving for a while. She said she'll just pick me up or drop me off to school. I know she's right not to let me drive at this time, but first day pa lang without car ay hindi niya na agad ako maihatid sa school 'cause she has to do some errands.

"Mom???"

"I need to go, Hon. I'm running late. I'll see you later."

Nagmamadaling sabi niya then she kissed me goodbye.

Sa pag-alis ni Mommy ay ang pagpasok ng isang pamilyar na sasakyan sa aming gate. I opened the main door at naroon si Kurt, nakatingin, matipid ang ngiti mula sa sasakyan nito, parang may halong hapdi ang mga ngiti nito, unlike before. Siguro dahil sa mga pangyayari sa amin.

This was our usual setup before pa nag migrate si Migs. Kapag coding ako or may car problem, sinusundo ako ni Kurt at sabay kaming pumapasok sa school. On the way kase ang bahay namin sa kanila. Samantalang out of the way naman si Migs kaya't sa school na namin siya mini-meet.

Everytime na darating si Kurt at bubuksan ko ang pinto ng bahay, ang malalaking ngiti niya ang sumasalubong sa akin kaya masarap kasama si Kurt, palagi itong nakangiti, masayahin, at parang walang problema. He's a very optimistic person. Sabagay, anu pa nga bang pro-problemahin niya, mayaman sila, he could have anything he wants, he could buy anything he needs, and most importantly, buo ang pamilya niya.

Dire-diretso ay pumasok ako sa passenger seat at sinuot ang seatbelt. Wala akong choice, takot akong mag-cab.

"Hi. How are you?"

Tanong ni Kurt.

"Hi. I'm good."

Matipid na sagot ko.

"I heard from Tita about what happened, did you get hurt?"

Nag-aalalang tanong niya.

"I'm alright. Exag lang si Mommy."

Sagot ko.

"That's a relief... I mean, that's good to hear."

Sambit ni Kurt at saka nito pinaandar ang sasakyan.

Pareho kaming tumahimik sa loob ng sasakyan. Ang awkward. It's so unlike us. Normally, hindi kami nawawalan ng pagkukuwentuhan ni Kurt. From current events to geography to science, name it, hindi kami nauubusan ng topic at hindi kami napapagod sa kakatawa. Pareho din kaming mahilig sa music. He is like a brother I never had.

Buti nalang at binuksan ni Kurt ang car stereo and he played his CD. Akala ko ay yung favorite song na naman niya ang patutugtugin niya to lighten up the mood. Sa tuwing sumasakay kasi ako sa sasakyan niya ay siguradong papatugtugin niya ito habang paglalaruan ang bintana sa passenger seat. Parang bata na ipapaakyat-baba ang salamin dahil alam niyang maaasar ako dahil sa ayokong nagugulo ang buhok ko.

Subalit lalong naging awkward nang ang kantang pinatugtog nito ay 'I'll be there for you' ng The Rembrants.

When it hasn't been your day,
your week, your month, or even your year
I'll be there for you
When the rain starts to pour
I'll be there for you
Like I've been there before
I'll be there for you
'Cause you're there for me too...

Hindi ko alam kung sinadya iyon ni Kurt pero ang kantang iyon ay sakto sa aming dalawa. I've always been there for him, at now na ako naman ang nangangailangan ng kaibigan, he isn't giving up on me. Hindi niya ako iniiwan.

"Till what time ang classes mo?"

Tanong ko kay Kurt to break the ice.

"Till 3 o' clock."

Sagot niya. Medyo nagworry ako kung paano ako uuwi mamaya dahil 5 o' clock pa ang uwian ko at napansin ni Kurt ang pag-aalala ko.

"Hey Niks, I'll wait for you okay? Just like before."

Pag-a-assure nito.

Mabait talaga si Kurt. Lalo akong nakonsensya sa ginawa ko sa kaniya.

"Thanks Kurt. I'm sorry about my behaviour."

Nagpark muna ito bago sumagot.

"Niks, let's forget all about it and move on, okay?"

Inabot niya ang kaliwa kong kamay at saka ito pinisil. Habang maliit na ngiti ang sagot ko dito.

"I'll see you later, Niks."

"I'll see you later."

Sagot ko at saka na ako bumaba ng sasakyan at dumiretso sa aking klase. Akala ko ay kasunod ko sa paglalakad si Kurt ngunit nang lumingon ako ay naroon pa rin si Kurt sa loob ng sasakyan nakatanaw kung saan ako naroon at nakangiti. Sisenyasan ko sana siya para sumunod na subalit tumunog ang aking phone dahil sa isang text.

From: Kurt
Hey Niks, really dont hv class 2day. Hope 2day will b a good 1 4 u. Pick u up l8r. :)

Paglingon kong muli kay Kurt ay umalis na ito. Napailing at napangiti na lamang ako saka dumiretso sa paglalakad.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon