CRYSTAL’s POV
Ilang oras na din kaming nasa byahe . . .
Ang lahat sa van ay my sariling mundo, si Dylen ang busy na nagdadrive, ako naman ang katabi niya, ako kasi ang papalit sakanya pag napagod siya o inaantok . . .
Sila Mitch at Tracy ang nakapwesto sa likod ni Dylen, wala silang sawa sa kwentuhan . . .
Sila Bembem, Lyn at Jasham ang nasa likod ng dalawa, sila naman ang walang sawang kumukuha ng pictures, nagtetext, nagpopost sa facebook, hindi pa ata nila nabibitawan ang kanilang cellphone at tablet simula nang sumakay kami ng van . . .
Si ate Garmel at ate Leni naman ang nasa likod nilang tatlo, sila naman iyong tulog mantika, simula nang umandar ang van nakatulog na sila . . .
Si Pamela, Kenshin, at Brando naman ang nasa pinakalikod na upuan . . .si Brando ay busy sa pakikinig ng music, samantalang busy naman sa paglalambingan ang magkasintahan . . .
Paliko Kami sa isang kalsada na tinuturo nang karatulang nadaanan namin nang maisipan kong umidlip na muna . . . Pipikit na sana ako nang biglang . . .
“Nakasimangot ka na lang palagi” Kanta ko . . .
Pumailanglang ang kantang “Awit ng Barkada” ng Apo Hiking Society . . .
“Parang ikaw lang ang nag-mamay-ari Ng lahat ng sama ng loob” kanta naman ni Dylen habang nakangiting tumitingin siya sakin . . .“Pagmumukha mo ay hindi maipinta, Nakalimutan mo na bang tumawa, Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa” sabay naman na kanta ni Mitch at Tracy . . .
“Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ang isipin na lang na ang buhay
Kung minsan ay nagbibiro
Nandidito kami ang barkada mong tunay aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami’y kasama mo”Sabay sabay na kanta naming lahat sa loob ng van pati sila ate Garmel at ate Leni nakita kanta na rin . . .
Patapos na sana ang kanta nang . . .
Biglang nagpreno si Dylen na muntikan nang ikauntog namin lahat . . .
“Ano ba iyan Dylen?” napatingin ako sa nagsalita, nakasimangot nanamna si Tracy, nang hindi sumagot si Dylen sa tanong ni Tracy, napatingin ako sakanya at nakita ko ang takot sa kanyang mukha . . .
“Si-sino siya?” nanginginig na tanong ni Mitch nakatingin din ito sa labas ng van . . . kaya naman napatingin na din ako, at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ng van, my hawak itong malaking palakol, my suot itong nakakatakot na maskara . . .
Kinabahan ako, mas lalo na nang makita kong palapit ito samin . . . naglalakad ito habang hinihila niya ang kanyang isang paa . . . pero nakaagaw pansin sakin ang multong naiwan sa kanyang kinakatayuan kanina . . .
Ang multo na nakita ko sa mall na sunog na sunog ang buong katawan . . . mas bumilis ang tibok nang aking puso para bang hindi ako makahinga . . .
BINABASA MO ANG
The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)
Misterio / SuspensoPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...