chapter 48. The explanation

2.9K 34 1
                                    

fravis pov 

nag'aalinlanagan akong sabihin ang totoo kahit alam kong wala naman akong dapat ikatakot pero kailangan nyang malaman ang totoo.bumuntong hininga na lang ako 

"faith nung nakita mong kahalikan ko si dianna, hindi ko naman talga siya hinahalikan non, pinuwersa niya kong halikan siya, hindi rin siya yung katxt ko nung araw ng monthsarry natin, katxt ko ung coordinator dahil noong araw na yon binalak kong magpropose sayo ng kasal, nakahanda na ang lahat, naka'ayos na bawat detalye, kasabwat ko na rin ang mga kaibigan natin ikaw na lang ang tanging walang alam, pero hindi kasama sa plano ang paghalik sakin ni dianna, ganon kita kamahal faith, ikaw din ang unang babaeng minahal ko ng ganon, binigyan mo ng kulay at saya ang mundo ko, ngumingiti ako ng madalas dahil sayo, noong umalis ka nalaman ko na lang yun sa papa mo dahil araw araw nag'aabang ako sa labas ng bahay niyo, umulan man o umaraw tatayo ako maghapon,iiyak dahil sa sobrang pag'kamiss ko sayo walang araw ang lumipas sa loob ng 2 taon na hindi ako nag'intay sa labas ng bahay niyo kahit pinagtatabuyan na rin ako ng tatay mo. unti unti akong nakalimot na may mga kaibigan tayo, unti unti akong naging tambay sa mga bar hindi na ko uuwi sa bahay matutulog ako sa loob ng kotse kahit saan  abutan sa sobrang kalasingan."

huminto ako pagsasalita para punasan ang mga luha sa mga mata niya nasasaktan ako bumabalik lahat ng sakit pero mas masasaktan ako kung mawawala siya ulit sakin hindi ko na kakayanin pa. 

"pero lahat yon narealized kong mali kasi naisip ko paano ka magiging proud sakin pagbalik mo kung sira sirang fravis yung dadatnan mo pagbalik mo,Pinilit kong bumalik sa dating ako, Nag'aral ako ulit, mas pinagbuti ko ang pagmamanage sa kompanya namin ngayon ako na ang presidente ng kompanya."

"yung dad mo kamusta na?"--tanong niya 

"he died after you left."

"ay sorry,hndi ko sinasadya."

"maayos na yung buhay ko ngayon faith,hindi kita niloko, at kahit kailan hindi ko sayo gagawin yon,at ikaw ang mahal ko ang nag'iisang instant wife ng buhay ko."

ngumiti siya yang ngiting yan ang hinintay ko ng kaytagal niyakap ko siya 

"sana mapatawad mo ko sa pang'iiwang ginawa ko sayo noon, araw araw pinagsisihan ko lahat ng maling nagawa ko sayo, Nagsisisi ako na bakit hindi ako naniwala sa pag'ibig na mayroon tayong dalawa, I'm so sorry fravis."-faith 

"wag na nating balikan ang nakaraan,tara at samahan mo na lang ako sa kasalukuyan."

at sabay kaming lumakad sa ilalim ng buwan at mga bituwin habang magkahawak ang aming mga kamay. 

---

maiksi ba?hahaha :D 

wait for the next update 

comment naman kayo diyan please!:D 

MY INSTANT WIFE ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon