Chapter 2

8 0 0
                                    

Kris' POV

"Kris?" Sino 'tong kumalabit sa akin?

"Uy Adrian. Ikaw pala! Akala ko sinong gwapo." Si Adrian pala, first cousin ko sa side ni Daddy.

"Syempre naman. Nasa dugo na natin yan. Haha. Montemayor ba naman. Oh, kamusta ka na? Anong ginagawa mo dito sa mall." Well. Nasa lahi namin talaga yung mga pogi. Haha.

"Wala lang. Naghahanap ng chicks. Jk. Haha. Ikaw anong ginagawa mo dito? Wala kang kasama?"

"Gago. Haha. Wala. Gusto ko lang magpalamig. Tsaka tumingin tingin ng kung anu-ano." Namura pa ko.

"Ah. Parehas tayo. Sama nalang kaya ko sayo."

"Oh sige. Nga pala, nagugutom na ko. Tara mcdo."

"Sige una ka na. Cr lang ako. Sunod na ko." Naiihi na kasi ako.

"Sige tol."

Tumakbo na ko papuntang Cr nang--

"Aray namaaaan!" Si ano. Si ano. Si Miss nagsasalita habang tulog! Haha. Masungitan nga 'to.

"Di kasi tumitingin sa dinaraanan eh." Pagmamasungit ko. Pinipigilan ko talaga matawa.

"Aba aba. Ang kapal mo din noh?" Ang sarap nyang inisin. Haha

"Tumingin ka kasi sa daan paminsan-minsan."

"Ikaw naman pala 'tong nakakakita eh bakit hindi ikaw yung umiwas? Ha?!" Well. Di rin talaga kita napansin.

"Sino ka para utusan ako?" Wala pa talagang nagtangkang mag utos sakin ng ikikilos ko. Sya ang kauna-unahan.

"Hello bes? Okay ka lang?"  I guess it's her bestfriend.

"Hindi bes. May demonyo dito. Hintayin mo ko dyan. Papunta na ko." Sa pogi kong 'to muka pa kong demonyo sa paningin nya? Hindi nya ba ko nakilala. Wait, wag mko takasan!

"Hoy miss! Wait. Ano pangalan mo?"

"Wala kang pake."

"Hi miss wala kang pake. Hahahaha!" I guess naaasar na sya. Hahaha. Pikon pala 'to.

"See you! Magkikita pa tayo Miss! *smirk*" Pang aasar ko pa lalo.

"Wag ka ng umasa." Kahit di ako umasa, magkikita at magkikita pa rin tayo. Hmm.

Pumasok na ko sa Cr at umihi. Lumabas at dumeretso ng McDo.

Rian's POV

"Ano nangyari sayo?" Bungad ni Anne sakin pagkaupong-pagkaupo ko.

"Napaka walangya na pala ng mga lalaki ngayon. Hindi na gentleman. Hindi man lang nagsorry or tulungan man lang ako. Sa halip ay sinisi pa ko. Ugh!" Nakakainis talaga.

"Hoy wag mo naman ilahat. Hindi ganyan boyfriend ko noh. Oh eto hot fudge ng lumamig naman yang ulo mo."

"Salamat! Anw bessy, diba sa Adrian yung papasok dito?" Sabay turo kay Adrian na nilingon naman nya.

"Boyfiee!" Sigaw nya kay Adrian.

"Uy babe, Rian, kayo pala."

"Sinong kasama mo? Dito ka nadin sa table namin." Habang tinatago nya yung binili nyang regalo for Adrian para magkatabi sila.

”As you wish babe. Si Kris kasama ko. Yung pinsan ko, remember?" Kris? Who's Kris?

"Ah. Oo natatandaan ko na sya."

"Oh, ayan na pala sya eh." Sabay turo sa likod ko.

"Uy tol. Hi Anne! And Hi?" Parang kilala ko 'tong boses na 'to.

"Kris. She's my bestfriend, Rian."

"Hi Rian!" Unti-unti akong lumingon at... Omg!

"IKAW NA NAMAAAAN!?"

--

A/N

Lame ba? Sorry. First story ko kasi 'to. Comment guys. I need your opinions.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love that started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon