BTS (01)

758 4 0
                                    

BTS - [Jinks]











Mga nakabihis na kami't lahat, pinaparami lang muna namin ang mga tao sa loob. Pasilip silip ako sa labas pero maya't maya naman akong pinapaalis at baka daw may makakita sa akin.











“Pogi na ba 'ko?”










“Hmm, pwede na.” nilingon 'ko ang pamilyar na boses na 'yun at kausap niya pala si Marco habang inaayos ang tupi ng sleeves niya. “Joke lang. Sobrang gwapo mo na nga diyan, e.”











Yumukom kamao 'ko at iniwas na lang ang tingin sa kanila. Pero pag lingon 'ko ay si Maoui at Bam naman na magkausap.










“Mas kinakabahan pa ako sa inyo, hahaha!” ani BamBam.










“Asan si Yuae? She need a retouch.” dinig 'kong sabi ng isang staff.










Makikihanap na sana ako pero laking gulat 'ko na lang no'ng biglang sumulpot si Jeo sa tabi 'ko at dali daling lumapit kay Maoui at hinawakan sa braso, “You need retouch daw.”











Napaturo na lang ako sa kaniya, si Maoui? Ang pagkakarinig 'ko si Yuae 'yung kailangan ng retouch.. Hanggang sa madaanan nila ako ay naiwan lang ang daliri 'kong nakaturo sa kanilang dalawa.











Hindi 'ko gets? Kailan pa naging si Maoui si Yuae?










“Hindi siya! Si Yuae!”









“Hay nako, Jeo. Maglinis ka nga muna ng tainga.” inis niyang sabi kay Jeo pagkacorrect sa kanila ng stylist nila at akmang aalis na nang pigilan pa siya ni Jeo. “Saan ka?”











“Huh? Basta!” pumiglas na siya't lumayo.










Hmm, i smell something fishy.










***









Nagre-rehearse kami ng GOT7 at Bangtan, pero hindi pa namin gaanong binibigay todo 'yung pag sayaw.










“Sino dito sa tabi 'ko?” diretso lang ang tingin ni Kiko sa salamin habang tinuturo ang likod niya, nagtaas ng kamay si Jackson. “Mabilis na transition 'to, guys. Isa pa nga.”











Nag ulit kami sa simula. But then, nagkabungguan kami ni Marco at sabay pa kaming bumagsak sa sahig.










Lumapit si JB sa amin, “Oh? Ayos lang kayo?” inabot niya kamay niya sa amin sabay palakpak. “Focus, guys! Hindi na tayo pwedeng mamali mali ngayon!”











Nagkatinginan pa uli kami ni Marco.. balak 'ko sanang ngitian siya pero biglang inalis ang tingin sa akin. Mukhang ngayon pa kami magkaka problema, a?











Naaalala 'ko rin ang papuri ni Taki sa kaniya kaya mas lalo ako nati trigger. I know I shouldn't be jealous but.. bakit feeling 'ko kasi nananadya siya? Na pinagseselos talaga niya ako?











Hanggang ngayon ay nakasunod lang ang mata 'ko kay Marco na sumasayaw habang may ngiti sa mukha.










Nilingon namin ang kumatok sa pinto na stylist namin, “Tama na 'yan. Papawisan kayo, maha-haggard agad kayo!”










The BangTwice's Destiny (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon