1

179 47 4
                                    



"Ang ganda mong bride, swerte ng mapapangasawa mo."



Napangiti lang ako sa komento ng make up artist sa akin. Inaayos niya ang belo ko na nakakabit sa buhok ko. Nakatayo lang ako sa harap ng isang malaki na salamin, pinagmamasdan ang repleksyon ko.



Ang puting mamahaling wedding dress na suot ko ay mahaba at niyayakap ang bewang ko. Halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko. Mas lalo akong gumanda nung naayusan.



Ngayong araw na ang kasal namin, isang araw na dapat puno ng saya at pagdiriwang, pero para sa akin, araw ito na puno ng magkahalong emosyon.



Huminga ako nang malalim, sinusubukang kalmahin ang sarili. Puno ako ng pagiisip at damdamin. Hindi ko kailanman naisip na ang araw ng kasal ko ay darating sa ganitong sitwasyon. Hindi siya romantic or magical feeling dahil isa lang itong kasunduan.



Bunga ng pangangailangan, hindi pag-ibig, pero narito ako, handa nang maglakad sa altar.



Bumukas ang pinto, at pumasok ang tatay ko sa silid. Nakasuot na siya ng itim na suit at maayos na ang hitsura niya, kumpara nung nagkasakit siya na lubog ang mga mata, panga, namayat, at mahaba ang buhok. Ngayon ay malinis, tumaba, at guwapo na ulit siya dahil nagpagupit na rin.



Pinaghandaan niya talaga ang kasal ng unica ija niya. Mas lalo akong nakaramdam ng lungkot at pagsisisi dahil nagsinungaling ako sa tatay ko na mahal ko at mahal ako ng taong papakasalan ko.



Nakita ko ang panunubig ng mga mata niya bago niya ako nilapitan. "Ang ganda ganda ng anak ko," aniya, puno ng emosyon ang boses.



Naluluha rin akong ngumiti sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Pogi mo tay ah? Ganap na ganap ka!" Biro ko pa.



Tumawa siya at pinagpagan pa ang coat niya. "Kasal ito ng anak ko e, dapat guwapo ang tatay diba?"



Natawa na lang din ako kahit bumibigat ang dibdib ko. Nanatili siya sa tabi ko at nag usap lang kami. Ilang oras pa ang lumipas ay pumunta na rin ang Mama ni Lorenzo sa kwarto ko para sabihin na ready na raw ang lahat.



Bigla namang kumabog ang dibdib ko at para iyong lalabas na sa sobrang lakas. Hinawakan ko 'yon at hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng puso ko. Halo-halo. Hindi ko maintindihan kung kinakabahan ba ako, natatakot, o masaya. Hindi ko alam.



"Tara na, nak," iniabot ni Papa ang braso niya sa akin.



Hindi ako makapagsalita. Napipe na yata ako kaya tumango na lang ako at hinawakan siya sa braso. Inayos ang pa ulit ng make up artist ko ang gown ko bago kami hinayaan na makalabas.



Ilang oras na lang. Ilang oras na lang ay mababago na ang buhay ko. Magiging ganap na Carreon na ako at ang nakagagambal na katotohanan doon ay bakla ang asawa ko. Matitiis ko kaya siya? Ilang taon na rin kami magkakilala pero hindi ko naimagine na siya ang mapapangasawa ko.



Habang naglalakad kami sa aisle, nagtinginan ang mga bisita sa amin, pero parang mga anino lang sila sa akin. Naka pokus lang ako sa tatay ko, na nakangiti nang malapad. Tumulo ang mga luha sa mga mata ko habang nakikita ang kagalakan sa mukha nito.



Matagal nang inaasam ito ni itay, ang mailakad ako sa altar. Totoong masaya siya para sa akin. "Mahihiwalay ka na sa akin," bulong niya, bahagyang napiyok ang tinig. "Alam ko namang aalagaan ka nang mabuti ni Lorenzo, pero mamimiss kita, anak ko. Sana maging masaya ang buhay mo."



Eclipsed HeartsWhere stories live. Discover now