Ako si Rei. Isang 3rd year high school na may crush sa 3rd year college. Siya si kuya Emman. Isa sa mga close friends ni ate Ja. Always siyang pumupunta sa bahay dahil marami silang group project na ginagawa. Everytime na break nila ay kinakausap niya ako. Hindi ko nga alam kung bakit natutuwa ako pag nasa bahay sya eh! Kahit na tapos na yung group project nila ay pumupunta pa rin siya sa bahay kaya sobrang natutuwa talagaa ako.
Dumating yung time na hindi na siya dumadalaw sa bahay. Sabi ni ate Ja ay may camping daw sila sa Baguio. Grabe! Miss na miss ko na nga siya eh! Feeling ko parang may kulang sa akin.
Nasa kwarto ako at nakahiga. Nakatingin sa kisame at ini imagine ang mukha niya.
Hayyst! Hindi pa rin kasi siya nagpapakita sa akin. Sabi ni ate 3 days lang naman sila don sa Baguio eh! Grabe! Ang daya niya! Hindi na nga siya nagpaalam sa akin tapos 5 araw na siyang hindi pumupunta sa bahay.
Arggggggggghhhhhhhh!!!!
Sa sobrang inis ko ay pinikit ko na lang ang mga mata ko at binalikan ang mga times na magkasama kami. Damn! Lalo ko lang siya nami-miss eh!
Sana pagbilang ko ng tatlo, nandito na siya.
1
2
3
Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko siya. Nakangiti at nakatitig sa akin.
Nagha-hallucinate ba ako?
"Hi Kulet! Namiss kita!!!" sabi niya sabay yakap sa akin ng napaka higpit.
H-hindi ako nagha-hallucinate?
Sa sobrang tuwa ko at pagkamiss sa kanya ay niyakap ko rin siya ng napaka higpit. Pero nabigla ako sa ginawa ko sa kanya.