•one shot•
Lee Deokyom/ Lee SeokminSeokmin x Reader
tagalog ffStory Done: March 23,2017
Story Publish:(flex ko lang mga old story ko, 3 years bago nag ka lakas loob e publish dito )
Edited.
-----------------------------------------------------
Your POV.
nasa harapan kami ngayon ng bulletin board ng school, kasama ko ngayon ang best friend kong si Lee Seokmin,
tinitingnan namin yung list ng mga sasali sa singing contest, na gaganapin mamayang hapon dito sa school namin.
"*Y/N*, kakanta si Hoshi, yung kras mong wlang mata," pag babalita nito sakin, "Ika 5th sya, akalain mo kumakanta yun," dugtong nya sabay lingon sakin.
"di lang kasi sa pag sayaw magaling si Soonyoung," sagot ko naman dito,
"aba, naks naman Bess talented pala kras mo," sabay ngiti sakin, yong tipo ng ngiting niyang nag papabilis ng tibok ng puso at ang mga ngiting nag papakawala ng paru-paru sa sikmura ko.
wala sa isip na pahawak ako sa puso ko at lihim na ngumiti, "grabi talaga epekto ng lalaking ito sakin", sabi ko sa sarili ko.
"ala! ala! ala!, kinikilig siya," sabay sundot nito sa tagiliran ko, pinalo ko naman ng mahina ang kamay nito para tigilan na nito ang pangingiliti sakin, "tumigil ka nga diyan Seokmin, baka may makarinig pa sayo," saway ko dito,
tumatawa-tawa naman ito, ako naman pinag masdan ko lang siya,"e ikaw, bat di ka sumali," tanong ko ng tumigil na siya sa kakatawa.
"ayaw ko," sagot niya, "alam mo namang di ako kumakanta sa harap ng maraming tao diba," ngumiti ito sakin sabay ayos nito ng bangs ko, bwesit na lalaking to, pina bibilis talaga takbo ng puso ko,
aminado naman akong mahal ko tong bestfriend kong to, mula nung mga bata palang kami ay mahal na mahal ko na to, mag kakaibigan yung mga nanay namin, kaya di narin nakapag tataka na naging matalik kaming makibigan, nasanay na nga ako na lagi siyang nandiyan para sakin, pina patawa at pina pangiti ako kapag ako'y nalulungkot, nag papalakas ng loob ko sa tuwing nawawalan ako ng tiwala sa aking sarili, kaya di na nakapag tatakang maraming magagandang babae ang na aakit nito, pati pa nga mga bakla na papatili dahil sa kanya, plus point pa yung ka gwapuhan, kabaitan at subrang talented din nito, magaling din kasi itong sumayaw at kumanta, kaso nga lang mahiyain,
nakakainis at nakakaselos na minsan kaso wala akong magagawa kasi isa lang akong dakilang BESTFRIEND nito.
"alam mo Bess, ikaw mananalo diyan pag sumali ka," sabi ko dito sabay yakap sa kanya patalikod,
napa ngiti naman siya sa akin at hinawakan ang mga kamay kong nakayakap sa kanya, buti na lang medyo sanay na ako sa mga ganito, kahit nung mga bata pa kami, ganito na kami ka sweet sa isat'isa.
"talaga?," sabay harap sakin.
nginitian ko naman ito at tumango, "ang galing kaya kumanta ng Bess ko," sabay pabirong kinurot siya sa ilong.