Chapter 18

107K 2.1K 479
                                    

Chapter 18
***

Nilagay ko na sa Tupperware ang Chicken Curry na favorite ni Teo.

Sana magustuhan ni Teo. Napangiti ako sa naisip ko.

Nilagay ko sa paper bag ang niluto ko para Kay Teo at iniwan muna sa kusina.

Tumaas na ako sa kwarto para maligo ulit at magbihis.

Pinili ko ang puting off shoulder dress na hanggang taas ng tuhod ko.

Tinali ko ang buhok ko sa bun at nag iwan ng mga takas na buhok.

Nag pulbos ako at naglagay ng lipgloss  sa labi.

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin at napangiti ako ng mukhang presintable na akong tignan.

Bumaba na ako at dumerecho na sa kusina. Kinuha ko ang niluto ko para Kay Teo at sakto na pumasok din si Lola tasya sa kusina.

"Hija, mag pahatid ka na Kay pelipe."

                                  ***


"Salamat po sa pag hatid sakin Lolo pelipe." Magalang Kong Sabi at nginitian si Lolo pelipe.

"Walang anuman tisay. Tawagan mo nalang ako Kung mag papasundo ka at Kung Hindi ka sasabay Kay ser Teo."

"Sige po Lolo pelipe. Ingat po sa byahe pabalikm"

Naglakad na ako papunta sa pasukan ng kumpanya ni Teo at Hindi ko parin maiwasang mamangha sa laki at ganda nito.

"Ma'am Celine?" Nakuha ni kuya guard ang pansin ko at nginitian ko sya.

Naaalala nya pa ako?

"Ay naku, ang ganda ganda nyo po ma'am Celine bagay na bagay po kayo ni ser. Teo na gwapo."

Namula ang pisngi ko. Alam ba ni kuya guard na girlfriend ako ni Teo.

Syempre Celine! Baka nakakalimutan mo hinalikan ka ni Teo sa harap ng nga tauhan nya.

"S-salamat po kuya." Nahihiya Kong sabi. "Mauna na po ako hahatidan ko po ng pagkain si Teo. Kumain na po Kayo?" Tanong ko at nginitian din ang kasama nyang guard.

Parehas silang tumango sakin. "Tapos na po ma'am. Una na po Kayo ma'am Celine at baka miss na Kayo ni ser." Tukso pa ni kuya guard.

Mahina akong natawa at pumasok na sa loob ng kompanya ni Teo.

Pero napahinto ako sa paglalakad at napatanong sa sarili Kung pupunta na ba derecho sa opisina ni Teo o magpapaalam muna sa receptionist.

Naisip Kong magpaalam muna sa receptionist nang tumatakbo na ang isang babae na naka receptionist na uniporme.

"Ma'am Celine. Ako po ang maghahatid sainyo sa opisina ni Mr. Toretto." Hinihingal nyang Sabi at tinignan ang paper bag na hawak ko. "Ako na din po ang mag dadala ng hawak nyo." At kukunin Sana ang hawak ko ng mabilis ko syang ilingan.

"Wag na po Kaya ko naman po." Pigil ko sakanya at nginitian sya kahit na naguguluhan ako na kaylangan nya pa akong ihatid sa opisina ni Teo.

Nginitian nya ako at pinauna akong maglakad papunta sa elevator at sya na din ang nagpindot ng floor na pupuntahan ko.

Nang bumukas ang pinto ng elevator parehas kaming napatalon dahil sa lakas ng sigaw ni Teo.

"M-ma'am Celine hanggang dito nalang po ako pwede. Ingat po Kayo mukhang mainit po ulo ni sir. Teo." Natatakot nyang Sabi sakin.

Tinanguan ko sya at maliit na nginitian. Lumabas na ako ng elevator at agad na napatayo ang secretary ni Teo.

"Ma'am Celine." bati nya sakin habang nakayuko at Hindi ako tinitignan.

HAVING CEO'S BABY [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon