Diana's POV
Nasa hallway pa lamang ako ay dinig na dinig ko na ang mga studyanteng nagpupulong sa bawat classroom na madaanan ko.
"May event ba ngayon?" I internally asked myself. Tuwing may mga events lang naman nabubuhayan ang mga students. Inhale.. exhale.. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng classroom namin.
"Oh! She's finally here!" Bungad saakin ng familiar na boses. Sino pa ba? Kundi si Nephra. Nephra Allen. Nakatayo sya sa gitna ng klase while her arms crossed; without a care in the world. Pero hindi excitement ang maririnig mo sa boses nya nung makita ako. May pagka-sarcastic ito.
Napahawak ako ng mahigpit sa bag na dala ko. Anong nangyayari dito? At bakit ako hinihintay ni Nephra?
Divided ang mga classmates ko sa kani-kanilang mga grupo, yung iba ay nasa likod busy sa pagtingin ng notice board. Yung iba naman gumagamit ng gadgets nila walang pakialam sa mga nangyayari. While majority of the class' attention is focused on me. Nasaan naba ang teacher namin?
"You've missed our teacher's important announcement." Mataray na sabi ni Nephra.
I just looked at her, mukhang naghihintay sya ng isasagot ko. Wala akong alam sabihin, ewan ko ba pero nagiging pipe ako tuwing kaharap sya. Masisisi nyo ba ako? Sobrang intimidating nya kaya.
Nakatayo lang ako at tumitingin sa paligid ko na parang humihingi ng saklolo.
So she went in front of me. Para masiguradong sya lang ang makita ko.
I froze.
And I gently swallowed. Sobrang dry ng lalamunan ko bigla.
"A-anong announcement?" Pinilit kong may salitang lumabas sa bibig ko. Kinakabahan parin ako.
"Our school is having a new program called Peer-buddy Program. Kung sino ang mapili sya ang magiging leader. Meaning you'll be able to make a certain decision for the whole class at sa lahat ng ka-year level mo. And they all should follow you." Confident na paliwanag nito. Parang kabaligtaran naman ang paliwanag nya. Parang gusto nya lang abusuhin ang power ng pagiging leader.
"You see that?.. Sa likod? Yan ang mga napili ni Mrs Trenor na tumakbo bilang Peer-Buddy." Turo nito sa notice board.
Kasama ang pangalan ko sa nakasulat pati narin ang pangalan ni Nephra. Ang iba rito ay hindi na namin classmates.
Matalino si Nephra, Hindi lang sya pati narin ang buong pamilya nya, it runs in their family.. kilala ang apelyido nila sa buong bayan namin. Masasabi kong matalino din naman ako, kung kaya't madalas kaming ikumpara sa isa't isa.
"Pinili ni Mrs Trenor ang sa tingin nya'y mga nag e-excel sa class. Tayong dalawa lang ang included sa section natin, we will be working together at magkakaron ng seminar para sa darating na Peer-Buddy Camp bago ang election, tomorrow at eight am. So, don't be late." Paliwanag nito at hindi man lang nya ako tinanong kung makakapunta ba ako ng ganon kaaga. Agad syang tumalikod at bumalik sa upuan nya kasama ang mga kaibigan nya, pumapalakpak pa ang isa sakanila, impressed na impressed sila sa superiority ni Nephra over me.
Hinanap ko na ang pwesto ko at umupo narin ng biglang may kumalabit sa balikat ko.
"Hoy! Ok ka lang ba?" Si Arty pala, ang bff ko sa school at sa bahay."Tinakot mo naman ako! Ikaw lang pala, Art." Sabay hawak sa dibdib ko.
"Para ka kasing nakakita ng multo. Ano ba nangyari ha?" Naupo narin sya sa tabi ko.
"Kinausap kase ako ni Nephra. Tungkol dun sa Peer-Buddy Program. San kaba kasi galing?" Medyo inis na paliwanag ko sakanya.
"Nag cr lang ako kase yung polo ko nabuhusan ng ice tea! Talaga?! Si Neph? Nephra Terror? Na laging suplada, kinausap ka?!" Oa naman ng reaksyon nitong si Arty.
BINABASA MO ANG
(GxG) Let somebody love you 2019
Romance**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng bagay lagi sila ang magkalaban? *** Matalino si Nephra. It runs in their family. Kung kaya nama't gina...