Raine's POV
"Ayan na siya bestie, ang gwapo niya talaga, anong gagawin ko? bakit ba kasi ipinanganak ang isang Kye Christophen ng ganyan ka gwapo?!"
Araw-araw na lang ganito yung binubungad sa akin ng kaibigan kong si Jessa sa tuwing makakasalubong namin yung crush niyang si Kye.
Nagkaroon kasi ng isang malaking revelation last week dito sa school namin, na ang inaakala naming baklang si George ay lalaki pala at ang mas nakakagulat sila na nung bestfriend niyang si Faye.
Kaya kung makapagpantasya tong kaibigan ko abot langit ang imagination, ako namang si bestfriend isinasakripisyo ko yung earbuds ko araw-araw sa tuwing may chika siya sa asawa niya daw.
Biglang nagvibrate ang phone niya, tiningnan niya naman ito kaagad at ngumiti ng malapad.
"Ay bes aalis na ako ah, baka magalit asawa ko late na akong makauwi magluluto pa ako ng hapunan namin" pagbibiro niya.
Kita niyo ang harot harot ang sarap kurutin sa tagiliran.
"Kapal ng mukha mong babae ka ang sarap niyong pag-untugin ng pader, osya mauna ka na pupunta pa kasi ako ng library ibabalik ko yung librong hiniram ko"
Naglakad ako papunta sa library at ibinalik ang librong hiniram ko, naabutan ko pa sina Faye at George na nagstu-study date sa library, ang haharot jusko.
Nakalabas na ako ng building nang biglang lumakas ang ulan kaya nakisilong nalang ako sa shade house, mukhang matatagalan pa ata ako dito eh.
Nagbasa nalang ako ng librong binili ko nung isang araw sa mall, makalipas ang ilang segundo nakaramdam ako ng paggalaw sa likod ko.
Bali-balita pa naman ngayon na may mumung umaaligid dito malapit sa garden ng school, naku po huwag naman sana.
Nilingon ko kung may tao ba talaga sa likod ko, oo na tumalikod ako ewan ko ba pero gumalaw nalang ng kusa yung katawan ko eh.
At nakita ko yung lumulutang na ulo ng asawa kuno ng kaibigan ko. Kakilaboooot.
Napapikit ako sa gulat, pero agad ko namang iminulat yung isa kong mata at tiningnan ang lumulutang na ulo.
Kaya naman pala hindi ko siya agad nakita kakulay niya yung pinta ng shade house, parang tuloy nagmumukhang lumulutang yung ulo niya ang creepy. Natagalan ako ng titig sa kanya ng bigla siyang nagsalita.
"Done checking me out?" Sabi niya at napangisi. Kapal ah akala niya siguro interesado ako sa kanya.
"Kapal mo naman, kakulay kasi ng jacket mo yung pintang ginamit ng mamang pintor sa shade house na to"
Napasmile naman siya, showing his perfectly white teeth. Sponsored ata siya ng closegate.
"Palusot ka pa miss alam ko namang gwapo ako kaya natagalan ka ng titig sa akin" at may pahabol pang wink.
May topak ata to eh, akala ko malakas na ulan lang ang meron ngayon, hindi ako na inform na babagyo pala ang lakas ng hangin ng lalaking toh.
"May sasabihin pa sana ako sayo, pero masyado ka pang bata para malaman mo na lahat ng sinasabi mo ay hindi tama"
"Are you saying that I'm not attractive?!"
Pikon naman to eh, kung makita lang to ni bestie ewan ko nalang kung ano magiging reaksyon niya.
"Wala akong sinabi, sayo mismo nanggaling yan." I smirked. Heh yan bagay sayo.
Kasabay ng pagsabi ko nun ay ang pagtigil ng ulan, dali-dali akong umalis at hindi na hinitay yung sagot niya sa sinabi ko.
KINAUMAGAHAN
Naglalakad kami ni Jessa papuntang classroom galing ng cafeteria nang bigla siyang natigilan at mukhang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
Kinusot-kusot niya pa yung mata niya, biglang nagliwanag ang mukha ng bruha, ano bang meron?
Nilingon ko kung ano este sino yung titingnan niya.
Kaya naman pala.
"Bes, ako lang ba o si Rye my labs yung nasa harap ng classroom natin?"
"Nakikita ko rin siya bes"
"Talaga, maayos ba yung mukha ko? Fresh padin ba? Hay ano ba yan hindi niya sinabing bibisitahin niya ako ngayon, hindi ako prepared"
Hinarangan ko kung saan siya nakatingin at binatukan siya sa ulo, nanlaki naman yung mga mata niya at mukhang naiiyak na siya.
Hala nasobrahan ko ata, "Bes, palapit na siya dito"
"Naku naku naku, tigil-tigilan mo nga akong babae k-"
"Huy, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinihintay"
Boses ni Rye yun ah, pero bakit ganun ang lapit yata ng boses niya, tiningnan ko si Jess, kung malaki kanina yung mata niya mas lumaki pa ito ngayon.
"Hey, don't tell me you're just gonna ignore me after what happened yesterday"
My body voluntarily turn around and faced him.
"Anong nangyayari bes?! Anong something happened yesterday?! Don't tell me may secret affair kayo behind my back?!"
Nagulat naman ako sa reaksyon niya, ano ba ang iniisip ng isang to?
"Excuse me, but who are you?"
"Ah ako, ah kasi, ako si uhm J-Jessa bestfriend ni Raine"
Nasaan na ngayon yung self-esteem niya, ewan ko sa babaeng to kaya hanggang pantasya nalang siya eh.
"So ikaw pala si Raine, I was not able to get your name yesterday parang nagmamadali ka kasi, your name is perfect after our first conversation" at nag smile siya.
Lumapit sa akin si bestie and whispered "Bes, hindi mo sinabi sa akin na nagkita pala kayo kahapon, edi sana hindi nalang ako umalis ng maaga"
"Hindi ko naman ineexpect na makakasalubong ko siya"
He cleared his throat interrupting our conversation.
"I'm Rye and I would like to know you more Ms. Raine, Can we be friends?"
Friendship lang naman ino-offer niya, I don't want to be rude.
"Okay, Friends" sabi ko kasama ng pamatay kong smile.
May binulong siya sa sarili niya na parang nagsasabing kumagat daw ako sa pain. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at nakipag shake hands.