PAKIRAMDAM ni Queenie ay nagmalfunction ang malaking bahagi ng kanyang utak habang nakatitig sa wari'y aparisyon lamang ng lalaking minamahal. Ang bilis-bilis nang tibok ng kanyang puso na para bang may naghahabulang mga kabayo sa kanyang dibdib. Parang kanina lang ay iniisip niya lang ito, ngayon ay heto, nakatayo ito sa kanyang harapan at nakatitig sa kanya na mistulang siya ang buong mundo nito. Nagawa lamang niyang matauhan nang magsalita ito at marinig niyang tinawag siya nito sa kanyang buong pangalan.
"L-Lyndon... p-paanong..." nang maramdaman ang kanyang pag-utal ay lumunok siya upang kahit papaano'y mabawasan ang tensyon sa kanyang lalamunan. "A-Anong ginagawa mo rito?"
Sa halip na sumagot ay lumapit ito sa kanya at walang babalang kinabig siya. Niyakap siya nito nang napakahigpit na animo'y wala na itong balak pang pakawalan siya. Nangingilid ang luhang ipinalupot niya ang mga braso sa bewang nito at isinandal ang ulo sa dibdib nito. Hindi niya maipaliwanag ang saying nadarama niya nang mga sandaling iyon.
"Nang magising ako sa hospital nang wala ka sa tabi ko, pakiramdam ko, pinagsakluban ako nang langit at lupa." kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya at pinagsalop ang mga palad sa kanyang mukha. "Bakit ka ba umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa akin? Nag-iwan ka nga ng sulat but you didn't even include your name or your address. Why did you do that?"
Ipinatong niya ang mga kamay sa kamay nitong nakalagay sa kanyang mukha at saka sinalubong ang paningin nito.
"I'm really sorry, Lyndon. Umalis ako para hanapin si papa at ayusin ang mga gulo namin dito. You have suffered enough at ayoko nang idamay ka pa sa mga personal issues namin kay mas pinili kong itago sa'yo ang totoong identiy ko." ang sinserong ipinahayag niya rito. "Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa'yo, Lyndon. You have been so kind to me pero panloloko ang isinukli ko sa'yo. Kaya naman maiintindihan ko kung hindi mo na ako magagawa pang patawa – "
Hindi na niya nagawa pang ituloy ang kanyang sasabihin nang ilagay nito ang isang daliri sa pagitan ng kanyang mga labi.
"Ssshh, wag mong sabihin 'yan. Aaminin ko, nagkaroon ako sa'yo nang hinanakit nang dahil sa ginawa mo, pero naiintindihan ko na ngayon kung bakit mo nagawa iyon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay natagpuan na kita."
Nagliwanag ang kanyang mukha nang marinig ang sinabi nito. Gayunman ay agad rin iyong nahalinhan nang pagtataka. Nananatili pa rin isang misteryo sa kanya kung paano nito nalaman ang totoo niyang pagkatao at kung saan siya naroroon.
"T-Teka, papaano mo nga pala nalaman kung nasaan ako?" ang hindi na niya napigilang itanong rito. "Saka, paano mo nalaman ang totoong pangalan ko?
"Bago pa man manggulo ang lalaking iyon, nagkaroon na kami ng hinala ni Doktor Palma na hindi totoo ang amnesia mo, kaya kinuha ko ang serbisyo nang isang magaling na private investigator. Nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na iyon hanggang sa tumawag siya sa akin isang linggo na ang nakararaan para ibigay ang mga impormasyon na nakalap niya tungkol sa'yo."
"And you came all the way here para lang puntahan ako?" bigla siyang naging emosyonal. Kahit na may hinala na siya sa dahilan nang paghahanap nito sa kanya ay mas pinili pa rin niyang magtanong dito. Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan. "Bakit?"
Hindi kaagad ito sumagot at sa halip ay kinuha ang kanyang dalawang kamay at hinawakan iyon nang mahigpit. Pagkatapos ay tinitigan siya nito nang direkta sa kanyang mata. Pakiramdam niya ay biglang huminto ang oras at sila lamang dalawa lamang ang tao sa mundo nang mga sandaling iyon.
"Back then, malungkot at walang sigla ang buhay ko, Queenie. But when you came, nagbago ang lahat nang iyon. Ang dating madilim kong mundo ay binigyan mo nang kulay. You gave me another reason so that I can appreciate life once again. Kaya naman nang mawala ka, ipinangako ko sa sarili ko, hinding-hindi ako susuko hangga't hindi ulit kita natatagpuan." hinagkan nito ang pareho niyang mga kamay. "The name "Joy" really suits you, because indeed, you gave me joy. Wala na yata akong mahahanap pang tao o bagay na makakapagpasaya sa akin gaya ng ginagawa mo. I love you, Queenie Joy."
Ang pinipigilang mga luha ni Queenie ay tuluyan nang bumuhos. Nagagalak na pinagsisiil niya ito nang halik sa labi bago muling yumakap nang mahigpit rito. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa labis na kaligayahang nararamdaman.
"Oh Lyndon, unang kita ko palang sa'yo sa hospital, alam ako tinamaan na agad ako sayo. Sa'yo lang tumibok nang mabilis ang puso ko. You're also the only man who takes my breath away. Kapag nasa tabi kita, masaya ako, kapag malayo ka naman, ang pakiramdam ko ay may isang bahagi nang puso ko ang hindi makapagfunction nang mabuti. I don't need no more evidence, dahil alam ko sa sarili ko, mahal din kita."
Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Pagkuwan ay niyukod nito ang ulo at dinampian siya ng halik sa ibabaw ng kanyang ulo. Ilang sandali silang nanatili sa gayong posisyon. Parang wala na nga itong balak pakawalan siya. Kahit siya ay wala na rin sanang balak kumawala pa rito kung hindi niya lang naalala ang tungkol sa titulo at papeles ng rancho at mansion na napulot niya sa harapan ng rest house.
"Sandali lang, Lyndon," aniyang kumalas sa pagkakayakap nito. "Nakita ko kasi ang mga ito sa harap ng bahay." Nilantad niya ang brown envelope at ihinarap dito. "Naglalaman ito ng titulo at iba pang papeles ng rancho at nang mansion." ang kanyang ipinahayag. "Imposibleng ibalik ito ng mga Jacobs sa amin." mataman niya itong tinitigan. "I-Ikaw ba ang nagdala ng mga ito dito?"
"Yes, I bought it back from the Jacobs. Alam kong mahalaga sa'yo at sa papa mo ang rancho at ang mansion. Nararapat lang na maibalik ang mga iyan sa totoong nagmamay-ari nito at walang ibang nagmamay-ari ng mga properties na iyan kung hindi kayo."
"P-Pero, Lyndon," gumuhit ang pagtutol sa kanyang mukha. "Hindi mo naman kailangan gawin iyon. May mga plano na kami ni papa. Magtatayo kami nang negosyo. Yung kikitain ng negosyo, ipupunin namin para mabawi ito." pilit niyang inabot pabalik dito ang naturang envelope. "H-Hindi ko ito matatanggap."
"No, I can't get it back from you. It's your land, your properties. Hindi ko maaaring angkinin iyan."
"Pero gumastos ka nang malaking halaga para dito. Parang hindi naman yata tama na basta-basta nalang namin ito kukunin. I'm sorry, Lyndon, pero hindi ko talaga ito matatanggap."
Napabuntong-hininga ito. Hinawakan nito ang ilalim ng baba na wari'y nag-iisip. Pagkuwan ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at mataman siyang tinitigan.
"O, sige. Ganito nalang. Kung gusto mo, bayaran n'yo nalang sa akin kung magkano man ang ginastos ko diyan." ang sabi nito sa kanya makalipas ang ilang sandali. Napatango-tango siya. Tama, gano'n nalang ang kanilang gagawin. "Kaya lang kasi hindi pera ang gusto kong pambayad, eh."
Gulat na napasulyap siya rito. "Ha? A-Anong ibig mong sabihin?" ang naguguluhmihanang tanong niya rito.
He smiled at her. Nagulat siya nang bigla na lamang itong lumuhod sa kanyang harapan. Sa pagkagulat ay hindi niya agad nagawang mag-react.
"Ang gusto ko kasing pambayad ay yung mapapasaya ako. Money can't make me happy. Gusto ko ay yung makakapagbigay sa akin nang unlimited supply of love. Money can't give me love. At gusto ko, yung makakasama ko hanggang sa pagputi nang buhok ko, kaso nauubos ang pera. Money doesn't last." muli itong ngumiti nang matamis sa kanya bago dukutin ang isang pulang kahita na naglalaman ng isang diamond ring. "You're worth more than all the money in the world, Queenie. Pwede bang ikaw nalang ang maging bayad ng rancho at ng mansion. Will you rather marry me?"
Natutop niya ang sariling bibig. Muling nangilid ang kanyang mga luha. Hindi halos makapagsalitang napatango na lamang siya rito. Nagliwanag ang mukha nito. Isinuot sa kanya ang naturang singsing saka muling tumindig. He cupped her face then stared at her, lovingly.
"Oh Queenie, ikaw at ang magiging mga anak natin, you will be my joy forever." inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha at ginawaran siya nang isang masuyong halik sa mga labi. "I love you."
"I love you too, Lyndon." ang nasambit niya in between their passionate kiss. "Hindi na ako makapaghintay na bunuin ang lifetime kasama ka."
BINABASA MO ANG
FORGET ME NOT [COMPLETED]
RomanceNagdedelikadong mawala kina Queenie ang kanilang rancho at ang mansion. Sa kagustuhang maisalba iyon ay napilitan siyang magpakasal sa bastos at walang modong anak ng maimpluwensiyang businessman kung saan nakasangla ang mga iyon. Subalit sa araw ng...