2

165 45 1
                                    



"Tabi tayo matutulog?"



Nakarating kami ni Lorenzo sa destinasyon ng honeymoon namin. Nasa beachfront villa kami. Ang loob ng kwarto namin ay neutral na kulay at may mga wood accent. Ang open-plan living area ay dumadaloy sa isang pribadong deck na may infinity pool.



May mga malalaking bintana na tanaw ang dagat at malinis na puting buhangin. May malaking king-sized na kama na pinalamutian ng malalambot na puting linens at fluffy pillows.



"Duh. We only have one bed. I'm not sleeping on the couch 'no," pabalang na sagot ni Lorenzo at walang ganang tumingin sa akin, nakapamulsa.



"Malikot ka matulog, mamaya mahulog na naman ako sa kama," ngiwi ko.



Naalala ko na naman kung gaano kalikot matulog si Lorenzo kahit noong mga bata pa kami. Sinasakop niya buong higaan kaya nagigising na lang ako na nasa sahig ako dati.



"Magtiis ka girl, ginusto mo 'to," maarte niyang saad bago ako tinalikuran at pumunta sa banyo para maligo.



Napaupo ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko para maglibang. Tatlong araw kami dito sa villa. May mga naiisip na akong gawin para hindi kami mabored dito. Walang choice e. Kailangan magstay dito para maipakita na totoo kaming nagmamahalan at mag asawa.



Mga magulang pa naman ni Lorenzo ang nag book nito. Halos lahat nga sila nag asikaso e. Mula sa simbahan, reception, at iba pang bagay. Malaki ang nilabas nilang pera para sa kasal. Nakikita ko talagang suportado sila sa amin ni Lorenzo.



Napapaisip tuloy ako na kung open lang ang mga magulang ni Lorenzo, siguro si Topher ang kasama niya ngayon dito sa villa at naghohoneymoon. Siguro tanggap sila. Siguro masaya ngayon si Lorenzo dahil kapiling niya ang mahal niya.



Napalingon ako kay Lorenzo nang lumabas siya mula sa banyo. Bahagya akong natigilan nang makita siyang topless at tuwalya lang ang nakabalot sa baywang niya. Ang toned ng mga binti at braso niya. May abs din. Makinis ang balat at mukhang batak sa pagggym.



Nahiya naman kutis ko sa baklang 'to.



Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansin na nakatitig ako. "Pinagnanasahan mo na ba ako?"



Napakurap ako at napasinghal sa kaniya. "Huh? Sinasabi mo? Assumero amp!" Maang-maangan kong anas.



Tinarayan niya ako habang pinupunasan ang buhok niya gamit pa ang isang tuwalya. Pumapatak ang tubig sa katawan niya galing sa buhok niya. Naglakad siya papunta sa suitcase niya para kumuha ng damit pantulog.



Napailing ako at tumayo rin para makapaglinis at makapagbihis na. Pumasok ako sa banyo at namangha ako sa loob. Ang en-suite na banyo ay mayroong malaking soaking tub at rain shower. Luxurious niyang tignan.



Bumabad ako sa tub halos isang oras. Paglabas ko mula sa banyo, ramdam ko pa ang init ng tubig sa balat ko. Nakapag relax ako kahit papaano sa paglublob ko. Nang pumasok ako sa kwarto, nakita ko si Lorenzo nakaupo sa kama, suot ang asul na maluwag na pajama.



Mukha siyang pagod, magulo ang buhok niya at mabigat na ang mga mata. Hawak niya ang cellphone niya. Nakatulala lang siya na parang malalim ang iniisip.



Napansin ko ang bote ng alak at mga baso sa tabi, regalo ng villa para sa espesyal na okasyon namin. Naisipan kong gamitin 'yon pampawala ng bigat sa kwarto at para pampatulog na rin.



Lumapit ako kay Lorenzo, suot na rin ang puti na pajama ko. Kinuha ko ang bote ng alak at ngumisi sa kaniya.



"Bakit hindi tayo mag-inom? Maganda 'yung gabi ngayon ah," pag-aaya ko.



Eclipsed HeartsWhere stories live. Discover now