"Let me handle this, I'm a pro."
Kanina pa namimilit si Lorenzo na siya ang magluto ng lunch. Nakasuot na siya ng apron at hinahanda niya ang mga sangkap pero pinipigilan ko siya. Ayoko talaga. Wala akong tiwala sa mokong ito e.
"Pro ka dyan," asar ko, sabay tawa habang inaabot ko ang mga sangkap. "Huwag ka nang magmarunong, Lorenzo, baka masunog mo lang 'yung isda."
"Relax, I've got this," kindat niya.
Napabuntong-hininga ako at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Halos matapon na ang mantika nung nilagay niya ang fish fillet sa kawali.
"What the fuck!" Napatili siya at nagtago siya sa likod ko nang magsitalsikan ang mantika.
"Palpak ka na agad, jusme," tinulak ko siya palayo at ako na ang nagprito. "Simpleng pag-prito lang, hindi pa magawa."
"I didn't know it will attack me!" Tangis niya.
"Anong attack pinagsasabi mo? Oa mo talaga. Sa susunod, wag ka na magmamagaling ah. Baka makasunog ka pa ng resort e."
Tumawa lang siya at tumabi. "Fine, fine. Ikaw na mag take-over, chef."
Habang nagluluto ako, siya ang nakaalalay o utusan ko. Bawat galaw ko ay may hirit niya. Nung ginagawa ko ang salad, bigla siyang sumingit.
"Gusto mo bang tulungan kita dyan? Baka mas mabilis pag ako na ang gumawa."
"Lorenzo, kapag hinawakan mo pa 'tong salad na ‘to, magiging mashed vegetables na! Wag ka na mapilit dyan."
"Grabe ka naman! That hurts ah!" Ngumuso siya at kunwareng nalulungkot.
"Mukha kang bibe," halakhak ko.
"Mukha kang bruha," ganti niya, matalim na ang tingin sa akin.
"Mukha kang tite," balik ko.
"My gosh! Gross! Ang bastos ng mouth!" Singhal niya.
Puro kami tawanan at kulitan kami habang hinahanda ang mesa para sa lunch. Simple lang ang ginawa naming pagkain, grilled fish, light salad, at mangga para sa dessert. Si Lorenzo na rin nag saing ng kanin.
Pagkatapos naming kumain, nagpunta kami sa poolside. Humiga kami sa mga lounge chair, nakikinig sa tunog ng tubig habang nagpapahinga sa ilalim ng araw. Nasa tabi ko si Lorenzo, tahimik lang kaming nakikinig sa paligid habang nagre-relax.
"Masaya ako na nandito ako," sabi ko, sabay lingon sa kanya. "Parang ibang mundo, tahimik, walang stress."
Ngumiti siya at tumingin sa akin, "Yeah, it's perfect. Makes you think about what really matters."
Tumingin ako sa dagat na nasa malayo at sumandal sa upuan ko. "Alam mo, naisip ko... ano nga bang mga plano natin pagkatapos nito? Pagkabalik natin sa manila?"
Napabuntong-hininga siya. "Yeah, I also think of that. We can't just pretend everything's perfect, can we?" seryosong sabi niya. "I know this marriage is for show, for our families, but... what happens after?"
Tumango ako, ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. "Need na ba natin lumipat sa bahay na binili mo? Talaga bang ipapakita natin na perfect couple tayo? Kasi, alam naman natin pareho na hindi ganun kadali."
YOU ARE READING
Eclipsed Hearts
RomanceSocietal expectations and financial pressures lead to a forced marriage between Eris Jace Salazar, a tomboyish and fiercely independent woman, and Lorenzo Feline Carreon III, the heir of Carreon Estate, who is secretly a gay. Started writing: Septem...