Diana's POV
Marami ng tao ang nandito sa function hall. Ang iba ay studyante, samantalang ang iba naman ay mga guro. Neatly decorated ang hall ngayon.
Pagpasok mo palang may mga ribbons at balloons ka ng makikita na nakasabit sa mga naglalakihang poste ng hall.
At sa stage may nakasulat na "Welcome to the first seminar, Peer-Buddies! Sponsored by Vibrant Stems tagline: making education easy!" napaka-well organised naman ng event na'to. Kung sino man ang gumawa, well done!
May mga food din sa gilid, nakalagay sa mahabang table.
Ang daming pagkain, kami lang ba ang kakain nyan? Wow.
Sobrang liwanag sa loob ng function hall, nakatodo talaga ang mga ilaw. Kitang kita mo ang lahat ng laman ng hall...
Every single detail..
Naghanap na ako ng mauupuan. Kahit marami ng students, marami pang natitirang upuan.
Nasaan na kaya si Nephra?
Paano kami magkakakitaan ne'to?
Pumwesto ako sa harapan malapit sa stage. Malabo kase ang mata ko, para mas makita ko ang magsasalita sa harapan.
Kahit na may big monitor sa gilid ay ayoko parin sa likod. Ayokong tumitingin sa projector.
Nasaan nayun?
Ang lakas nyang sabihin na late ako palagi, sya rin naman pala!
Well.. technically she's not yet late, hindi pa naman time.
Pero she should be here by now!
Lumingon lingon ako sa paligid.
I wish Art were here, para may kasama ako.
Ilang sandali lang ay dumating na sya.
Isang babae ang niluwa ng main entrance ng hall..
Parang biglang nagliwanag pa lalo ang paligid. Nagtinginan ang mga tao sa pagpasok nya, angat sa lahat ang kagandahan nitong babaeng pumasok sa hall.
She's wearing the same uniform as we do, pero bakit parang mas maganda itong tignan sakanya? She carries herself with so much confidence.
She also has that aura.. na matatakot kang i-approach sya. Very intimidating! She looked like she can rule the world!
May maliit na hair clip ang buhok nito sa harapan, Sobrang liit na detail pero nakakadagdag sa beauty nya. Shoulder length ang buhok nito.. may pagka-light ang hair colour nya.
Si Nephra Allen na nga ito.
Walang iba!
May studyanteng hindi nakapag pigil ng sarili nya, pinicturan nya pa ito. Buti nalang at hindi yun napansin ni Nephra.
Kung hindi baka napahiya siya nito.
Maraming naghe-hello sakanya, desperate lahat silang mapansin ni Nephra.
Bigla naman ang pagwawala ng puso ko. What the hell?! Parang sasabog ang puso ko anytime.
Mabilis akong tumalikod para hindi ako makita ni Nephra. "Please.. please.. calm down." I whispered to myself.
Pero walang nagawa iyon.
Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. I think I'm gonna passed out anytime soon pag nagpatuloy pa ito.
I begin to fidget both my hands.
I hate this mannerism, pero hindi ko naman mapigilan.
"Breathe, Diana.." I told myself
BINABASA MO ANG
(GxG) Let somebody love you 2019
Romance**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng bagay lagi sila ang magkalaban? *** Matalino si Nephra. It runs in their family. Kung kaya nama't gina...