» CHAPTER 2

133 11 4
                                    

Seleno~

TOTOO ngang malawak ang auditorium ng faculty namin. Natumabasan talaga ng facilities nila ang malaking tuition na binabayad ng mga estudyante dito— except me kasi may 100% scholarship ako dito. It was a long story but the bottom line is that I perfected the 500 item entrance they prepared. Not just once but twice. Kasi naghinala sila na nandaya ako so they made an on-the-spot test na naperfect ko din. Syempre, bilang tao nahirapan din naman ako pero worth it talaga. At grateful ako kay God dahil di niya ako pinabayaan.

Ngayon ay kasalukuyang nakapila ang mga seniors sa harap namin samantalang naka-indian sit naman kaming freshmen sa malawak na platform bago ang mga upuan. Nakakakaba dahil na rin siguro sa lamig na dulot ng aircon at dahil sa intense na tingin na pinupukol nila sa amin. Pero ako lang yata ang nakakaramdam nun kasi nang tignan ko sina Georgina at Hailey, di magkaintindihan sa kilig. Pinipigilan man nilang tumawa, maririnig mo pa rin ang impit na irit nila. Hays, ito talaga dalawang to oh. Di na nakatiis, hahaha.

Samantala, nang tignan ko ang gunggong na nakaakbay pa rin sa akin, nakasimangot siya habang nakatingin kay Kuya Sin. Ano bang problema nito? Ang bait kaya ni Kuya Sin tapos sasamaan niya ng tingin. Tsk, walang manners.

"Good afternoon, freshmen!" nagulat ang lahat nang biglang sumigaw ang lalaki sa pinakagitna. Matikas itong nakatayo at puno ng autoridad ang mukha niya. Muli akong kinabahan. Nakakatakot ang kaseryosohan niya at ng ilang seniors. Kung may nakangiti man, iilan lang— at kasama na dun si Kuya Sin. Tinititigan ko kung paano siya tumayo. Nakastraight body, maayos ang buhok, magkapantay ang mga paa at nakangiti. Lalo tuloy siyang gumwapo.

Busy ako sa pagtingin sa kanya nang may kamay na tumaklob sa mukha ko. And who to expect? Walang iba kundi ang bastos na si Harrison. "Wag mo nga siyang titigan nang ganyan. Para mong tinutunaw eh," sabi niya na medyo irita pero tumawa pa rin. Ang gulo din nitong isang ito eh. Siguro may gusto to kay Kuya Sin. Tsk, possessive. HAHAHA.

"I want all of you to give your full attention to the persons infront of you. No talking to your classmates, friends," he paused and laid his eyes at us— me. "And boyfriends."

Napalunok ako nang sabihin niya iyon na parang direkta sa akin. Kilala niya ba ako? At sinong boyfriend ang tinutukoy niya? Itong gunggong na to? Nakuuu, malabo!

"Do you understand?" mas malakas niyang sabi na parang pasigaw na. Nagulat ako at parang naubos ang dugo sa katawan ko. Nakakatakot siya! Pakiramdam ko, any time papatayuin niya ako para pagalitan. At kung makasigaw siya, akala mo nasa dulo kami ng auditorium, eh nasa harap niya lang naman kamin. "I said, do you understand?!" tila galit niyang sigaw. Sa gulat ng lahat, sabay sabay kaming nautal sa pagsagot ng, "Yes."

"Dito sa faculty ng Engineering, nirerespeto ang seniors. Mataas ang tingin nila sa amin. Alam niyo kung bakit?"

Walang sumagot, tahimik lang ang lahat pwera na lamang sa isang gunggong, si Harrison.

"Tsk. Paano namin malalaman? Siraulo din to eh," sabi niya kaya nasiko ko siya. Tumahimik naman siya kaya muli kong tinuon ang atensyon ko sa unahan.

"Mataas ang tingin nila sa amin dahil ginagalang nila kami. Dahil alam nila na bilang seniors niyo, mas marami na kaming napagdaanan at higit sa lahat, mas may alam kami sa inyo. Kaya ayaw ko na makakarinig ng reklamo ng kabastusan niyo. Maliwanag?" mahabang litanya niya sa usual na malakas niyang boses. Pero kahit ganun, nanatiling tuwid ang kanyang tayo at composed. Sobrang matured niyang tignan, dahil siguro isang taon na lang ay ga-graduate na sila.

"Opo," malakas na tugon naming mga freshmen. Halatang takot kaming masigawan muli ng nakakatakot na taong ito. Hindi ko siya kilala pero alam kong dapat na iwasan kong makasalamuha siya. Bukod sa nakakatakot siya, hindi rin ako komportable sa presensya niya. Nakakabalisa.

I'm In Love With a Playboy [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon