Simula

13 0 0
                                    

Nasa room ako na ako ngayon pero nagtataka ako kung bakit wala pa rin ang best friend kong si Janice, minsan kasi ay mas nauuna pa syang pumasok kesa sakin kaya nakapagtataka lang na wala pa sya. Agad ko naman kinuha ang aking cellphone at agad ito binuksan saka ko ini-open ang message upang i-text kung nasan na si Janice.

Janice, nasan kana? Baka mamaya dumating na yung prof natin.

6:45 am Send

Ilang sandali pa ay nakatanggap naman ako ng message galing kay Jake---boy friend ko.

Elle hindi kita masusundo mamaya, susunduin ko kasi si ate sa airport

6:46 am

Dadating na pala ate niya, bakit di niya agad sinabi sakin para naman masamahan ko sya.

Ganun ba? Pwede ba akong sumama?

6:47 am Send

Elle,wag na ayaw kitang lumiban sa klase sandali lang naman to eh, Take care always love you (●'з')♡

6:47 am

Agad naman akong nalungkot, gusto ko pa naman makita si ate Leeyah, sobrang tagal na din kasi mula nung magkita kami. Pero okay lang makikita ko naman sya since dadating na sya ngayon, tinuon ko muli ang atensyon ko sa cellphone ko at agad nagtipa ng reply kay Jake ,papatayin ko na sana ito nang biglang mag-vibrate muli ang cellphone ko, akala ko si Jake ang nagtext pero si Janice pala.

Elle 'di muna ako makakapasok ngayon, masama pakiramdam ko e, pasabi na lang kay prof, thanks Elle lovelots ♥

6:51 am

Ano naman kaya ang nangyari dun at sumama ang pakiramdam? Agad naman ako nagreply sa kanya at saka pinatay ko na ang cellphone ko at tinago ito. Napaisip tuloy ako kung bakit 'yun nagkasakit eh ang sigla-sigla pa niya kahapon e, tapos ngayon may sakit sya? Hayss weak pala ang best friend ko e 'di bale bibisitahin ko na lang sya mamaya.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang pumasok na ang prof namin at agad naman nagsiayos ng upo ang iba kong kaklase ang iba naman tinago na ang mga make-ups, at cellphone nila.

Binati kaming lahat ng prof namin at gayun din ang ginawa namin. Hanggang sa nagcheck na ito ng attendance at napansin nitong wala si Janice s'ya lang kasi ang absent at katabing upuan ko lang ang bakante kaya sinabi ko na lang na may sakit s'ya. Tumango na lamang ang prof namin at tumayo hanggang sa nagsimula na itong magsulat sa white board at nagturo ,binuklat ko na lang aking libro at nagfocus sa kanyang tinuturo.

~♥~

Ilang oras ang nakalipas ay time na, nagpaalam na ang last subject teacher namin kaya gayun din kami, busy na sa pag-aayos ng sarili ang iba, habang ang ibang kaklase ko naman ay lumabas na. Inayos ko na rin ang gamit ko, at nagdesisyon ng lumabas nang biglang pumasok ang president ng classroom namin. Agad naman napahinto ang iba sa ginagawa at natuon ang pansin sa president namin.

"Nandito ako ngayon para iannounce sa inyo half day lang ang pasok niyo, may magaganap kasing laban sa kabilang school at inaasahan na lahat ng teachers ay nandun, kaya't nagdesisyon na lang na i-half day ang pasok. " mahabang pagpapaliwanag ni Lisa --president namin.

Narinig ko naman ang malakas na sigawan ng mga kaklase ko, yung iba ay nagtatalon pa, yung iba nagbabatuhan na at ang worst binabalibag na nila ang mga upuan, ganun ba sila kasaya na half day kami? Napatawa na lang ako sa aking iniisip at saka lumabas na ng classroom gayun din ang iba.

Habang naglalakad ako ay bigla akong napahinto nang makaramdam ako ng basa sa aking blouse agad ko itong tiningnan at nakita ko ang kulay dilaw na likido na natapon sa blouse, kung hindi ako nagkakamali ay juice ito, naaamoy ko na rin kasi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Date when You said HelloWhere stories live. Discover now