Panitikan, Pa'no Ka Ginawa?

105 1 1
                                    

               Simula nang umusbong ang modernong henerasyon, kadalasang isinasantabi na ang mga orihininal na pamamaraan, anyo, porma, at kultura ng mga bagay-bagay na dulot ng teknolohikal na pag-unlad. Dahil dito, nagbubunga ngpanibagong mga pamamaraan and mga kinagisnang kultura ng mga Pilipino. Isang nag-bagong kultura ay ang Panitikang Pilipino. Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinapahiwatig lang ng aksyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling kuwento, dula, nobela at sanaysay. (Santiago, Lilia Q. Mga Panitikan ng Pilipinas. C & E Publishing House. Quezon City.2007).

               Masasabing maunlad ang panitikang Pilipino sapagkat may pamamaraan na ng pagbuo ng panitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga kastilang mananakop. karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila gaya ng mga bugtong,salawikain, alamat, mito at epiko na anyong patula. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang dati rating daluyan ng panitikan na pluma at papel ay napalitan ng makabagong teknolohiya. Di hamak na mas mabilis ngang ma-access ng karamihan ang mga panitikang nailalathala sa pamamaraang ito. Higit pa roon, daan-daang anyo ng panitikan ang matatagpuan sa isang click lamang. Ngunit tama nga lang bang mas nabibigyang pansin ang panitikan sa daluyang digital? Mas umuunlad ang panitikan sa birtuwal na espasyo? O nagsisilbi na nga ba itong hadlang sa makabuluhang papel ng panitikan sa ating buhay?

Panitikan, saan ka nagmula? Panitikan, pa'no ka ginawa?

Sa panahong digital, ang panitikan ay di lamang nagsisilbing pang-engganyo at pampalipas oras sa mga mambabasa nito kundi naging instrumento na rin ito ng akumulasyon ng kapital ng mga monopolyong kapitalismo mula sa makapangyarihang entidad sa lipunang Pilipino. Mahalaga ang papel ng Pilipinas at iba pang neokolonyal na bansa sa ikatlong daigdig sa ganitong kalakaran sapagka't tayo ang nagsisilbing tagasalba ng sumusobrang produksyon ng kagamitang elektroniko ng iilang korporasyon at pandaigdigang sentro ng kapitalismong dumaranas ng krisis. Kasabay ng pag-unlad ng daluyan ng panitikan ay ang mga kompliksyong dulot nito. Lumalabas na umuunlad ang kalakarang ito sapagkat mayroong umiiral na akumulasyon ng kapital at mas kumikita ang mga kompanya habang ang mga manunulat ay pinagkakaitan ng malaking kita sa kanilang mga likha. Masasabi ngang hindi patas ang nagiging resulta ng paggamit ng makabagong teknolohiya bilang alternatibo sa tradisyonal na nakalimbag na materyal kung saan mas nabibigyang pansin ang manunukat. Isa pang umiiral na komplikasyon sa ganitong penomeno ay ang ka walang konsiderasyon sa mga taong may mababang ekonomikong kalagayan. Mga taong walang kakayahang makabili ng mga naturingang gadgets at pangangailangan na pinagmumulan ng kontemporaryong panitikan. Nililimitahan ng kalakarang digital ang makabuluhang papel ng panitikan sa magsilbing tulay para palakasin ang karaniwang mambabasa upang hind imaging pribelehiyo ang pagbabasa na limitado lamang sa may kakayahang bumili ng mga producto at serbisyo ng mga kapitalista. (Garcia, F & Geronimo, J. Filipino sa Piling Larangan Sining At Disensyo. Manila, Sampaloc: Rex Book Store, Inc.) Isa sa higit na nakakagambala ay ang malaking posibilidad na manakawan ng karapatang intelektuwal ang isang manunulat dahil sa malayang mekanismo na nililikha sa ganitong bagong kalakaran ng paglalathala. Kung tutuusin, maganda rin ang naidulot ng modernong paglalathla ng panitikan sa kasalukuyang henerasyon. Madaling makaabot kung kanino man ang impormasyon at sangkatutak ang matatagpuan mong panitikan dito. Sa kabilang banda, masasabing marami parin ang ligwak na tampok at di kaayaaya sa kalakaran ng panahong digital na nararapat lamang bigyang pansin at mabigyang solusyon. 

               Kung susuriin, mas nararapat na bigyang pansin ang mga likha ng manunulat dahil ang lumalabas ay ang mga manunulat ang nagiging alipin ng mga monopolyong kapitalismong nakikinabang sa kani-kanilang mga likhang panitikan na ang nararapat naman talaga ay ang kabaliktaran. Ang panitikan ang nagbibigay buhay sa mga elektronikong kagamitan na inilalabas ng iba't ibang kompanya at sa aking palagay, sapat na iyon upang magkaroon ng mas malaking pagkilala ang mga manunulat kesa sa mga kompanyang nanggigipit sa kahalagahan ng kanilang likhang sining, ang panitikan. kung gaano kahalaga ang likhang sining ng manunulat sa tradisyonal sa paglilimbak ng panitikan ay gayun din sana ang halaga nito sa teknolohikal na daluyang paglilimbag. 

Tunay ngang nakakapagpaginhawa sa sariliat nakakagaan sa mga Gawain ang pag-usbong ng digital world. Ika nganila, one click away lang halos lahat ng bagay na matatagpuan sa mundong teknolohiya. Tuluyan ring nagbigay daan ang modernong panahon sapag-papabatid ng kontemporaryong tradisyon ng panitikan sa Pilipinas nanaimpluwensyahan na rin ng ibang dayuhang kultura at tradisyon. Sa kabuuan, Masasabi kong malayo na ang narating ng Panitikan sa Pilipinas. Nasa sa atin na lamang kung papanindigan, mamahalin at re-respetuhin ang sariling atin; ang panitikang Pilipino. Kaya hinahamon kita, kaya mo bang tuparin ito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Panitikan, Pa'no ka ginawa?Where stories live. Discover now