My Demon [Ch. 33]
It's been three weeks matapos nung araw na na-injure yung kaliwang braso ni Demon. So far, so good. Swerte niya dahil hindi masyadong napuruhan ang braso niya kaya mabilis gumaling. Yung card, napapalitan ko na ng Melody. Ang cute cute! Yung kaibigan ni Hello Kitty na color pink ang tenga (o sungay? Basta yun na yun!) Kasama ko si Demon nung pinalit yung card. Alam niya kasi kung saan naka-locate ang Sanrio Toy Parlor na yun. Hindi lang yun, bumili pa siya ng Hello Kitty at Dear Daniel keychain.
Honestly, hindi ko inaasahan na bibili siya ng ganung klaseng bagay. At mas lalong hindi ko inasahan na gagamitin niya yung Dear Daniel na keychain sa susi ng motorbike niya. Yung Hello Kitty kasi binigay niya sa'kin. With matching pananakot pa na kapag hindi ko daw ginamit, susunugin niya buhok ko. Okay, fine. Kahit di naman niya ko takutin gagamitin ko pa rin. Bukod kasi sa mala-gintong presyo, ang cute cute kaya!
About naman sa study, masaya ako lalo na ang parents niya dahil sa improvement niya. May isang beses pa nga na sinabi sa'kin ng isa sa mga katulong nila na nahuli niyang nag-aaral si Demon ng patago at ayaw ipaalam sa iba (he's so weird!), kaya nag-suggest ako na itigil na namin ang tutorial kasi nagagawa na niyang magtino sa pag-aaral. Marunong naman talaga kasi siya─loko-loko lang: hindi siniseryoso ang mga bagay na dapat ay siniseryoso lalo na ang pag-aaral─ at para na rin magkaroon siya ng mas maraming free time para magawa ang mga gusto niyang gawin na kalokohan, kasi alam kong ayun ang gusto niya. But you know what he had reacted? He beamed and yelled at me. Ang dami niyang sinabi: Tinanggap-tanggap ko pa daw ang offer ng dad niya as his tutor tapos hindi ko naman daw paninindigan, and so on. Tapos meron pang, "Kung kelan naman medyo nagtitino na ko saka mo pa ko iiwan?".
Hanep! Parang may ibang meaning yung sinabi niya. Sa dalas naming magkasama, nakakapag-open up na ko sa kanya though madalas niyang sinasangga. Kung hindi niya nga lang ako palaging inaaway, baka ituring ko na siya as my best friend. Naku, magtatampo si Angelo nito.
Ah! Oo nga pala, malapit na ang exam namin kaya nagrereview na rin kami ni Demon.
"Ikaw ba si Soyunique Sarmiento?" May limang lalaki ang lumapit sa'min ni Angelo. Nasa field kami at nagbabasa ng libro habang kumakain ng junk foods.
"Oo, sya nga." Si Angelo na ang sumagot.
Keyr Demoneir's Point Of View
Lunch Break
Naglalakad ako sa quadrangle. Iniwan ko si Ployj sa cafeteria mag-isa. Hindi rin naman ako kinakausap ng lokong yun, tapos wala pa si Soyu. Nakita ko yung mga babaeng nakakasama niya minsan sa loob ng caf pero siya at yung baklang kaibigan niya hindi. Nasaan kaya siya?
"IBALIK NIYO SABI YUNG KWINTAS EH!"
I looked where that raspy-loud voice came from, and found out that the owner of that voice is no other than Soyu's gay friend. I grinned seeing him that mad. Nasasapawan ng pagkalalaki niya ang kabaklaang taglay niya ngayon. Namumula pa ang mukha niya and his veins seemed to burst out any moment. May limang lalaki ang nakapalibot sakanya. How stupid that five guys were. Binubully lang nila ang mga taong alam nilang walang kalaban-laban sa kanila. Weak retards!
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Teen FictionThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...