#CGVSDB
Chapter 35 - Leukemia?
HIRO's POV
Nandito na ang kaming apat maliban kay Daniel na siya na lamang ang hinihintay namin.
"Leche! Nasaan ba si Daniel? Kanina pa tayong naghihintay dito sa kanya." Kung makasigaw naman 'tong si Vincent akala mo wala nang bukas.
Isa pa 'tong si Daniel, nasaan na ba kasi 'yon at anong oras siya dadating? Siya pa naman ang nakakaalam sa mobile number locator na pinagsasabi niya. Naiinip na tuloy itong mga kasama ko dito.
"Tsk—nangangalay na ang paa ko." Reklamo pa ni Neil.
"Ang tagal niya, ha." Isa pa 'yang si Zeek.
Hay nako.. kung alam niyo lang guys!
"Ang o-oa niyong tatlo dyan! Parang ang tagal tagal niyo nang nandito ha." Sabi ko na natatawa, mga hitsura nito!
Ang totoo kasi niyan mga five (5) minutes pa lang kaming naghihintay dito kay Daniel. Kung tutuusin nga dapat ako ang nagrereklamo dito kasi mas nauna pa akong dumating dito kaysa sa kanila, so—six (6) minutes na akong naghihintay dito.
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Novela Juvenil[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...