Rishena Jade Orteza POV
"Narinig niyo ba yong announcement ng mga leader ng mga gangs kanina"girl 1
"Anong announcement"girl 2
"Yong about sa labanan bayon para makasali sa mga gang nila"pagkukumpirma nong babaeng pangatlo.Nakangiting tumango naman ito.
"Bakit sasali kaba?"tanong nong girl 2 sa girl 1.Mabilis na tumango naman ito.
"Napakalampa mo pano ka naman mapipili sa audition" si girl 3
Nandito kami ngayon sa cafeteria nag luluch.Napalingon ako kay Kaira nong napansin kong tutok na tutok itong nakikinig sa mga ibang estudyante na may pinaguusapan na nakakaagaw din ng atensyon ko.
Tungkol ito sa mga gangs.Actually ito karamihan ang mga naririnig kong usapan ng karamihang estudyante mapa teacher yan ang mga topic.
Ayon sa mga narinig kong usapan nila ay kahit sino daw ay pweding sumali.Basta may talino kang taglay at malakas ka.
Bawat tatlong gangs ay may apat member.At naghahanap sila ng tatlo na magkukumpleto sa grupo nila.Bali tag isa lang ang kailangan ng bawat grupo.
Para makumpleto ang bilang ng gang kaya sila nag papaaudition.Ewan ko kong anong klaseng audition ang nakalatag nagyon.Pero satingin ko susubukin ang talino at kakayahang makipaglaban ng bawat sasalang sa laro.
Oo isang laro.Isang laro daw ang magaganap.Isang larong nakakaexcite pakingan pero nakakatakot din kong iisipin mo kong para saan nga ba ito.
Sa ilang araw na namamalagi namin dito ay napagalaman ko na ang tatlong grupong gangs nayon ay isa sila sa kinakatakutan ng karamihan.Hindi lang dahil sa kanilang katayuan ngayon kundi sakanilang kayang gawin.Kong tutuusin parihas lang naman kaming tao pero pati ako ay natatakot sa mga presinsya nila.
Ang mga gangs nayon ay pumapangalawa na makakapangyarihan dito sa loob ng university. Nanguguna lang naman yong walang kwentang Dean dito.
Tss.
Karamihan natatakot sakanila pero meron din ibang naglalakas ng loob na sumali.Katulad nalang ng katabi ko ngayon na para bang kalaki ng elepante ang tainga na
kong makinig sa mga usapan ng karamihan ay naririnig niya.Tutok na tutok eh.Napansin ko pa itong pangiti ngiti.Bigla naman akong kinabahan sa mga naiisip.So tama nga ang naiisip ko.
"Anong mga ngiti yan?"kinikilabutang tanong ko.Parang may balak kasi kong ngumiti.
"Hehehe"nasagot lang ni Kaira at mas lumawak ang ngiti sa labi.
Wag naman sana niyang maisipang sumali.Dahil napakapanganib talaga.Kong yong iba ay may balak na sumali upang magkaruon ng kapangyarihan ay sana ang isang ito ay hindi.
Natatakot ako na baka pag napagdisisyonan niya ang bagay nato.Ay baka ito ang makakapag mahamak sakanya.
"Kong balak mong sumali..Wag mo ng ituloy"makahulugan na sabi ni Jenny na nasa pagkain ang paningin.Nilingon ko naman si Kaira na ngayong nawala ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng pagkadismaya.
"Bilisan niyo diyan may klase pa tayo"seryuso pang sabi nito.Wala nalang kaming nagawa ni Kaira kaya binilisan nalang naming kumain.Pero nagtataka nako sa kinikilos ngayon ni Jenny masyado naman ata siyang seryuso ngayon.Ano kayang nakaing damo nito. Hayst.
Sabay sabay kaming tumungong tatlo sa feild.Nauuna ngalang kong lumakad samin si Jenny.Wala nga pala kaming pasok ng isang sub may meeting daw ang subject teacher namin.Kaya na pag disisyonan nalang naming tumungong feild kong saan nandon din ang mga kaklase namin.
Nong nakarating kami umupo kagad kami sa damuhan na tabi ng isang malaking puno.
Ang iba sa estudtante na naririto ay nag lalaro ng badminton at soccer.Pero ang mas naagaw ng atensyon ko ay ang dalawang grupo ng may hawak na swords at baseball bat.Ayon sa bilang ko anim ang bilang ng isang grupo at ang isa naman ay pito.
Bigla naman akong kinabahan habang nakatitig sa mga hawak nila.
San naman kaya nila nakuha yan.
Nabalin ang atensyon ko kay Kaira na ngayong nakatingin sa banda duluhan ng feild.Tumayo ito at walang paalam na tumungo don.Hinabol ko pa ito ng tingin pero nabalin uli ang paningin ko sa harap nong nakaramdam ako ng mabigat na inirhiya.Biglang kumabog ang dib-dib ko nong napansing samin sila nakatingin.Pero hindi ordinaryong tingin lang kundi napakasama kong tumingin.Para bang gusto kaming balatan ng buhay.
Hindi ako makagalaw sa subrang kaba ganon din si Jenny na nasa dalawang grupo din ang paningin.
Shit..hindi pwedi ito.
Biglang sumagi sa isip ko si Kaira.Gusto ko siyang lingunin para humungi ng tulong pero natatakot ako.
Natatakot talaga ako.
Kaira Althea Martinez POV
Nag lakad ako patungo sa duluhan ng feild parang may kong anong pamilyar na bagay kasi akong nahagip kanina.Hindi nadin ako nagpaalam pa kila Rish at Jenny.Nakakatampo din kasi wala pa akong sinasabing sasali ako ganon na kagad ang reaction nila.Pero obvious naman kasi siguro yong mga ngiti ko kanina.Halatang may balak na sumali HAHAHA.
Pero gusto ko talagang sumali.Simula nong narinig ko yong mga usapan nilang lahat tungkol sa paligsahan nayon.Nakuha na kagad ang atensyon ko.Ewan ko ba parang umiba ang pakiramdam ko.Oo may pangamba akong nararamdaman na alam kong nararamdaman din yon ng mga kaibigan ko.Pero hindi ko ipagakakaila na naeexcite din ako.
Pero makiramdam ko din kasi na ito nayon.Ito na yon ang way para mas marami kaming malaman tungkol sa paaralan nato.Hindi naman ako kasing galing mag hanap ng sagot hindi katulad nong dalawa.Napansin ko ngang mas marami ang nalaman nila kaisa sakin.
Hayst.
Pero masisiguro ko kong nakasali ako dito suguradong mas mapapadali para sakin ang kumilos lalo na pag nakasali ako sa grupo nila.
Malaking opportunity din ito saamin lalo na sakin.Hindi man ako kasing galing nila.Hindi din naman ako kasing lampa ng iniisip nila.
Nabalik nalang ako sa realidad nong nakarating na ako sa mismong bagay na naka kuha ng atensyon ko kanina.
Nakakunot ang noong pinasadahan ko ng tingin bawat bahagi ng bagay na nasa harapan ko.
Ngayon nasagot na ang tanong ko kong bakit kami napadpad dito.
Lumapit pa ako sa helicopter na nasa aking harapan.Hindi ako pweding magkakamali ito nga.Ito yong helicopter na sinakyan namin bago na crash.
So dito pala kami bumagsak habang pumapaibaba kami mula sa impapawid.
Napapailing ako habang tinignan ang kabuoan ng helicopter.May ilang parti sa helicopter ay wala na.Subrang durog nadin yong harapan ng helicopter na halatang yon ang naunang umagsak.Masyado nading maitim ang bahaging itaas na dating kulay puti na pintura.Mukhang inupok ito ng apoy..Bahagya pa akong lumapit sa loob nito at hindi sadyang napatingin sa isang bagay na napakapamilyar sakin.
Kinuha ko ito at pinagmasdan.Basag na ito pero hindi naman ang kabuoan ng screen nito.Pinindot ko pa ang gilid ng switch nito upang bumukas.
Sumilay ang ngiti sa aking labi nong nakitang bumukas ito.
"Yes!! Macocontact ko na si daddy"masayang nasabi ko nalang pero biglang bumagsak ang dalawang balikat ko nong nakitang walang signal dito.
Hayst.Bagsak ang balikat na tumalikod nalang ako at mag lalakad pero hindi pa ako nakakailang hakbang nong biglang napadapa ako.
"Shit"daing ko nong bahagyang sumubsob ako sa lupa.Napapikit na ako nong naramdaman ang hapdi ng tuhod ko.
Nong medyo nawala na ang sakit iminulat ko ang aking mata at napako ang aking paningin sa isang kwentas na nasa lupa.Kinuha ko ito at pinagpagan ang nakadikit na buhangin dito.
"HEAVEN ♡ DEVIL"basa ko sa nakaukit na pangalan dito.
Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay pamilyar ang kwentas nato.Parang nakira ko nato somewhere.
Sinong HEAVEN at Devil?
BINABASA MO ANG
Inferno University(School of Monster and Gangster)
Mystery / ThrillerKilling is free