Chapter 39

5 0 0
                                    

Kim's POV

Hindi ko akalaing mailalabas ko sa babaeng yun ang mga saloobin ko. At nayakap ko pa siya at naiyakan. Napakagaan ng pakiramdam ko sa babaeng yun. Naramdaman ko sakanya ang yakap ni kaycee sakin dati. Ang mga haplos niyang pamilyar na katulad kay kaycee. Hindi naman siguro kabadingan ang umiyak ka sa harap ng babae diba? Sa halip ay katatagan at pagiging totoo mo sa sarili mo. Matagal ko na ring inipon ang sakit, pighati at pagsisisi at ngayon ko lang muli ito nailabas.


Niyakap ko si kaycee at hindi ko napigilang tumulo ang mga luha ko dahil sa pagkakayap niya sakin naramdaman ko ang babaeng minahal ko sakanya. Sa mga yakap at haplos niya sa likod ko bilang pag comfort. Hindi ko akalaing mabait rin naman pala tong boyish na babaeng to kahit papano. Dahil madalas tinatarayan niya ko at inaasar. Hindi ko ineexpect na simula na rin pala yun ng pagiging mabuti naming dalawa sa isa't isa. Hindi na kami madalas mag-away at mag-asaran. Pero madalas niya kong tinutulungan at pinakikinggan. Siya na mismo kasi ang nag offer na tutulungan niya ko sa paghahanap kay kaycee.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng umiyak ako sakanya. Simula nun ay inumpisahan na din namin ang paghahanap kay kaycee. Hindi namin alam kung saan at papano. Dahil ni isang clue walang naiwan sakin si nick.


Ang hayup na yun buti nalang at hindi ko siya sinapak at nakontrol ko pa ang sarili ko. Galit na galit ako sakanya dahil sa pagtatraydor niyang ginawa sakin. Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang kasakiman niya at pagiging desperado niya kay kaycee.

"Oy. Ang lalim ng iniisip mo!" nagulat naman ako ng tinapik ako sa balikat ni kaycee. Siguro nga malalim ang pinag-iisip ko dahil kanina pa dumadaldal tong utak ko sainyo.

"Ah wala may iniisip lang" nginitian ko naman siya

"Bat ba tayo dito sa texas naghahanap? Diba sa pinas mo siya huling nakit?"

Naisip ko rin yun na bakit dito kami naghahanap. Pero kasi sa sobrang daming koneksyon ng magulang ni kaycee. Hindi na malabong isa to sa mga bansang pinag landingan ni kaycee para itago siya sakin.

Tumayo kami at pina take out nalang ang pagkain namin.

"Hindi ko rin alam. Naguguluhan ako hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala kong ideya kahit konti" yumuko ako at naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko sa tuhod ko. Eto nanaman ako umiiyak at may isa nanamang babaeng magpapatigil sakin at walang sawang magbibigay ng advice. Minsan nga sa sobrang lalim ng sinasabi niya hindi ko na alam kung san niya hinuhugot ang bawat salitang sinasabi niya sakin. Para ngang may pinagdadaanan din ang isang to pero kahit isa hindi ko man lang nagawang tanungin siya dahil ako palagi ang iniintindi niya.

"Tama na. Ayan ka nanaman eh. Pano natin siya mahahanap kung nandyan ka lang nakaupo at iiyak? Naisip mo bang sa bawat pagtulo ng luha mo ay ilang minuto din ang nasasayang para hanapin natin siya? Naisip mo bang pagtumulo ang mga luha mo dyan ay babalik siya agad? Kim .. Walang magagawa ang pag-iyak mo para mahanap siya" naisip kong tama nga naman si kaycee ano pang saysay ng pag-iyak ko kung hindi naman namin siya mahahanap. Ewan ko ba simula ng cinomfort ako ni kaycee eh napapadalas na ang pag-iyak ko. -_-


"Halika na nga tumayo kana dyan. Para kang bata! Di bagay sayo! Ang laki laki ng katawan mo tapos iiyak iyak ka lang" naramdaman ko naman ang muling pagyakap niya sakin


"Oh. Labhan mo yan ah pagtapos mo. Nakakadiri ka yung uhog mo tumutulo na"


"Tsk." napangiti naman ako kahit papano. Tsaka naman niya ko hinila para maglibot libot ulit at magkalap ng picture ni kaycee sa paligid.


"Kaycee?"

"Yes?"


"Sa .. Ahm. Thanks" sabi ko

"Ang drama mo! Magpaskil ka na nga lang dyan!" binatukan niya naman ako.


Isang linggo na rin naming ginagawa to ni kaycee at isang linggo na rin siyang nasa rest house ko. May bahay kami talaga dito sa texas. Binili iyon ng mga magulang ko bilang bakasyunan. At kung saan kami ngayon naglalagi ni kaycee eh hindi pa yun yung tinutukoy kong bahay. Marami pa. Ewan ko ba sa mga magulang ko kung bakit collection ang bahay -_-



Napatigil kaming dalawa ni kaycee ng makakita kami ng isang lalaking pamilyar. Hinding hindi ko siya makakalimutan. Ang mukhang nasa tapat namin ngayon. Ay ang lalaking siyang naging dahilan ng pagkakahiwalay namin ni kaycee at ang lalaking nagpawala sa memorya ng babaeng minahal ko.


"Princess" tawag ni kay kaycee. Oo si nick si nick ang nakita namin habang naglalakad kami. Hindi na namin naisipan pang tumakbo o magtago dahil napapaligiran na kami ngayon ng mga men in black -_- mga aso niya este body guard pala.


" Bat .. Bat ka nandito?" mautal utal na sabi ni kaycee


"Halika na princess sumama kana sakin"

"No way! Hindi nick! At hinding hindi na"

Tinago ko naman sa likod ko si kaycee baka bigla nalang siyang hablutin ni nick eh.

"Leave her alone!"

"At sino ka para sabihin sakin yan?"


"At sino ka rin para kunin siya ng ganyan?"


"Tsk. Kim wag kang makielam dito. Wala kang alam" banta niyang lalapit samin pero pinigilan ko siya


"Oo! Wala akong alam! Kaya nga ngayon hinahanap namin si kaycee dahil WALA AKONG ALAM! Kasi nick hindi mo pinaalam"


"Kalimutan mo na yun!" sabi niya


"Kalimutan? Eh tangina mo pala eh" sinuntok ko siya ng sinuntok. Nagulat ako kung bakit hindi siya lumalaban sa mga suntok na tinatamo niya at hinayaan niya lang na wag siyang tulungan ng mga body guard niya. Hanggang sa magsawa akong suntukin siya. Sa tingin ko lahat naman ng galit ko naiparamdam ko na sakanya sa mga suntok na yun.


"Are you finish?" sabi niya na umubo ng dugo


"I'm not yet" sabi ko at aamba ulit na suntukin siya pero pinigilan ako ni kaycee. Nakita ko namang umiiyak na siya. At kaya tumayo nako para yakapin siya. At laking gulat naming lahat at biglang nawalan ng malay si kaycee. Nag panic kaming lahat at wala nakong nagawa kundi hayaan nalang na isakay ni nick sa kotse niya si kaycee. Alam ko .. Hindi ito ang tamang oras para ipagdamot pa sakanya si kaycee.

-

Tieyches~

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon