Rosas,
Kamusta araw mo? Nakita kita kaninang umaga ang saya saya mo. Gusto ko sanang itanong kung ano yung nagpapangiti sayo, kaso nahihiya naman ako. Kailan pa kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob para lapitan ka. Pakiramdam ko hanggang tingin nalang talaga ako sayo. Naiinggit at nagseselos ako kapag nakikita kitang nakikipag-usap sa iba. Sana dumating din ang araw na maranasan ko rin na ako yung dahilan ng iyong pagngiti. Ang dahilan nang iyong malakas na pagtawa. Sana maranasan ko din na tinititigan mo ako sa mga mata habang nag-uusap tayong dalawa. Sana.
Kaso aminado ako na ang torpe ko. Pag-nakakasalubong ka nga sa daan hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan na natutuwa ako, na natatakot. Diba ang gulo?
Pero tuwing gabe, ako ay nananalangin, na balang araw ay mahahawakan ko ang iyong mga kamay. Balang araw, tayo'y magkikwentuhan buong magdamag. Hinding hindi ako magsasawa sa lahat nang mga paandar mo. Pangako yan. Sana ako ay bigyan nang lakas nang loob para masabi ko na sayo ang nararamdaman ko.
- Dylan. 😎♥
BINABASA MO ANG
Love Letters Para Kay Rosas
PoetryYung wala kang lablayp kaya ikaw nalang nagpapadala ng love letters para sa sarili mo. Don't me, I'm romantic. 🙈