Y/N's POV
Nagpapahangin ako ngayon dito sa rooftop ng eskuwelahan namin. Wala kasi akong magawa, ang boring sa loob ng classroom.
Habang nagmumuni muni ako, napatalon ako sa gulat nang may biglang sumulpot sa likuran ko na dwende este si Jimin pala.
"Ehem" umubo siya na halata naman na peke.
"Ehem" umubo din ako 'haha'.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw, ano rin ginagawa mo dito?" binalik niya lang ang tanong ko sa kanya.
"Nagpapahangin" sagot ko sa kanya.
"Eh di ganon din ako"
"Ah" sabi ko na lang
"Kamusta?" nagulat ako sa tanong niya
"A-ah, ayos lang naman" tumango lang siya
"I-ikaw?"
"Miss na kita"
"Huh?"
"Biro lang, ayos lang din"
"Ah"
Ilang segundo na ang nakalipas pero wala parin kaming imikan, kaya nagdesisyon nalang ako magsalita, tumingin ako sa kanya na hindi nakatingin sakin.
"Sya nga pala." pagsisimula ko, lumingon siya sakin kaya nagtama ang mga titig namin, nakaramdaman naman ako ng kung anong kakaiba kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Sorry" sabi ko sa kanya nang hindi nakatingin.
"Para saan?" Tanong niya sakin, 'ano ba't hindi matapos tapos ang mga tanong niya'
Sasagot na sana ako nang bigla siyang magsalita ulit,
"Para saan? Yung hindi ka sumipot sa lunch natin? O dahil may iba ka nang kaibigan na palagi mong kasama?""Pwede both?" pagbibiro ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay.
"Joke lang!" pagkasabi ko nun, tumalikod siya.
"Nagjojoke lang ako nung sinabi kong sorry" gulat siyang lumingon sakin.
"Joke lang ulet" nagpeace sign pa ako sa kanya kaso parang nainis siya sakin.
"Ano ba Y/n! Hindi ka nakakatuwa!" Inis niyang sigaw sakin pero hindi kalakasan.
"Sino bang nagsabi sayo na matuwa ka?" pamimilosopo ko sa kanya. 'mamatay siya sa inis'
Tumalikod siya ulit sakin at tumingin sa kawalan at nagbitaw ng mga katagang...
'CHAROT LANG'"Diyan ka naman magaling eh"
"Saan?" kunyare ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.
"Puro ka biro.' 'Kahit nasasaktan na yung tao, nagbibiro ka parin.' 'Akala mo biro lang tong nararamdaman ko?" pagkatapos niyang sabihin yun, nakita kong may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Parang nakokonsensiya tuloy ako.
"Sorry na nga eh' 'Ikaw kasi, ang dami mong tanong.' "
'mapride ako'
Hindi siya umimik, nakita kong nagpunas siya ng luha gamit ang kamay niya, dahil nga nakonsensiya ako, niyakap ko siya sa likuran 'back hug ganon'.
Parang naestatwa naman siya sa ginawa ko, first time ko kasi ginawa to 'pasalamat siya'.
"Sorry na, nagbibiro lang naman ako. 'At saka sorry kung hindi ako sumipot sa lunch natin kasi nakalimutan ko, sorry talaga' 'Huwag ka ngang umiyak!' 'Ang pangit mong tingnan, pangit ka na nga, magpapapangit ka pa!' "
Agad naman niyang tinanggal ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya para komprontahin ako, "At sinong pangit?!" tanong niya sakin, tumawa ako sa reaksyon niya , nakita ko namang natatawa din siya pero pinipigilan lang niya.
"Sino ba sa tingin mo? Alangan naman ako?"
"Hm, ayan ka naman eh" nagpadyak padyak pa siyang tumalikod sakin at nag-cross arm 'nag-iinarte na naman'
'ANG DAMING ARTE!'
'TONG BATA NA TO OH'
'PIGILAN NYO KO, ISASAKO KO YAN!'"Ayan arte na naman, SO.RRY. U.LIT~" hindi niya ko pinansin.
"Huy! Sorry na nga diba? Ang gwapo gwapo mo na."
"Talaga?" tanong niya pero nakatalikod parin.
"Oo na." hinila ko braso niya pero nagmamatigas parin.
"Nagsorry na nga't lahat lahat! 'Ano pang iniinarte mo diyan?!"
"Yakap~"
"Ano?!"
Humarap siya sakin at inispread ang mga kamay para humingi ng yakap,
"Yakapin mo ko, kagaya nung kanina." Uminit naman ang mukha ko sa sinabi niya,
"Duh, sumusobra ka ata?!"
Lumalapit siya sakin at umaatras naman ako."Sige na~ Yakapin mo na ko~"
"Ayoko nga Jimin! Tumigil ka nga!" Sigaw ko at tumakbo palayo sa kanya.
"Y/N! sandali lang! Sige na!~" narinig kong sigaw niya, lumingon ako at nakitang hinahabol niya ako, "Yakapin mo mukha mo!" sigaw ko at mas binilisan pa ang pagtakbo para di niya ko maabutan, napangiti nalang ako.
***